Emily's POV
After a hectic week of night shift duty finally we got a rest. Although di kami sure kung makakapagpahinga kami buong araw. Hopefully dahil pinag-on call si Vince. I'm now preparing for our gala sa sky ranch. I just wore a simple blouse and jeans. Inayos ko muna ang shoulder bag na dadalhin ko bago ako bumaba. Pagdating ko sala ay naabutan ko si Vince na nakatingin sa phone niya at parang ang lalim ng iniisip. Tumingin ako kay Mommy pero napailing lang siya.
Tumabi ako sa kaniya at kinalabit siya.
"What are you thinking?" I asked.
"W-what? May sinasabi ka, babe?" sagot niya na parang nagulat pa.
"Sabi ko, what are you thinking? You seem like one with your thoughts. What is it? May I know?"
"Nothing... Right! Nothing! I'm just tired of the shift we had. So, halika na! Susunduin pa natin si Sandra at Zoe! Si Lean daw doon na lang sa Sky Ranch pupunta since wala siyang training kaya nasa dorm lang siya."
"Okay... Tara na!" sagot ko at hinila na siya patayo sa sofa.
"Mi! Alis na po kami!" paalam ko.
"Sige! Mag-iingat kayo!" sagot niya.
Lumabas na kami ng sala. "Antayin mo na lang ako d'yan! Aalis ko sa parking 'yong kotse," he said.
"Okay," I replied.
Binuksan ko ang phone ko at mi-ne-ssage sila Sandra.
SEENERS SQUAD (3)
Me:
Papunta na kami d'yan ni Vince!Sandra:
Okay! Ingat!Andy:
Ems! I'm going home soon!Me:
Ohhh! Message us para masundo ka namin sa airport!Andy:
My flight is later tonight!Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa. Bukas? Agad? I think one week pa bago ang book signing ko.
"Babe! Tara na!" tawag ni Vince.
Agad naman akong tumakbo papunta sa kotse niya at hindi na hinintay pang pagbuksan niya ako ng pinto. Kusa na akong sumakay sa kotse niya.
"Sino 'yong kausap mo?" tanong niya.
"Ah! Sila Andy! Uuwi na raw bukas si Andy! Flight niya mamaya!" sagot ko.
"That's nice. Nagpapasundo ba sa airport?"
"I still don't know. Wait! I'll check." Binalik ko ang atensyon ko sa cellphone ko.
Andy:
Oh sure! Maybe by 9 am I'm already there!Me:
Ok. Kausapin ko si Vince about sa service.Lean:
Wow! Mukhang kumpleto tayo sa BS ni Ems at Vince!Ivan:
Mamaya rin flight ko from New Zealand!Me:
Talaga!? Ehem! May excited.Sandra:
Sana pag-uwi mo hindi mo na kasama yung babaeng parang tuko!Ivan:
As you said Sandra parang tuko yun so wala kang magagawa!Sandra:
Wag niyang masira sira book signing ng bestfriend ko at hindi ako magdadalawang isip ingudngod siya!Me:
Kalma, Sandra. Ang stress ay nakakapangit at masama sa puso. Saka ako nang mauunang magngudngod sa kaniya 'pag nagkataon!Lean:
Don't worry Sands! We got your back!
BINABASA MO ANG
You're Still The One (COMPLETED)
Romance"I'm finally free. I will win her back, no matter what. I will! Hindi ko siya susukuan. Maayos na ako ngayon at maipaglalaban ko na siya sa mundo." -Ken Pietro Lizardo "He want's me back but I'm afraid. I'm afraid to risk again. I don't wanna get hu...