CHAPTER IV

88 41 56
                                    

JADE

Nagising ako sa ingay ng paligid. I rolled my eyes to make sure na nasa bahay talaga ako. The setting says I am pero the environment...

"Nakngbobo mo naman!"

"O edi ikaw na ang magaling!"

...parang nasa peryahan. Ang kalat pero ang bango- nangangamoy pagkain. Napahawak tuloy ako sa tumutunog na tiyan. Di pa pala ako nakapag-dinner pero di rin ako sigurado kung galing 'yon sa'min o sa kapitbahay. Pinagmasdan ko lang ang dalawang naglalaro sa paanan ko. Naka-unipormeng pangbanal pero ang lumalabas sa bunganga...

"Holy—

"Good morning!" pagputol ko sa expression nilang di kaaya-aya.

"One. Ho-holy one! Di ba lesson natin yun?"

"Tsss..."

"How's your sleep Jade?"

"Ah okay lang. Anong oras na pala?" tanong ko while opening the window. The weather is nice!

"Six...six twenty."

One hour before the warning bell. Dali-dali kong kinuha ang uniporme when Venice suddenly asked...

"San ka pupunta?"

"Sa CR."

"Luh ano 'yon, sasama ka?" pang-aasar ng kasama namin.

"Uy di ah..." sabi niya na nakakunot ang noo.

"Haha baka gusto mong-"

"Shut up Geroll kung ayaw mong..."

"Haha okay. Okay...akala ko bagong gising lang ang hindi dapat biruin, pati pala ang kanina pa gising?"

"Hayst tigilan niyo na nga 'yan. So...why are you here? I mean, anong ginagawa niyo rito?

Biglang natahimik ang dalawa nang sarkastikong sumagot si Venice. "Di ba obvious?" hay dakilang pikon talaga.

" Uhm...to babysit you I guess?"

Geroll has it's own ways talaga. Like nakangiti habang...hayyy di ko alam kung nagbibiro at pinagtitripan ako ng dalawang tutok na tutok pa rin sa kanya-kanyang cellphone nila pero di ko na lang ito pinansin at aalis na sana nang nagsalita sila ulit.

"You don't have to rush yourself, tinawagan na namin si Adviser na a-absent ka ngayon." sabi ni Venice na hindi pa rin nakatingin sa direksyon ko.

"What?"

"What ka dyan. Chill...dati namin 'tong ginagawa eh. Tsaka, a-absent din kami to babysit you para damay-damay na rin." sabi ni Geroll with wider smile on his face for assurance.

Babatukan ko na sana ang dalawa when an unusual voice of a female spoke...

" Uhm... who's babysitting who?" singit ng babae. If I'm not mistaken, she's the same girl sa canteen during the fire incident. Siya rin 'yong...

"Ahhh yo-your wa-wallet p-pala andun." paputol-putol nitong sabi sabay nguso sa direksyon malapit sa'kin. I know nothing about this girl pero she felt nervous while talking ...she also turns ...wait, does it mean-

CHASING YOU Where stories live. Discover now