Chapter 4

17 3 0
                                    

Chapter 4

NAHA

Natuon ang pansin ko sa isang babae na papalapit sa pwesto namin.

Mahahalata rito ang karangyaan dahil sa mamahaling alahas na suot niya. Tumigil ito sa harapan namin at nandodoon ang mapungay na mga matang nakatitig kay Ultimus.

Pumikit na lang ako at pilit umidlip.
Why do professors are always late? Ugh!

"Hi! I'm Sylvia. What's your name?" Rinig ko pa ang malanding tono ng babae. Ke aga aga nanlalandi. Mga tao nga naman.

Naramdaman ko namang may umupo sa desk ko na siyang ikinamulat ko ng mata. Nakita ko ang babaeng may mahabang kulay blonde na buhok ang pilit nakikipagshake hands kay Ultimus. Si Sylvia yata. Wala namang pakialam ang huli at nakahalukipkip lang.

At dito pa talaga sa desk ko! What the!

"Miss Sylvia pwede bang wag ka sa desk ko. Hindi yan upuan for your information. Desk iyan. So please. Kung gusto mong umupo sa desk wag yung sa akin. Ayan sa harap ng katabi ko. Libreng libre."

"At sino ka naman para sundin ko?!" Nakataas pa ang kilay nitong nakatingin sakin.

"Miss nag-a-advice lang. Kung gusto mong makalapit sa kaniya bakit hindi ka dun umupo. Advantage yun diba? Why don't you take my advice?"
Palihim lang akong natawa ng sumunod nga ito. Nang madako ang tingin ko kay Ultimus ay masama itong nakatitig sakin. Nginitian ko lang ito sabay kalikot sa phone ko.

"Uyy pansinin mo naman ako. How dare you ignore my presence!"

Napatingin naman ang lahat ng halos magsumigaw na si Sylvia.

"First of all, I don't want paying attention to useless people. Second, you're not worth it of my talk but I'm wasting it now. Third, you irritates me. So back off!" Walang emosyong saad ni Ultimus kaya napa-chuckle ako ng mahina.

Luh! Grabe naman siya! Malala pa 'to.

Namula naman sa hiya ang babae pero tumingin ito ng masama sakin. I smell trouble my dear. Hindi kasi mapigilan ang bibig.

"Did you just laughed at me?!" Tumayo ito at dinuro ako. "Ha? Ah ewan.. siguro." Binulong ko lang ang huli kasi naman.

"How dare you!!" Papalapit na ang kamay nito sakin pero pinabayaan ko lang ito. Pasimple akong umiwas ng malapit na iyon kaya ayun bagsak sana sa mukha ni Ultimus kung hindi niya lang nasalo sabay tapik doon kaya napaatras si Sylvia.

Sayang yun eh! Ang ganda sana kung natamaan si Ultimus. Ang epic haha!
May narinig naman kaming tumikhim kaya napatingin kami sa pintuan at doon namin nakita ang matandang babaeng may hanggang balikat na itim na buhok. Nakasalamin ito at may striktong awra.

Bumalik naman sa kanya kaniyang upuan ang lahat at tumahimik.

"Good morning class. I've got a meeting earlier that's why I'm twenty.. seven minutes late." Sabi nito habang nakatingin sa relo niya. "Now I will only brief you about our lesson for..." Mataman naman akong nakinig at nag-take notes ng mga ni-discuss niya. Nakinig akong mabuti dahil mga formula ang mga sinasabi niya. Hindi ko nga masyadong maintindihan ang iba eh. Mamaya ay pupunta ako ng library pag break time na, baka sakaling mas maintindihan ko ng maayos pay ako na mismo ang nagbasa. At para advance reading na rin.

ValēreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon