12

43 3 0
                                    

Inaya ako nitong manood muna ng mga movies para palipasin ang oras, pumayag naman ako at habang makatabi kami sa sofa at nanonood ay pasulyap sulyap ako dito.

Nag-aalala na ako dahil kahit nakatingin ito sa TV ay nahahalata kong hindi talaga ito nanonood at malalim ang iniisip. Tulala lang ito at hindi makikitaan ng ibang reaksiyon sa mukha maliban ang kalungkutan. Hindi nga rin ito nagrereact sa mga jokes ni Vice Ganda sa movie nitong pinapanood namin.

Hindi na ako nagulat ng hindi man lang nito napansin na tumayo ako at pumuntang kusina, nagpasadya ako kay Dad na bilhan kami ng maraming ice cream solo tubes, ito ang comfort food ko at naalala kong nag-bigay din ako ng ice cream noong mga bata kami dito ng makita ko itong umiiyak, at doon nagsimula ang frienship namin. Baka naman kahit papaano ay mapakalma ng ice cream ito.

Kumuha ako ng dalawang vanilla ice cream at dalawa ding kutsara. Nang makabalik ako sa kinauupuan ko kanina, ganon pa din ang posisyon nito, wala man lang nagbago ni isa, kahit ang emosyong naglalaro sa mukha nito, napakalungkot pa rin.

Idinikit ko ng marahan ang ice cream tube sa pisnge nito, baka sakaling magising na ito sa iniisip nito. Nang lumingon ito sa akin ay binigyan ko siya ng isang ngiti.

"Vanilla ice cream?" Tanong ko dito at iniabot ko sa kanya ang hawak kong ice cream pati na rin ang kutsara. Naupo na rin muli ako sa tabi nito habang binubuksan ang hawak ko. Nang nabuksan ko iyon ay kinuha ko ulit ang hawak ni Dwayne at ibinigay ko ang nabuksan ko ng tube.

Naptigil ako sa pagbukas ng makita ko ito sa peripheral vision ko na nakatitig sa akin, dahil doon ay lumingon ako dito. Agad naman ito yumuko.

"Sorry..." He said almost whispering.

Inilapag ko ang tube sa center table kasama ang kutsara pagkatapos ay inilagay ko ang dalawa kong kamay sa mga magkabilang balikat nito.

"Dwayne, look at me." Sabi ko dito, ng tumingin ito sa akin ay pinagpatuloy ko ang sasabihin ko dito.

"It's okay, kaya nga ako nandito to support you in any way, to comfort you and to be by your side until you'll get better."

Nakita ko sa mga mata nito ang kalungkutan at takot, kanina lang ay nakuha pa nitong makipagbiruan kay Dad, pero nahahalata ko pa rin ang lungkot sa mga mata nito, parang pinipilit lang nitong tumawa at ngumiti para kay Dad.

"I'm sorry that you'll see me like this, I just can't hide it."

I gave him a sweet smile.

"Okay lang na malungkot ka ngayon, okay lang na matakot ka sa nangyare, okay lang na ipakita mo sa akin ang weak side mo, andito ako para pagaanin ang loob mo at hindi para punahin o diktahan ang nararamdaman mo, hindi kita iiwanan mag-isang malungkot."

Nagpanic naman ako ng mamuo ang mga luha nito na parang pinipigilan niya pa kanina. Napayakap ako ito at hinagod ko ang likod nito para patahanin ito while whispering 'It's okay' and 'I'm here' to secure him that he's not alone while facing this challenge in his life.

Ilang minuto kaming ganon ang pwesto hanggang sa natigil din ang mahihinang hikbi nito. Binigyan ko ng distansya ang pagitan namin at pinunasan ko ang nga pisngi nito. Pagkatapos ay itinuro ang ice cream at ngumiti.

"Baka matunaw na, kainin na natin." Sabi ko dito at tumango lamang ito, tila nahihiya dahil nasaksihan ko itong umiyak. Boys and their egos, lahat naman pwedeng umiyak, lahat tayo tao oy.

Inabot ko na rin ang sakin. Nakakaisang subo pa lang ako ng makita kong tinuturo nito ang t-shirt na suot ko.

"Sorry about that." Sabi nito, napatungo ako para tignan ang tinuturo nito at nakita ko ang basang parte ng t-shirt ko sa may bandang balikat. Umiling ako dito.

"It's no big deal." Sabi ko at sumubo ulit ng ice cream. Napansin kong kumakain na din ito ng ice cream at napapasulyap ako dito tuwing marereact na ito sa mga jokes sa movie. Napangiti na lamang ako.

