20

34 3 0
                                    

Three weeks after kami nabalitaan ni Tita Lia (yung tita ni Dwayne) sa nangyari. Naiuwi na daw nila ang ashes ng kapatid nito pati na ang asawa nito, sila na din daw ang tatayong magulang para kay Dwayne. Nalaman ko din dito na doon na sa kanila tutuloy si Dwayne at ng itanong ko kung pwede ko ba itonng makausap ay humindi si Tita Lia sa kadahilanang, hindi pa rin nakakausap ng maayos si Dwayne.

At last week ng ipatingin daw nila ito sa doktor, nirecommend sila na ipatingin ulit ito sa isang psychologist at napag-alaman na may depression daw si Dwayne, at nalaman ko ding ilang beses daw itong nagwawala at nagpapanic attack everytime na ilalayo sa kanya ang urn ng parents nito. Kinuwento sakin ni Tita na nagpagawa nalang sila ng necklace na mini-container at naglagay ng portion ng ashes ng parents nito para kumalma lamang si Dwayne.

Dagdag pa nito, dahil sa kalagayan ni Dwayne, hindi na muna nila ito pag-aaralin at hihintayin muna nilang umayos ang kalagayan nito. Walang masabi sa lahat ng sinabi ni Tita Lia hanggang sa matapos na itong magkwento at nagpaalam ay pinipigilan ko lang ang mga hikbi ko.

Wala akong kasiguraduhan kung kailan babalik sa dati si Dwayne. Kung kailan babalik yung Dwayne ko. Ilang beses na rin akong napagsabihan nila Dad sa mga dapat kong gawin sa araw na iyon sa loob ng tatlong linggong paghihintay ng update kay Dwayne. Sila nga din ang umasikaso sa enrollment ko at hindi ako nakakatapos ng school work kung hindi nila ako babantayan.

At ngayong alam ko na ang nangyari kay Dwayne, hindi ko alam kung ganon pa din ba ang gagawin ko o mas lalala pa ba ang mga nangyayari sa akin araw-araw.

*

Agad akong napangiti ng mapait ng maalala ko ang nangyari years ago. I'm 25 years old now and currently a freelancer web designer. Hindi ko ninais na mag-apply sa company na pinagtatrabahuhan nila Dad dahil ayaw kong magcommit sa isang kompanya at alam kong hindi ako consistent. I graduated college last year and a month after graduation nagstart na akong mag offer ng service ko through freelancing.

I'm currently working on a project, more like an upgrade para sa web design ng isang kilalang org. sa Pinas ng bigla akong na mental block, at bumalik ang utak ko sa nakaraan. It happens sometimes and this is partly the reason why I chose freelancing. The pandemic 2020 haunts me every time I'm having a mental block.

I just found myself crying while staring at nothing in particular while my brain presents the events like a power point presentation that had happened during the pandemic. The supposed to be a love story that turned into a horror story. It's saddening to replay every event, from the friend request to the first chat till it ends but kokontrahin ko ang sarili ko dahil natutuwa ako at the same time, remembering every detail of that certain past, the memory I chose not to forget.

My family knows I have this- mental blocks and remembering that memory in a flash, at nong nagpatingin kami sa psychologist, the psychologist said it's trauma and it can be cured. I opted not to cure this. I defined it as my second sweetest memory next to mom's.

A Pandemic Love Story- COMPLETEDWhere stories live. Discover now