CHAPTER TWO .Edited
I took a deep breath bago bumaba ng sasakyan. Bwisit kasi eh!
Kaya mo yan Tonyang!
Inhale ... exhale .. inhale ... exhale ...
First, I do have a dignity.
Second, I'm pretty.
Third, hindi ako aso! Hindi ako maghahabol sa lecheng Theater club na yan!
And last but not the least, sa ganda kong to? maghahabol kay Tok??
Ghaaad! Hindi ko lang matanggap yung ginawa niya and now may video siya sa S.E.X FILES!!
Oh! baka ano naman ang isipin ng hindi masyadong matalino niyong utak huh?
S.E.X FILES. Secrets and Explosives of X- FILES.
Oh di ba? Ang genius nung nag-isip ng name.
Yung mga latest happenings sa loob ng campus makikita lahat doon sa site. Name it, they have it, anything and everything. Mapa chizmax, scandal, lahat nandoon.
Kung na bore ka at gusto mo ng katatawanan pumunta ka lang sa site at BOOM! Mapa comedy, horror, romance, action, lahat ng genre pati x-rated meron.
Kung may gusto kang kilalanin na tao sa loob ng campus or gusto mo siyang i-stalk search mo lang doon ang name niya then TA-DA lahat ng information niya nandoon.
Pati kung ilang mga girlfriends and boyfriends meron ka, nandoon. Kung gusto mo grades pa eh, malalaman kung sino pinaka bobo at pinaka matalino.
Pinaka sosyalera, mayaman, mahirap, pinaka promdi, lahat nandoon. Kung meron kang siraan at hindi pa yun alam ni X, simple lang, message mo lang siya with the infos then yun instant headline na!
Kahit nga mga teachers meron doon eh, wala din silang magagawa kasi hindi nila kilala kung sino. Lahat sa MU ay suspect. Oh di ba? Ang genius niya?
Unfortunaely, yung latest trend doon is yung side ni Tok about sa break up namin. Syempre sikat ako eh, ganyan talaga pag maganda. *flips hair*
Pero tangna lang!!! Ang kapal ng hinayupak na yun! Ang sarap inudnud sa inidoro ang mukha niyang isda!
Sinabi ba naman niyang naghahabol pa rin ako sa kanya!!
Bitch please!!
Somebody kill him now!!!!!
Sa ganda kong to?? Nakakahaggard siya huh??
Sinabi niya pa na maawa daw ako sa mga lalaking nakikitang nakakadate ko, dahil pinapaasa ko lang daw sila at ginagawang panakip butas, tao din naman daw sila may damdamin at nasasaktan din.
Nagdrama pa siya. hindi naman bagay. At tama nga naman siya tao yung mga nakakadate ko kasi siya isda!
Bwishit talaga!
Kagabi lang yun pinost sa site, pero wala pa ngang one minute parang virus na kumakalat. Syempre yun lang naman ang inaabangan ng mga tsismosa at tsismoso!
Halos sumabog yung phone ni kuya sa mga tawag at text, buti dead bat ako kagabi kaya naka charge cp ko, so si kuya yung pinutakte nila ng tawag at text. Hoho
Ghaaad! Nakakahaggard ng beauty!!
Now ako pa yung nagmukhang masama, though siya yung may ginawang masama. aaaargggghhh!!
Ang lakas din makalinis ng pangalan niya, ang pangit naman ng pangalan niya! Kasing pangit ng mukha niya!!
Mas lalong lumaki ata ang ulo niya kasi nasa S.E.X FILES siya. Syempre mga sikat lang nandoon, parang confirmation na sikat ka nga kasi na headline ka dun dahil pinagkaabalahan ka ng panahon ni X.

YOU ARE READING
ANG DIARY NG MALANDI
Humor"Hindi ako malandi, maganda lang ako. Nakakahaggard kayo ng beauty huh??" *Flips hair* Meet Tonyang, ang babaeng hindi daw malandi dahil maganda daw siya, eh flat naman ang dede niya, at kanyang ever loyal na diary, si Fifi. _some scenes are based o...