Chapter 5- Meet my Mom

30 7 0
                                    


Nang makarating na kaming dalawa ni Isagani sa harap ng bahay namin ay bumababa na ako sa likod ng motor niya. Medyo makulimlim na ang kalangitan nang makauwi sa amin.

"Ano punta ka sa bahay mamaya?" tanong niya.

"Para saan?"

"Inom, sama ka sa amin ni Cromwell." yaya niya.

"Sure, kain muna ako ng hapunan." payag ko.

"Okay." tumango siya.

Walang problema sa akin kung sumama ako sa inuman nila. Malapit lang ang bahay namin sa kanila kaya kapag lasing na ako madali lang sa akin ang makauwi.
Tsaka, nakilala ko na rin si Cromwell kanina at mukhang mabait naman ang lalaking iyon.

"Sige."

Napahawak pa ako sa balikat niya ng isang beses bago ako tumalikod sa kanya. Sa gate palang ng bahay ay tanaw ko na si Nanay na nakapamewang. Seryosong nakatingin sa amin. Nakauwi na pala si Nanay galing sa paglalabada.

"Kristina!" tawag niya.

Lumapit si Nanay sa amin dalawa ni Isagani. Medyo kinabahan ako sa paglapit niya. Siguro nagtataka siya na may kasama na akong lalaki samantalang bago pa lang kami dito sa Santiago.

"Good evening po." magalang na bati ni Isagani kay Nanay.

"Dumating na pala kayo, Nay." sabi ko agad.

Hindi ako pinansin ni Nanay. Ang paningin niya ay nanatiling kay si Isagani lamang.  Sa tingin ni Nanay ay parang tinignan niya ang bawat detalye ng pananamit ni Isagani mula ulo hanggang paa.

Nagkasulyapan kaming dalawa ni Isagani. Kinakabahan ako baka anong sabihin ni Nanay kay Isagani. Pero sa mukha ni Isagani ay kalmado lang ito.

"Kanino kang anak Hijo?" tanong ni Nanay.

Nagsimula na akong makaramdam ng hiya sa tanong ni Nanay. Akala siguro niya na boyfriend ko si Isagani. Kung sabagay ay si Franzon lang ang huling pinakilala ko sa kanya noon.

"Amp, wala na po akong mga magulang dahil matagal ng pumanaw. Ang totoo niyan... dyan ako nakatira sa tabi ng bahay ninyo." magalang na sagot ni Isagani.

Napatingin si Nanay sa bahay ng kapitbahay namin. "Dyan sa tindahan?"

"Opo." nagkasulyapan ulit kami ni Isagani.

Nakakahiya. Si Nanay, kung ituring kaming dalawa ni Isagani ay parang teenager. Nasanay kasi itong si Nanay na kada may bago akong boyfriend ay pinakilala ko sa kanya lahat noon.

"Nay, kaibigan lang kami ng lalaking yan. Siya si Isagani, kaibigan ko noong college."

Sticta pa rin ang tingin ni Nanay kay Isagani. Si Isagani naman ay kalmado lang habang nakaupo pa rin sa motor niya.

"Anong trabaho mo?" tanong pa nito.

Sinasabi ko na nga ba! pinagkakamalan ni Nanay si Isagani na manliligaw ko. Nakakainis din itong si Isagani dahil ayaw pa ring umalis.

Sineyasan ko si Isagani sa pamamagitan ng pagalaw ng mata ko sa direksyong ng bahay nila para umalis pero nanatili pa rin siya sa kinatatayuan niya kausap si Nanay.

Matigas din ang ulo ni Isagani.

"Wala pa po, pero may inaapplyan na ako." magalang na sagot ni Isagani.

"Ganoon ba? nililigawan mo itong anak ko?" tanong pa ni Nanay.

Nahihiya na ako sobra sa tanong ni Nanay. Aminado naman akong hindi ako ang type ni Isagani. Kaibigan lang ang turingan namin sa isa't-isa kahit noong kolehiyo pa kaming dalawa.

Be My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon