CHAPTER I

220 66 117
                                    

JADE

"GEROLL FOR THREE-PASOK!" sigaw ng announcer na nasa stage habang panay ang hiyawan ng mga fans.

Nadagdagan na naman ang puntos ng kalaban, lamang kami ng ilang puntos pero di pa rin kami kumpiyansa kasi daming mahuhusay sa team nila.

Mainit ang labanan ng magkabilang team lalong-lalo na't twice to beat team namin. And another thing is...marami nang injured sa ilang days na laro kaya kailangan naming taluhin ang mga gong-gong na'to para rest na bukas.

Nakakapagod sana pero enjoy naman lalong-lalo na't sa intramurals lang ako nakakapaglaro...

"Jade-" sigaw ni Venice mula sa kabilang court sabay hagis sa bola. Shooting guard kasi ako kaya di ako masyadong pinapupunta dun. Dali-dali ko ring sinalo ang bola...

"Last 10 seconds-" pagdedeklara ng isa pang announcer.

Hawak-hawak ang bola ay parang nasa akin din nakasalalay ang pag-asa ng aking team. Daming nakabantay kaya dinribble ko muna ito.....

"kill the time futek ang klaro na eh..."

"no ba 'yan ang tagal, tira mo na"

"pasa mo...libre si ano"

Sa ingay na dulot ng mga tao sa MPCC ay tanging kabog lang ata ng dibdib ang naririnig ko. Magbabasakali na lang sana akong tumira mula sa kinalalagyan ko nang...

"Kenn-!" sigaw ng babaeng may pamilyar na boses. After hearing it ay di ko na alam anong sumunod na pangyayari. Nakita ko na lang na lumipad na ang bola sa ring...wait, ako ba tumira nun?

"Nays game! Parang wala ka ata sa sarili mo...may problema ba?" salubong ni coach habang iniabot ang towel na may pagkadismaya na gumuhit sa mukha niya.

Di ko na lang siya pinansin at agad akong lumabas para hanapin ang babaeng iyon.Pero kahit 'san na ako nakarating, di ko na siya makita. Di ko rin alam anong nangyari dun sa game. Narinig ko na lang sa katropa at ang iba ay tumatawa pa. Akalain mong sa 10 seconds na yun ay nakafreeze lang daw ako at nakuha pa ng kalaban ang bola tsaka naitira? Buti na lang at first timer yung tumira at di nai-shoot. Pati nga ako ay di alam bakit pero napakamysteryoso nung babae...sino kaya 'yun?

That question remained unanswered until days passed at nakalimutan ko na rin.

Nasa canteen ako ngayon nakapila sa napakataas na pila. Sa totoo lang ay inip na inip na ako at nung turn ko na ay...

...ubos na lahat ng paninda nila.

Okay, nice one! Water therapy na naman ba tayo neto? Sabagay, di naman agad mamamatay ang tao sa isang araw na walang kain di ba?

Aalis na sana ako at aakyat na sa classroom nang may nag-abot sa'kin ng pagkain. She had a wide smile on her face at agad na tumungo sa isang bakanteng table malapit sa water dispenser at kumaway. Sinundan ko na lang siya at umupo sa bakanteng upuan sa harap niya. Masyadong lapit namin sa isa't-isa pero kahit ni isang word na pambasag sa katahimikan ay wala talaga. Kahit nga mga tao na dumadaan ay parang normal lang na may kasama akong babae. Wait, her face is so familiar pero di ko alam kung sa ko siya nakita...o nakasama? Nauna na siyang umalis at naiwan akong natulala. I didn't even say the words 'THANK YOU' sa ginawa niya pero, sino ba talaga siya?

Naubos na lang whole day ko kakaisip pero wala talaga. Pati nga prof namin parang wala ring pake kung nakikinig ako o wala. I mean, 'bat din naman pala ako aalahanin nun eh ordinaryong estudyante lang naman ako.

Uwian na at heto,..naglalakad ako ng mag-isa when a girl crying caught my attention. I grabbed my handkerchief at binigay ko iyon sa kanya pero nung tumingin siya sa'kin ay parang bumilis ata ang kabog ng dibdib ko at gustong-gusto kong ibulsa na lang ulit ang panyo at umuwi...pero di ko yun nagawa. Kinuha niya iyon at nagapasalamat tsaka ako nagpatuloy sa paglalakad. 'Bat ako kinabahan? Ako ba kasalanan ng pagpatak ng mga luha niya? Lol, sa pagkakaalala ko eh wala pa ata akong napaiyak na babae.

Pumasok na lang ako sa library na lagi kong dinadaanan at nanatili muna roon. I was about to turn to the last page ng binabasa ko when I saw a girl on the rooftop na parang tatalon ata. Dali-dali akong lumabas at inakyat ang rooftop ng building na 'yun at nakita ko naman ang familiar na babae...

"Please don't jump... " hingal kong sabi na hawak-hawak pa ang dibdib. Di ko alam 'bat ko 'yun sinabi at 'bat ako tumakbo papunta rito pero ang mahalaga, naabutan ko siyang buhay pa. She didn't say any word...she only gave me a bitter smile instead. Napatingin na lang ako sa relo nang pumatak na ang alas sais. Nawala rin 'yung babae na parang bula at di rin ako interesado kung saan na ito pumunta.

"Hayyyy...what a tiring day." sabi ko sa sarili habang pinagmamasdan ang tahimik na paligid ng campus.

"Hoy bata ano pang ginagawa mo dyan?!"tanong ng guard habang nakatutok sa'kin ang hawak nyang flashlight.

I decided to leave the campus at 'di 'yun ang first time na naabutan ako ng curfew.

Ang tahimik dito sa street na dinadaanan ko. May mga street lights pero papatay-patay naman ang iba. Pero 'di ko 'yun pinansin at sa halip ay nagmadali na lang akong umuwi.

Last street light na lang sana ang dadaanan ko when a saw a girl standing, leaning the wall while fixing her ID lace. Nagtama ang tingin namin and I realize na she was the familiar girl I used to be with coincidentally. I was about to confront her 'bat niya ako sinusundan when I suddenly stopped when she opened the gate next door.

Napalitan ng kunting hiya ang kunting galit sa isipan ko when I was about to accuse a girl for the mistake I think she isn't doing. Like stalking me? What the- ang assuming ko lang pala.

I immediately close the door after entering my house. Still naiwan pa rin sa utak ko ang kunting hiya when I was puzzled na the familiar girl end up to be my neighborhood. Okay na sana ako when I smell something fishy...

Dali-dali akong pumunta sa kusina nang bumungad sa'kin ang nakahandang pagkain.

Hindi ko man nakita ang expression ko sa ngayon pero I'm sure I have a wide smile on my face. But all the excitement and happiness ended when I saw this note on the table...

PLEASE REMEMBER ME...
WILL YOU?

CHASING YOU Where stories live. Discover now