13

39 3 0
                                    

Nakahiga ako sa kama ng kwartong tinutuluyan ko sa bahay nila Dwayne habang nakatulala sa kisame. I couldn't think of anything else to make him feel better. While observing him this day, he usually spacing out kahit may ginagawa kami, tulad na lang nung nagmovie kami, nung naabutan niya akong nagluluto at tinulungan pa niya ako at habang kumakain kami ng dinner.

Hindi ko alam ang gagawin ko para mapagaan ang loob niya, hindi ko naman siya mailabas at hindi kami pwedeng mamasyal dahil under quarantine pa din kami. Sana lahat na ng problema maglaho na, madami ng napapagod, marami ng nasasaktan dahil sa sitwasyon.

Bumuntong hininga ulit ako ng maisipan kong lumabas at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Pagkababa ko sa kusina nakita ko si Dwayne na nakahalukipkip sa ibabaw ng island counter habang nakaupo sa isang stool.

Nilapitan ko ito at tinapik sa balikat. Nag-angat naman ito ng tingin na parang hindi nagulat sa presensya ko. Agad ko itong nginitian.

"Can't sleep?" Tanong ko at umupo ako sa katabi nitong stool.

"I got a call from my parents' nurse, Dad was intubated as well, they're getting worse Eunice, I don't know what to do now. Hindi ko na sila makausap. Ayoko silang mawala sa akin, ayoko, hindi ko pa kaya."

"You gotta need all the strength you could get, Dwayne, ipagdadasal natin sila, huwag mo muna silang sukuan, I know for sure that they are fighting for you."

Ipinatong ulit nito ang ulo sa mga braso nito habang nakatingin sa malayo. Tumayo naman ako para magtimpla ng dalawang basong gatas, nang matapos ay bumalik ako sa pagkakaupo sa stool ng island counter.

"Here, drink it, it helps you to fall asleep."

"Thank you for being here. Siguro mababaliw na talaga ako kapag mag-isa lang ako dito." Sabi nito at tumawa ng mahina. It was a short laugh but it's the first laugh he had since the day that his parents were admitted. Good thing, I guess?

"Buti na lang pala matigas ang ulo ko at mapilit ako." I said teasingly.

"Come here." He said while inviting me for an embrace.

"Come on, it's a friendly hug and a thank you hug." Dagdag nito na nag-udyok sakin para magpayakap sa kanya.

Well, hugs are good for the brain.

We stayed like that for a while at ininom na namin yung gatas na tinimpla ko, nagtimpla pa nga ulit ako ng another round habang nagkwekwentuhan ng konti at para makatulog talaga siya ng maayos.

Milks are not only for babies. Pati na rin sa big babies.

Hindi na ako nag-abala pang magtext kila Dad before going to bed dahil nakausap ko naman ang mga ito pagkatapos naming kumain. Kaya natulog na ako habang iniiisip ang mga activities na pwede naming gawin ni Dwayne para malibang naman siya at hindi masyadong mag-alala sa mga magulang nito. Sa kakaisip ko, hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

Naalimpungatan ako kinaumagahan ng maramdaman kong may nanonood sakin. Napaupo ako habang nagkukusot ng mata ng maanigan kong si Dwayne pala yun, well kaming dalawa lang naman dito eh.

"What is it? May nangyare ba?" Tanong ko ng mapansing mas malungkot pa ito kaysa kahapon.

"I can't contact my parents' nurse. I'm getting more worried, baka kung ano na ang nangyare sa kanila."

"You didn't sleep." I stated. Halatang wala itong tulog, pero gwapo pa rin naman ito. Ang unfair.

Umiling ito sa akin bilang pagtugon. Napakamot na lang ako sa ulo ko, dahil hindi ko alam ang dapat sabihin, hindi pa talaga gising yung diwa ko kaya sinenyasan ko na lang ito na pupunta muna ako sa banyo.

