FIFI #17 .Edited
Dear Fifi,
Malandi nga talaga ako! Hihi :D
TLT: it was just a kiss lang naman. Nothing more nothing less.
Yes, Fifi, kiss. And guess who :D
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Tsk! Wala ka nanaman ba idea Fifi?? Haay nako ang slow mo talaga! Magbalat ka na lang ng patatas!
(Fifi: Duh?? Obvious naman kung sino, bakit ko pa sasabihin?? Oo, nagbabalat ako ng patatas kasi ako si princess Sarah na hindi tsismosa at malandi!)
Edi sino pa?? si Jace!
Grabe ang sarap niya humalik. As in heaven!
Mas heaven pa sa na feel ko kay Grunt. Halos himatayin ako sa lakas at bilis ng tibok ng puso ko.
Bakit ganoon Fifi??
Well, maybe because of excitement?
Or Kinakabahan lang dahil you know, hindi ko dapat gawin yun at kung ano ang mangyayari after??
Ay, ewan! Basta yun! Haha
Ganito kasi yung nangyari...
Di ba magka text kami nun ni Grunt tapos lumapit si Jace. Bored na daw siya. Like me, imbyerna in siya sa pinag-uusapan?
Sino ba naman ang hindi? Tinatanong ang obvious! At pa bida ang peg!
"Ang ganda/pogi mo ngayon ah!"
"Nagbago ka na ah!"
"Humaba na ang buhok mo ah!"
"Uy! Wala na pala na kayo ng bf mo??"
"Tumaba ka!"
"Pumayat ka!"
"Ang dami mo ng pimples, di ba dati ang kinis ng mukha mo?"
"Bakit yan ang kinuha mong course??"
"Luma na phone mo ah, palitan mo na yan, like me iphon6 oh."
"I know right! Matalino talaga ako kaya syempre dean's lister!"
Ay ewan! Obvious na nga tinatanong pa. Walang pakialam sa feelings ng iba.
Hindi ba nila alam na baka gusto nga niyang pumayat kaya lang nahihirapan siya?
Hindi ba nila alam na baka masakit ang pagkakahiwalay ng bf niya, at ayaw niya pag-usapan?
Hindi ba nila alam na baka yun lang kaya ng family niya? Kaya yun ang kinuha niyang course??
Eh ano naman kung iphone6 ang phone niya at wala namang may nagtanong!
Ang sarap sapakin di ba??
Na kakahaggard!!
Anyway, balik tayo sa halikan hihi. Segway lang.
So ayun nga, nagchikahan kami ni Jace kasi bored na daw siya. Nothing particular, anything under the sun, kung ano lang ang maisipan, mga kapintasan ng mga nakikita namin, like Girly.
Alam mo ba Fifi, etchoserang palaka yan, kala mo kung sino maka astang mayaman, eh ang totoo hindi naman. Yung mga sinusuot niyang damit eh galing lang yun sa mga nilalabhan ng nanay niya, sinusuot niya while hindi pa kinukuha nung nagpalaba!
Kalurkedi ba??
Nakakahaggard ng beauty!
So yun ang mga pinag-uusapan namin. Syempre wala naman talaga sa topic ang iniisip ko. Half lng. Hihi
Ang iniisip ko is kung paano ko mahahalikan si Jace! Haha at kung ano kaya ang feeling?
Masarap in kaya?
Nakakakuryentedin kaya?
Sino kaya ang masarap humalik? Si Grunt o si Jace?? Ahehehe
Sa sobang pag-iisip ko, na wala naman ako may naisip na magandang plan. Tumayo na lang ako para magretouch sa Cr, you know baka may maisip ako na magandang plan dahil nakikita o ang maganda kong mukha, pero bigla akong nahilo, buti na lang nasalo ako ni Jace. Naku kung hindi? Wapak ang beauty ko!
But maybe it's a blessing in disguise hihi!
Bigla kong hinila si Jace at hinalikan.
Tonyang style!
Mwah mwah tsup tsup laf laf slurp slurp!!
As in wow!
.
.
.
.
.
.
.
.
As in wala akong masabi. No words can explain what I'm feeling right now.
Nasa heaven na ba ako?
Di ko alam Fifi.
Yes, madaming fireworks; but pang hihimatayin ako, ang bilis kasi ng tibok ng puso ko eh. As in. But I can feelJaceburning lips into mine.
Gosh!
Ano to Fifi??
Sa high voltage ng na feel ko bumilis na sa pagtibok ang puso ko?? I mean di naman ganito kay Grunt eh. Ano magkaiba ba talaga ang reaction pag hinalikan ng ibang lalaki??
Miss Confused,
Tonyang ^_^
8;[؝

YOU ARE READING
ANG DIARY NG MALANDI
Humor"Hindi ako malandi, maganda lang ako. Nakakahaggard kayo ng beauty huh??" *Flips hair* Meet Tonyang, ang babaeng hindi daw malandi dahil maganda daw siya, eh flat naman ang dede niya, at kanyang ever loyal na diary, si Fifi. _some scenes are based o...