5

55 3 0
                                    

Naikwento ko na kay Kuya at Dad lahat ng nalaman ko kahapon at pagkatapos naming kumain ng dinner ay kausap ko ulit si Dwayne hanggang sa matulugan ko siya kagabe. Pinalitan pa ng loko yung nickname ko sa kanya ginawa niyang Eunice at may princess emoji sa unahan (👸🏻Eunice). Syempre di ako magpapatalo ginawa ko ding Dwayne yung nickname niya sa akin at syempre ang mahiwagang prince na emoji sa unahan(🤴🏻Dwayne). Parati kaming nagrorole play noon at gusto kong ako parati ang 'princess' sa play na yun at siya naman ang parating napipiling prince noon, kaya kami naging close at naging magkaibigan. Good old days.

Sana ganoon na lang ulit yung mga paraan para maging masaya, totoo kasi yung sinasabi nilang kapag lalo kang tumatanda- not saying na sobrang tanda ko na- lalo daw palungkot ng palungkot ang buhay, dahil makikita mo na ang reyalidad na hindi mo makita noong bata pa ang isip mo.

Anyways, nag-reminisce lang kami ng mga buhay namin pagkatapos naming magkahiwalay noon. Nalaman ko ding 2 blocks from our house eh bahay na nila, so magkalapit lang kami. Nagkasulubong na din daw kami sa park noon bago pa kami magstart magcollege, nung time na nilalakad ko yung aso namin at pinapasyal niya naman ang dalawa niyang pusa, kwento nito. Yun daw ang unang pagkikita namin- siya lang pala, dahil hindi ko sya napansin noon- after how so many years.

Nagpeprepare ako ngayon ng makakain namin para sa lunch dahil tinututukan nila Dad at Mama yung finalization ng program nila, si Kuya naman, hindi ko naman maaasahan yun sa ganitong bagay. Hindi ko pa din nakakausap si Dwayne ngayong araw, siguro after dinner na lang. Masyadong naibibigay ko yung halos lahat ng oras ko sa kanya, eh sabi nga sa TV during quarantine spend quality time with the family kaya eto ako ngayon, pampering them in simple way, at alam kong ngayon lang ito mangyayare dahil after the quarantine, magiging busy ulit kami, ako sa school, at sila sa work. Minsan lang kami magbonding pag bumalik na sa dati ang lahat kaya sinusulit na namin kahit minsan busy din sila.

I shrugged off the thought and enjoy what am I doing, stress reliever din kasi ang pagluluto. Napaigtad ako ng may naramdaman akong balahibo sa paa ko. I saw Carrots wiggling his tail at me- our dog.

"Hey baby, sino nagpakawala sayo?" Tanong ko dito na akala mo naman ay makakasagot ito. Usually kasi doon lang ito sa bahay nito sa bakuran, at di siya madalas dito sa loob ng bahay dahil masyadong malaki na ito at naninira na siya ng mga gamit. Pero welcome pa rin naman ito sa loob ng bahay basta bantayan lang.

Di naman nagtagal ay narinig ko si Kuya na tinatawag si Carrots pero hindi ito umalis sa tabi ko.

"He's in here!" Medyo malakas na sabi ko.

Nakita kong pumasok si Kuya sa kusina at pinet si Carrots.

"Kuya ilabas mo siya sa kusina, nireready ko pa yung mga pagkain natin, baka malagyan ng balahibo niya."

Lumabas nga sila at naiwan ulit ako dito mag-isa, natapos ko na rin yung pagluluto ko pagkatapos ng ilang minuto, inihain ko na iyon at isa-isa silang tinawag, kasabay din namin si Carrots sa gilid habang kumakain ng dog food.

After lunch parang may sumapi sa akin at napalinis ako ng bahay, Dad and Kuya were looking at me funny while Mama was smiling but there's a hint of guilt in her eyes, na para bang malungkot ito dahil hindi nya magawa ang ginagawa ko ngayon para sa amin. I smiled warmly at her assuring her that it's okay. Nang hindi pa rin maalis ang lungkot nito sa mata ay lumapit ako sakanya at niyakap ito mula sa likod and stuck my tongue out kay Dad, dahil sa possessiveness nito kay Mama na pati kami at pinagseselosan nito.

Itinuloy ko naman ang paglilinis at ng nasa labas na ako ng parte ng bahay Nakita ko naming pinapaliguan ni Kuya si Carrots, mabilis kong tinapos ang paglilinis at pinuntahan sila Kuya, ang cute kasi ni Carrots pag pinapaliguan ito.

He looks like he is smiling at naeenjoy nito ang tubig na tila nakikipaglaro ito kay Kuya dahil kahit ito ay basa na. I kept a safe distance para di ako maabot ng tubig na winiwisik ni Carrots, but Kuya is still a child in the head dahil nang mapansin ako nito ay itinapat nito ang faucet sa akin dahilan para mabasa ang shirt ko. Good thing I was wearing a dark colored one kundi siguradong bakat ang bra ko kung sakaling light ang naisuot ko. I glared at him pero nakita ko ang pagwiggle ng buntot ni Carrots kaya nakibasa na din ako, I grabbed the host na nakaconnect sa faucet sa may garden na ginagamit namin sa pagdidilig na abot din sa doghouse at binasa sa mukha si Kuya.

I was laughing hard kasi ang medyo mahaba na nitong buhok ay napababa na at mukha na siyang ewan nang bigla niya ding tinapat sa mukha ko yung host na gamit niya. Nakainom pa ako ng tubig and Carrots were barking like he was laughing, pati ba naman yung aso pagtatawanan ako?

We are enjoying ourselves ng bigla naming narinig ang pagalit na boses ni Dad.

"What are you two doing?!?"

Sabay kaming napalingon ni Kuya at ready na sanang magpaliwanag ng makita naming may hawak na tabong may tubig si Dad at si Mama naman ay hawak ang phone nito na vinivideohan kami.

"Bakit di nyo ko sinale?" Tanong pa ni Dad na nakapout, imagine how grimace my face can get while Kuya just laugh at tinutok ang host na hawak nito kay Dad. Ginaya ko din si Kuya at nang makita ko si Mama sa gilid na tahimik na tumatawa habang nirerecord kami ay binitawan ko ang hawak kong host at hinabol ito.

"Mama, just one hug!" Ito naman ay tumakbo palayo sa akin dahil ayaw niya akong yakapin dahil basang basa na nga ako.

Nang mapansin kami ng dalawa ay ito naman ang humabol kay Mama, even Carrots chased after Mama, who runs as fast as she could, but the two boys have much longer legs than Mama kaya naabutan din nila ito. Dad carry Mama at dinala nya ito malapit sa may doghouse kung saan nila iniwan yung mga host at yung tabo. Kuya filled the water dipper and poured it on Mama's head while still being cornered in Dad's arms, while I'm in the side watching them with a happy and contented smile. Sometimes being a kid in the head brought us to happy moments. Like this.

Lumapit ako sa kanila at nakiagaw sa host, naging magkakampi kami ni Kuya at nakipaglaban kami ng basaan kila Dad. Smiles and laughter filled our backyard. Nagtaka naman kami ng biglang nawalan ng tubig ang host na hawak nila Dad which is yung nakaconnect sa garden kaya napatingin kami sa pinanggalingan nito, only to found out that Carrots chewed the host na nakatingin sa amin na nakangiti- ngiting aso, literally.

"Carrots!" Sabay sabay naming banggit at tumakbo lang ito patungong garden.

~Gab~

A Pandemic Love Story- COMPLETEDWhere stories live. Discover now