Emily's POV
It's been a week nang makabalik kami galing sa Palawan at ngayon ay abala na kami ni Vince sa pag-re-review para sa nursing licensure exam dito sa Pilipinas. Binigay na sa amin yung reviewers namin. Binabasa ko ito habang nakikinig sa music. Nang tumunog ang alarm clock ko ay hininto ko na ang music at sinimulan nang ligpitin ang mga highlighters at ballpen. Nilagay ko ang mga ito sa drawer ko. Tinanggal ko sa Spotify yung window sa laptop ko at binuksan ang chrome. Mag-ch-check ako ng emails ko dahil baka may email na sa akin ang editor ko sa paid platform na sinusulatan ko. Habang nagbabasa ay may napansin akong isang email na na-send noong isang linggo. Pinindot ko ito at binasa ang nilalaman.Good day Miss Emily,
I'm Nica Santos an editor from Blue Moon Publishing Company. And I'm interested to your story. The blurb of your story, Still You is interesting, short yet catchy. I'm hoping for your reply! Thank you and God bless!
Best Regards,
Annica Santos
EditorI was stunned for a moment. My story, no actually my first story was noticed by a the famous Blue Moon Publishing Company my dream publisher. I took a picture of it and run downstairs. Nagmamadali akong lumabas at hinanap si Mommy.
"Bakit ka humahangos, Emily?" tanong ni Tita Marie na kalalabas lang na kalalabas lang ng kusina.
"Nakita niyo po ba si Mommy?" tanong ko.
"Nandoon sa kwarto niyo," sagot niya at kumuha ng walis at nagwalis sa sala. Tumakbo ako papuntang kwarto namin.
"Mommy!" masiglang tawag ko.
"Ano 'yon 'nak?" sagot niya at binaba ang cellphone niya. Binuksan ko ang cellphone ko at pinakita sa kaniya ang litrato ng email. Binasa niya itong mabuti at tiningnan kung sino ang sender.
"Diba ito yung sinasabi mong pangarap mong publishing house?" saad niya.
"Opo, Mi. Kunin ko ba?" sagot ko.
"Tiwala naman na ako sa 'yo 'nak. Alam kong magdedesisyon ka ng naayon sa ikabubuti ng buhay mo."
"Salamat po, Mi. Tatawagan ko si Vince baka sakaling meron din siyang alam." Lumabas na ako ng kwarto ni Mommy at dinial ang number ni Vince. Agad din niya itong sinagot.
"Babe!" sigaw niya sa kabilang linya.
"Kalma. Ano yun?" sagot ko.
"May email akong natanggap galing Blue Moon Publishing!"
"Meron ka rin!?"
"Meron ka!?"
"Oo meron! Na-notice daw nila yung Still You!"
"Sa'kin, The Girl In Floral Mask!"
"Anong sabi sayo?"
"They are looking forward on my reply. You?"
"Ganoon din. Annica Santos yung pangalan noong editor."
"Siya rin sa'kin!"
"Is this a big joke?" sagot ko. Kasi kung joke 'to 'wag na lang sana niya i-reveal.
"Then, let's try to reply. Maybe it's true," he said.
"Okay. I'll call you back when I received the reply," paalam ko.
"Me too. I love you!" he said and end the call. Bumalik ako sa kwarto ko at nag-reply sa message. Binigay ko na lang ang facebook account ko upang mas madali kaming magkausap. Ilang minuto lang ang lumipas ay nakatanggap ako ng friend request.
BINABASA MO ANG
You're Still The One (COMPLETED)
Romance"I'm finally free. I will win her back, no matter what. I will! Hindi ko siya susukuan. Maayos na ako ngayon at maipaglalaban ko na siya sa mundo." -Ken Pietro Lizardo "He want's me back but I'm afraid. I'm afraid to risk again. I don't wanna get hu...