Nang nakahiram na ako libro sa librarian ay lumabas na ako sa library. Sa bungad ay nagkataon na nagkita ko si Isagani na pa simpleng dumaan.
“Hoy, Sir Isagani!” tawag ko.
Nahinto siya sa paglalakad at agad na napalingon sa akin. Nakasuot siya ng eye glases at may dalang makapal na libro. Siguro ay kakatapos niya lang maglunckh dahil tanghali na rin ngayon.
“Oh Bakit?” pormal niyang tanong.
Napatingin ako sa paligid. Kunti lang ang studyanteng nagdadaan kaya lumapit na ako sa kanya. Hindi siya sumagot naglakad siya at pumunta malapit sa ilalim ng puno kung saan ay malilim. Sumunod din ako sa kanya.
“Busy kaba?” tanong ko.
“Hindi naman… bakit may kailangan ka?”
“Wala kabang itatanong sa akin?”
Hindi ko alam kung paano ko uupisahan ang usapan na ito. Ang gusto lang mangyari ngayon ay maaalala niya yung nangyaring halikan namin dalawa sa kwarto ko. Ayoko kasing matapos iyon sa ganoon lang. Ramdam kong may dahilan din siyang kung bakit niya rin ako hinalikan pabalik.
Tila napaisip siya bago sumagot. “Diba ikaw ang tumawag sa akin kanina? siguro ikaw yung may gustong sabihin?”
“Teka… baka nakakalimot kana, Isagani.” tumaas na konti ang boses ko.
“Sa alin?” bahagyang napakunot noo siya.
“Do you remember? Yung kissing natin dalawa sa kwarto ko. Nakalimutan mo ba iyon?” mahinang tanong ko.
“Of course I remember that.”
“So…” tono na gusto kong masalita pa siya.
Napakamot siya sa sentido niya bago nagsalita. “Well… It happens unexpectedly. Sorry if I did kiss you back. Sorry kung nabastos kita.”
Nadismaya ako sa sagot niya. Unti-unti na akong nawawalan ng interest sa kanya. Kahit kailan ay ang slow niya. Ramdam kong may gusto rin siya sa akin pero ayaw niya lang umamin.
“Wag ka nga mag-sorry kasi ginusto ko rin iyon. Hindi ito gustong kong marinig sa’yo, Isagani.”
Mariin siyang tumingin sa aking mga mata. “Kristina… Normal lang ang kissing kung magka flirtmate lang tayo.”
Sa sinabi niya ay parang bumalik sa akin ang lahat ng kalandian ko before. Aminado akong flirtmate lang ang turing ko sa kanya nung umpisa pero gusto ko lang malaman kung innocente ba talaga siya. Sa sitwasyong ito ay mukhang ako pa ang dehado ngayon dahil pakiramdam kong ako ang talo. I already fall in love with him.
Sa pagkakataong ito parang mali na kung ipagsisiksikan ko ang sarili sa kanya. Medyo nasaktan ako sa sinabi niya pero ganoon talaga ang turing niya sa akin. Wala na akong magagawa. Nag-iilusyon lang siguro akong may gusto siya sa akin.
Ayokong magalit sa kanya dahil sa daming tulong niya sa akin. Parang wala akong dahilan na magtampo sa kanya. Kung wala talaga siyang ibang sasabihin sa akin. Iisipin kong ang kissing namin sa kwarto ay parte lang landian namin dalawa.
“Kung pang flirtmate lang ako, kalimutan mo nalang ‘yong nangyari. Promise, hindi na kita lalandiin,” dismayadong wika ko.
Puminta sa mukha ni Isagani ang lungkot. “I’m sorry Kristina.”
“Wag mong isipin ‘yon Isagani… Kilala mo naman ako noon pa, diba? Mas masurprise ka kung maging seryoso ako sa isang lalaki. Hindi ko ugali iyon. Sa dami ng naging boyfriend ko ay halos hindi naman nagtagal sa akin.”
BINABASA MO ANG
Be My Baby
RomanceSi Kristina Seno ay nagbabalik sa pag-aaral matapos ang apat na taon na pagkakahinto nito sa Kolehiyo. Kahit kapos sa pera ay gagawin niya ang lahat para lang matutusan nito ang pag-aaral ng mag-isa. Anong gagawin niya kung magkita ulit sila ng lal...