Atleast hindi na ito nalulunod sa isipan nito, baka nakatulong dito ang paglalabas nito ng emosyon kanina, it's obvious that he's been bottling up his emotions since nalaman nito ang resulta ng test ng mga magulang nito. Dahil doon kaya ako nagdesisyong samahan ito, baka mas malala pa itong magbreak down kapag mag-isa lamang ito at mauwi pa sa depresyon, hindi biro iyon at dahil mag-isa ito baka maisipan nitong saktan ang sarili kapag naging masama ang lagay ng mga magulang nito na sana naman ay hindi mangyari pero dahil doon ay natakot ako para dito at naisipan kong bantayan ito at the same time i-comfort ito.

Saktong natapos ang movie ay nasimot na rin namin ang kinakain namin, nagtungo kami sa kusina nila bago ipagpatuloy ang panonood para itapon ang tube ay ilagay ang kutsara sa lababo. Sumandal ako sa island counter paharap dito at hinintay itong matapos hugasan ang mga ginamit namin kasama na rin ang mga pinagkainan namin kanina. Hindi na ako nagpumilit na tulungan ito ng sinabi nitong siya na ang gagawa dahil kami naman daw ang naghanda ng pagkain at nahihiya daw itong ako pa ang paghugasin.

"Kamusta sila Dra. Manalo?" Tanong ko dito para mabasag ang katahimikan.

"Dad is doing well, but Mom isn't, her lungs is failing her." Sabi nito sa nag-aalala at takot na boses.

"Gagaling din sila Dwayne, hindi naman sila pinapabayaan doon." Pagmotivate ko dito.

"I can't do anything for them Eunice, that makes me more frustrated."

"You can do something for them Dwayne, be strong, sigurado akong pinagkukuhanan ka din nila ng lakas para labanan ang sakit nila."

"I badly want to be by their side until they got better."

"Alam mo ang mangyayare pag pinagpilitan mo yan, baka pati ikaw ay magkasakit."

Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga nito at hindi na ito sumagot. Pinagpatuloy nito ang paghuhugas at ng matapos ay inaya ako nitong pumunta sa second floor para makita ang magiging kwarto ko habang andito ako at para narin maayos ko na ang mga gamit ko.

Namangha ulit ako sa mga disenyo pati na rin sa mga kagamitan doon, binigyan ako ni Dwanye ng oras para mag-ayos ng gamit at pupunta lang daw ito sa kwarto nito para magpahinga ng kaunti, at katukin ko na lang daw ito para ipagpatuloy namin ang panonood sa ibaba.

Hindi ako nagmadaling kumilos para mas humaba pa ang pahinga niya at ng matapos ako ay dahan dahan akong pumunta sa harapan ng kwarto nito na itinuro niya kanina sa akin. Marahan akong kumatok doon at ng hindi ito sumagot ay nagbakasakali akong pumihit sa door knob upang silipin ito baka may gawin kasi itong masama na ikinatatakot ko. Binilinan din ako ni Dad na bantayan ang halos sa mga ginagawa nito at huwag ko itong hayaang mag-isa dahil pati si Dad ay nag-aalala sa maaaring gawin ni Dwayne sa sarili.

Nagkausap pa kami ni Dad kanina bago ako pumunta sa kwarto ni Dwayne at kinamusta nito si Dwayne. Nasabi ko dito ang pagbreak down ni Dwayne at ang lagay ng parents nito at sinabi ni Dad na gumawa ako ng paraan para madivert kahit papaano ang atensiyon nito sa ibang bagay.

Nagpasalamat ako ng hindi nakalock ang pinto nito at marahan ko ding itinulak ang pinto. Nakita ko si Dwayne na nakaunan sa mga braso nito at nakapikit.

Nahalata ko din ang bakas ng mga luha nito. Nilapitan ko ito at kinumutan ng marahan. Umupo din ako ng dahan dahan sa gilid ng kama nito. Nakikita ko ang mga itim sa ilalim ng mga mata nito na ebidensiyang hindi ito nakakatulog ng maayos. Hindi ko napigilan ang kamay kong inabot ang buhok nito at hinaplos iyon.

Aalisin ko sana ang kamay ko ng gumalaw ito at inakala kong nagising ko ito pero nagpalit lamang ito ng pwesto at humiga ito patagilid, paharap sa akin, pinagpatuloy ko ang paghaplos sa buhok nito at mas lalo pang naging mahimbing ang tulog nito na ikinangiti ko.

"Hang in there Dwayne, everything will be alright." Bulong ko at hinalikan ko ito sa gilid ng mata nitong may mga bakas ng luha.

Ilang oras din akong nanatili sa tabi nito at ng makita ko ang oras na malapit na ang hapunan ay lumabas na ako sa kwarto nito para maghanda ng makakain.


Hindi na ako nahiyang pakialaman ang kusina at nagluto na lang ako ng mga pagkain para sa aming dalawa.

~Gab~

A Pandemic Love Story- COMPLETEDWhere stories live. Discover now