CHAPTE TWENTY FIVE

756 9 0
                                        

CHAPTER TWENTY FIVE .Edited

"Grabe! Engage na si Tony, while ako Hindi pa. Naman! Kailan kaya ako aayayain ni Grunt. Eeeeh!"

"Hoy! Aral muna bago landi! Magpalaki ka muna ng dede! Ang landi! flat naman ang dede!" Maarteng sita ng bakulaw na bakla sabay kuha ng cupcake. Panira talaga siya ng moment.

"Hey!" Tinampal ko ang kamay niya. "PG ka talaga! Monthsarry namin ngayon ni Grunt!"

Inirapan niya ako at isinubo ang cupcake, ang laki ng bunganga mas malaki pa kay Anne Curtis! "OH? ano naman kung monthsarry niyo? Ano konek teh?"

"Yung cupcake para kay Grunt!!" sabay umang sa kanya ng spatula.

"Kung monthsarry niyo eh bakit si Jace ang nagbabake?? Di mo ba alam nakakasakit ka ng damdamin??" Taas kilay nitong tanong.

"Eh nag-assist naman ako ah! So that means kasama na din ako magbake! At saka anong nakakasakit ng damdamin ang sinasabi mo?? huh??" I retorted.

"Manhid mo din kasi! Tara pa check natin yang mata mo sa EO! Ang labo eh!" Biglang sulpot ni kuya sa kusina. Luh! anong pinagsasabi nito? Perfect 20-20 kaya ang mata ko, kasing perfect ng beauty ko! *flips hair*

Napamaywang ako sa sinabi niya. "Anong konek sa manhid at sa mata ko? Ikaw ata ang malabo kuya eh!"

"Ikaw ba gumawa nitong cupcakes na di ka namimigay!? Tsaka kayo pa ba??" Ganting tanong ni kuya sabay kuha din ng cupcake.

Ganyan tayo eh, tatanungin ka tapos sasagutin ka din ng tanong.

Pero ansabe niya??

Kendra: "oooOOOh!"

Jace: o_O?

"Hina talaga. tsk! Kayo pa ba? Hiwalayan mo na! Bumalik na si E oh. And BTW, I know him na." sabay subo pa ng isang cupcake.

Ansabe?? O_O?? Ipa check ko na din ata ang utak ko, hindi ko kasi siya maintindihan eh, ang labo eh.

Parang may dumaan na angel. Twas a complete silence pero kung magkatinginan sila parang nagkakaintindihan na. Ganyan eh, bastusan na to!

Eh paano naman kasi?? Ano ba ang pinagsasabi nila?? Ano yun sila-sila lang ang nakakaalam? Ako ang topic pero di ko naman alam kung ano?? Edi wow! Sila na!

"Errhm! Am I interrupting something? Pinapasok na ako ni Tita." sabay kami napalingon sa bagong dating na napakamot na lang ng ulo ng makita kami.

Oh oh! Narinig niya kaya ang sinabi ni kuya? Si kuya naman kasi, di ko maintindihan, pinagsasabihan naman niya ako dati but now super vocal na.

"K-kanina ka pa?" gulat na tanong ko.

Napakunot noo si Grunt. "Why? Did I miss something?"

"A-ah! Ahahahah! Wala naman. Uhmm you're too early kasi, di pa kami tapos sa pag bake." Palusot ko, na may tabinging ngiti.

Ghaaad! Obvious ba kami??

Awkward silence nanaman. Parang pinako lang ako dito sa kinatatayuan ko, ni hindi ko nga siya sinalubong. Actually lahat kami, nakatayo lang, ni walang balak gumalaw o magsalita.

Ay! Ano ba ang nangyayari?? Na freeze ba ang time??

*Ting!*

Lahat kami napatingin dun sa oven. Yun lang ang bumasag ng nakakabinging katahimikan.

"Uhrrm ... ahh! Ano ... Luto na pala yung cupcakes! Teka prep ko lang." Awkward na gumalaw si Jace sa kinatatayuan niya at kinuha ang mga cupcakes.

ANG DIARY NG MALANDINơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