CHAPTER VII

67 30 54
                                    

JADE

Nagising ako sa ingay na dala ng nagtitinda ng pandesal...wala ngang inang nagsesermon sa'kin tuwing umaga pero may mga tindero rin namang gumigising sa'kin.

Binuksan ko ang bintana at nakitang nakasampay na ang pinahiram kong damit. Teka, quarter to six pa lang ah...

Dali-dali kong binuksan ang pinto at hinanap si Alyssa ngunit sulat na lang ang aking nakita...

BREAKFAST IS THE MOST IMPORTANT MEAL OF THE DAY SO DON'T MISS OUT. ENJOY!

~ALYSSA CASTRO

Nakadikit ito sa pantakip ng pagkain at nang binuksan ko ito ay meron ngang nakahandang pagkain.

"So this is her way of showing her gratitude?" saad ko sa sarili habang nakatingin sa kabilang bahay. Kamusta na kaya 'yon?

Pagkatapos kong maghanda at kumain ay pumunta agad ako sa coffee shop. Malayo pa ay nakita ko na ang inaantok na gwardya...binati ko muna ito bago inabot ang dala.

"Uy bata ang aga mo ata ngayon ah. Ano 'to peace offering?" sabi niya
habang hinahaplos ang malaking tiyan.

Nginitian ko lamang siya at sinuklian niya rin 'yon."Aba inspired...sige ingat ka!" sigaw niya.

Tumalikod na ako at kinawayan ko na lamang siya. Pagdating ko sa classroom ay wala pang tao sa loob kaya iniwan ko muna ang bag doon at pumunta sa CR -ang dating tinatambayan naming magbabarkada.

Umupo ako sa bench malapit sa boy's CR. Mula sa kinauupuan ko ay kitang-kita ang Principal's office na nakabukas ng ganito ka-aga. Pati ang clubroom ng Campus Journalist may mga tao na rin. May big event kayang paparating?

Ang kumpletong katahimikan ay nabasag nang may narinig akong umiiyak mula sa girl's CR. Medyo magkalapit lang ang dalawang CR at faucet lang ang namamagitan kung kaya ay dinig na dinig ang boses ng humihikbing babae.

Due to the incident that happened yesterday, tumayo ako para i-check ito. I was about to hold the doornob when the door opens at patakbong lumabas ang babae rito. Hindi ko man nakita ng husto ang mukha ng babae pero sigurado akong si Allisandra 'yon. Hinabol ko siya and when we're already inches apart, I grab her hand dahilan ng pagkagulat niya at mas lalo pang umiyak. I grabbed my handkerchief pero bago ko pa man ito nai-abot sa kanya ay may kamao nang lumapat sa pisngi ko.

I only wanted to help...trying to comfort her pero bakit? Tama nga sigurong early bird catches the early worm. Pero sa kalagayan kong 'to, naging early paki-alamero catches the early punch.

GEROLL

Kakarating ko lang pero nakita ko ang bag ng dalawa kaya alam ko na 'san ko sila hahanapin.

Habang naglalakad ay nakabangga ko si Allisandra. Tsk. Tsk. Tsk. Tanga mo Geroll sobra. Natatakpan ng mahabang bangs ang mga mata niya pero siguradong galing 'to sa iyak ah.

"Hey, okay ka lang 'di ba?" tanong ko with a bit awkward feeling. 'Di ko naman siguro kasalanang nag-iisang anak lang ako noh tapos wala pang ina kaya di ko alam pa'no i-comfort ang baby sis ng kabarkada ko.

I tried patting her head kasi medyo mataas ako sa kanya ng kunti. I don't know if I'm doing it right pero tumingala siya sa'kin na may nakakaawang mukha and tears begun to fall.

CHASING YOU Where stories live. Discover now