Nang makapasok ako nagmadali akong naghilamos at nagtoothbrush, pagkatapos ko ay sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko. Mukhang hindi namin magagawa ang mga activities pang distract sa kanya ah. Dibale pangalawang araw pa lang naman eh.

Pagkausap ko sa sarili ko sa salamin, nang matapos ako ay lumabas na ako sa banyo at pinatayo ito saka hinila papuntang kusina.

"Look, Dwayne, hindi magugustuhan ng mga magulang mo kung uubusin mo ang oras mo sa pag-aalala sa kanila at hindi aalagaan iyang sarili mo, lalo lang silang malulungkot pag nalaman nilang hindi mo inaalagaan ang sarili mo habang wala sila. Kailangan mo ding magpalakas para sakanila, tatagan mo ang loob mo Dwayne, yun ang maitutulong mo sa kanila." Pakiusap ko dito ng pinaupo ko ito sa stool sa island counter habang nasa harap ako nito.

"Okay lang yan, malalagpasan niyo din yan." Dagdag ko ng nakatingin lang ito sa akin at tinapik ko ang balikat nito.

"Luto tayo?" Aya ko dito, tumayo naman ito at tahimik akong tinutulungan sa paghahanda ng pagkain namin.

*

Mabilis ang mga araw, wala namang kaming ginawa maliban sa gumising at paghandaan ang panibagong araw, stable na ang lagay ng foster parents ni Dwayne kahit pa nakaintubate ang mga ito. Ang tanging paraan para makita namin ang kondisyon ng mga magulang nito ay ang personal nurse ng mga ito, ito ang nagseset up para magkita ang magkapamilya kahit na hindi makapagsalita ang foster parents nito. Medyo gumaan din ang tensyon sa katawan ni Dwayne, alam na kasi nitong lumalaban ang mga magulang nito. Assured na siyang malalagpasan nila ang pagsubok na ito. Minsan ng makipagvideo call kami sa kanila kahit hindi nila kayang banggitin dama ko at nakikita ko sa mga mata nilang masaya silang sinamahan ko si Dwayne. Hindi naman ako humihingi ng kapalit sa pagsama ko sa kanya dito, makita ko lang siyang maayos at magampanan ko bilang kaibigan niya ang masamahan siya sa pagsubok na ito ay masaya na ako.

Friday na ngayon at maya maya lang ay may susundo na sa akin dito. Nagpapahinga si Dwayne sa kwarto niya ngayon at tawagin ko na lang daw siya kung andiyan na yung sundo ko, samantalang ako naman ay hindi mapakali sa may sala. I paced back and forth analyzing if the idea that just popped in my head is a good one.

Wala akong balak iwan si Dwayne ng dalawang araw ng walang kasama, matapos kong mawitness ang mga sad moments niya alam ko ng may mali na sa mental health niya, baka matuluyan siyang madepress kapag iniwan ko siya ditong mag-isa.

Napakamot na lang ako sa batok ko dahil sa iritasyon.

"Bahala na nga." Sabi ko sa sarili ko at tinahak ang hagdan papunta sa kwarto ni Dwayne.

Napakagat labi ako ng nasa harap na ako ng pintuan ng kwarto nito. This might be a bad idea.

Huminga muna ako ng malalim bago kumatok, naghintay ako ng ilang segundo bago buksan ang pinto dahil baka tulog ito.

Naabutan ko itong nakaunan sa mga braso nito habang nakatitig sa kisame. Hindi man lang nito narinig ang pagkatok ko at ang pagpasok ko dahil sa lalim ng iniisip nito. Hayyy. Tumikhim ako para kunin ang atensyon nito at tumingin naman ito sa gawi ko.

"Is your Dad already here?" Tanong nito.

"Not yet, but I'm here to help you pack your things."

"Huh?" Halata sa mukha nito ang kalituhan sa mga pinagsasabi ko. Binigyan ko naman ito ng makahulugang ngiti.


"I told you, I'm not leaving you alone. You will come with me."

~Gab~

A Pandemic Love Story- COMPLETEDWhere stories live. Discover now