CHAPTER 40: HAPPILY EVER AFTER

35 3 17
                                    


Ken's POV

Three months had passed like a wind. Emily is about to have her second book signing and my company's doing well. I am thinking about settling down with her. 10 years of waiting for her and watching her from a distance is enough but I think she needs to settle everything with her father first because for sure she doesn't want hatred in her heart. Papunta ako ngayon sa bahay nila dahil nandoon na raw sila Kuya Mark. Hindi natuloy 'yong napag-usapan namin noong nakaraan dahil hinihintay daw nila 'yong isang Tita ni Ems galing pa raw itong Switzerland dahil doon siya dinestino ng company na pinagtatrabahuhan niya at pagkatapos nito ay sasamahan ko si Ems sa BlueMoon Publishing dahil may meeting sila para sa book niya. Pagdating ko sa tapat ng bahay nila ay lalo akong kinabahan dahil ngayon ko lang makikita ang isa pang Tita ni Ems. Base sa kwento niya ay ito raw ang kinatatakutan nila dahil dapat metikulosa ito at istrikta. Ang unang naging girlfriend daw ni Kuya Mark ay napataob nito. At saka paniguradong uulanin ako ng mga tanong na may kinalaman sa engineering dahil engineer ang Tita niya na 'yon. Sinalubong ako ni Ems nang makababa ako sa kotse.

"Nandoon na sila sa loob, Love," saad niya.

"Kanina pa ba sila naghihintay?" sagot ko na parang hindi kinakabahan.

Naramdaman niya 'atang kinakabahan kaya hinampas niya ang braso. Ang hilig niya talaga manakit kapag gusto niya ako pakalmahin. Nasanay na ako dahil hindi naman ganoon kabigat ang kamay niya.

"Huwag ka matakot! Hindi ka naman nila kakainin sa loob!" wika niya.

"Tara na. Baka mainis na sila at sabihing itinakas kita," sagot ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa bahay. Kumpleto silang pamilya sa loob.

"Kuya Ken!" bati ni May.

"Hi!" sagot ko.

Paanong 'di ko makikilala itong bata na 'to eh siya ang natitipuhan ng nakababata kong kapatid na si Kyle? Kaya naman palagi kaming kinukulit noon na pag-aralin siya sa Pampanga dahil sa kaniya. Hindi ko alam kung kailan o kung paano niya nakilala ang batang si May. Pero naalala ko 'yong diskosyon namin noon na huwag na muna niyang ligawan si May kasi nga baka matulad siya sa akin. Ever since then hindi na siya nagkwento tungkol kay May.

"Tita Mel, Kuya Mark, This is Engr. Ken Pietro Lizardo. My boyfriend," pakilala sa akin ni Ems.

Tiningnan ako ng napakalamig ni Kuya Mark at ang Tita naman ni Ems ay parang hinuhusgahan na ako sa isip niya.

"Good morning po," bati ko.

"Good morning din," sagot ni Kuya Mark.

Hinila na ako ni Ems paupo sa malaking sofa nila. Parang lalabas sa rib cage ko ang puso ko. Hindi ko pa naman hinihingi ang kamay niya sa kanila pero parang ganoon ang nangyayari ngayon. Tahimik ang buong paligid at pare-parehong nakikiramdam.

"I am Engr. Imelda Howards. Nice to meet you," pakilala ng Tita ni Emily.

"Nice to meet you too, Engr. Howards," sagot ko at nakipagkamay sa kaniya.

Hindi ko talaga alam kung paano siya i-a-address kaya base na lang sa pakilala niya sa akin.

"Alam naman nating lahat ang nakaraan nilang dalawa ni Ems 'di ba?" saad ni Kuya Mark.

"Oo nga. Aminado ka ba sa naging kasalanan mo sa pamangkin ko?" saad naman ni Engr. Howards.

"Yes po. Nagsisisi po ako sa mga pagkakamali ko noon at sa sakit na naibigay ko kay Emily," sagot ko.

"As Emily said, you're an engineer right?" sagot ni. Engr. Howards.

"Yes," sagot ko.

"Where's your institution?" sagot niya.

You're Still The One (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon