CHAPTER 3: VISIT

21 5 7
                                    

Kassandra's POV
I've been thinking of this idea for the past few days. Since pare-pareho kaming walang ginagawa at hindi naman hectic ang schedule ng opisina why not umuwi muna kami sa Pilipinas para makapagrelax at makapag-unwind saglit. Tumawag ako sa opisina kaninang umaga at humingi ako ng two-week leave. Lumabas ako ng kwarto ko at tinawag ang mga kapatid kong nasa kani-kanilang kwarto.

"Kenneth! Bumangon ka muna!" Saad ko kay Kenneth na hanggang ngayon ay. nakahiga pa. "I'm sleeping, Ate. What is it ba?" Sagot niya at pupungas-pungas na bumangon mula sa kama. Dumiretso muna siya sa kanyang banyo para magtooth brush. "Basta! Bumaba ka na lang." Sagot ko. Sunod naman akong pumunta sa kwarto ni Ken. Nakita kong nagtatype siya sa kanyang laptop. "Ken, may pag-uusapan tayo. Baba na." Saad ko. Agad niya namang tinigil ang ginagawa at lumabas ng kwarto niya binigyan ko siya ng daan. Pagkatapos ay pumunta ako sa kwarto ni Kyle. Nakita kong nagbabasa ng wattpad book na inorder niya online. "Kyle, baba may paguusapan tayo." Saad ko. "Okay, Ate." Sagot niya at ibinaba ang librong binabasa. Bumaba na ako at hinintay namin si Kyle. "What ba, Ate?" Tanong ni Kyle. "Magsimula na kayo magimpake." Sagot ko. "Saan naman tayo pupunta?" Sagot ni Ken. "We're going home." Sagot niya. "Home? You mean Philippines?" Sagot ni Ken. "Yes." Sagot ko. "Maaga pa para dun, Ate." Sagot ni Kenneth. "Hindi naman for good eh! Two weeks lang tayong nandun!" Sagot ko. "Okay. Wala namang problema sa akin. New sight hindi puro building ng New York ang nakikita." Sagot ni Ken. "Magpapaalam muna ko kay Liza." Sagot ni Kenneth at iniwan kami sa sala. Tinamaan na nga ang loko.  Sana naman seryosohan na 'to hindi yung laro-laro lang. Sumulyap naman ako kay Ken at nagkibit balikat lang ito. "Magsimula na kayo magimpake. Magb-book ako ng ticket." Saad ko. "Teka muna, Ate. Wala sa akin yung passport at green card ko. Diba simula ng dumating ako dito wala na sa akin yung documents ko? Kunin mo muna sa kanila." Sagot ni Ken. "Nakuha ko na. Bibigay ko sayo mamaya." Sagot ko. Binigay nila Mama yung passport ni Ken sa akin dahil nakasigurado naman daw sila na di na tatakas sa kanila si Ken. "Sisimulan ko na mag-impake, Ate." Sagot niya. "I can pack my things, Ate. Pack yours." Saad ni Kyle at iniwan ako dito sa baba. Napatulala na lang ako ng marinig ang sagot ni Kyle. Napailing na lang ako at bumalik na sa kwarto ko para makapag-book ng ticket namin pauwi sa Pilipinas at makapagsimula na din mag-impake.

Ken's POV
I never thought I'll comeback this early. Well it's a blessing in disguise since I'm also planning to visit Philippines before school year starts but since Ate planned it then I'll just go with the flow. I started packing my things. After I finished packing my clothes I started packing my gadgets. Knowing Ate siguradong mamaya din ay makakaalis kami. Sa bilis niyang mag-ayos ng papers hindi malabo yun. Habang nag-aayos ng cords ko ay bumukas ang pinto ng kwarto ko. Bumaling ako dito at nakita ko si Ate Kass na nakatayo at pinagmamasdan ako. "What's with that look, Ate?" Tanong ko. Alam kong kanina niya pa ako pinagmamasdan na parang tatagos sa buto ko ang paningin niya. Pumasok siya at sinarado ang pinto. Umupo siya sa swivel chair ko. "Are you ready to go back?" Saad niya. "Of course. Why not?" Sagot ko. "You know, Emily is also in the Philippines. She's with Vince and I'm just worried about you... That you might cross paths with her." Sagot niya. "I'm fine, Ate. Don't let my feelings ruin your plans. Kaya ko ang sarili ko. As long as I see her fine and happy I'm also happy with that. I will not show myself to her while I'm still inside this dungeon." Sagot ko. "Are you really sure?" Sagot niya. "Yes, Ate. Kaya ko." Sagot ko. "Okay. I'll just give you your green card and passport later." Sagot niya at tumayo na ng swivel chair at lumabas ng kwarto ko. Matapos kong ayusin ang cords ko ay pumunta ako sa walk in closet ko. Binuksan ko ang drawer ko dito at hinanap ang luma kong phone. Yung phone na ginagamit ko nung highschool.   Chinarge ko muna ito at hinintay na magbukas. Bumungad sa akin ang magandang ngiti ni Emily noong binigyan ko siya ng bulaklak na isang daang piraso. Napangiti na lang ako ng mapait dahil naalala ko yung mga araw na kasama ko siya. Kahit panandalian lang ay naging masaya at malaya ako. Kaso kapalit ng pagiging malaya ko ang pagsakit ng puso ng babaeng mahal ko. Kaya hanggang dito na lang muna ako, tatanawin siya mula sa malayo kasama ang lalaking minamahal niya ngayon. Pero hindi ko pipigilan ang sarili kong bumalik sa kanya kapag nakalaya na ako sa kulungang gawa ng mga magulang ko. Nilagay ko na sa drawer ko yung phone at lumabas ng kwarto.

You're Still The One (COMPLETED) Where stories live. Discover now