2

80 3 0
                                    

I have to admit it, I am having fun talking to him, and I am comfortable with him. After dinner, hindi naman ako nakatulog agad. Syempre nagfacebook na naman ako. After hours of scrolling, he chatted me again.

'Bakit di ka pa natutulog?'

'Kasi di pa ako inaantok.' I replied.

After he sent me 'hi' earlier this day. Nalaman kong schoolmates nga talaga kami, We're both in the I.T. Department at pareho din kaming freshmen. Naging kaklase ko din pala sya sa ibang subjects and that explains everything.

Hindi kasi ako masyadong nakikisocialize sa mga kaklase ko at sino ba naman ang kikilalanin lahat ng dadaang tao sa harapan mo, I'm not the Miss Friendly type of person. Pero di din naman ako mahirap iapproach. I just don't initiate friendship they're the ones who approached me.

'Want to talk about something?' he said.

'And what is that something?' Yeah, I know, wala akong kwentang kausap, I don't know how to open a conversation. Good thing, hindi sya nawawalan ng interest na kausapin ako and he's good at opening a topic. That's why I consider him as a friend.

'Ahm, anything under the sun.'

'I'll keep you company, until you fall asleep.' He added.

I am not naive. I knew he's hitting on me or something, I just don't know how to reject him in a nice way, cause he seem to be a nice guy. Crush mo eh. I unconsciously slapped my face for that. I visited his timeline and found out that he's actually a good looking guy.

'Ahm, wala akong maisip eh.' I replied.

'Okay, what about you tell me about yourself?' How am I suppose to reply on that? Napakamot na lang ako sa ulo, natatawa na rin ako dito sa taong 'to eh, gusto pa rin akong kausapin kahit antagal ko magreply at wala talaga akong kwentang kausap.

At dahil nagpeplay safe ko, I replied

'I don't know what to say'

'Hahaha, its okay, sorry if I make you feel uncomfortable.'

'Hmm. Kung ikaw na lang kaya magkwento' Nahiya na din ako sa kanya. Let's just play along self, you even consider him as a friend.

Nagkwento nga sya. Then we talked about school. Our courses even yung mga teachers na trip namin yung pagtuturo. Sa dami ng napag-usapan namin, di ko namalayan yung oras hanggang sa inantok na ako at natulugan ko sya.

Kinaumagahan, mga 9:00 am na ako nagising at doon ko narealize na nakatulog pala ako habang kausap ko sya. Nung inopen ko yung phone ko, nakita ko yung sunod sunod na message nya,

'Tulog ka na noh?'

'Are you really asleep or ayaw mo lang ako kausapin?'

'Tulog ka na nga siguro'

'Good night and sweet dreams Light.'

Nag-goodmorning na man ako at nagsorry dahil natulugan ko sya. Online sya pero di sya nagreply, mukhang di nya ata hawak yung phone nya ngayon.

Nakibit-balikat lang ako at tumayo na at naligo bago bumaba sa kusina para kumain. Ako pala yung late na nagising ngayon, dahil pinuntahan ako ni Kuya sa kusina ng marinig nya akong pumasok dito. Umupo lang sya sa harapan ko habang kumakain ako. Automatic na nga ata yung ganitong setup namin pag huli akong magigising at alam nyang wala na akong kasabay kumain, kung wala naman sya, si Manang Rosa naman ang sasaluhan ako habang kumakain. Ewan ko ba, hindi talaga ako nakakain kung mag-isa ko lang, noong nasa school ako di na ako kakain kung wala akong kasabay.

A Pandemic Love Story- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon