Chapter Five

33 3 2
                                    

Vote. Comment. Share
The Untamed Quieano
-ohmydash💕

This chapter is dedicated to @Evelynlorenzo507
Enjoy! Happy reading dashies......

*****
Do I really have to do this. Bakit kasi may gantong handaan pa akala mo naman may okasyon na sobrang bongga kaya may pahanda sila Mi. Aish! Hindi ako ready na makita sya. Natatakot ako baka kung anong sabihin or gawin nya lalo na't hindi ko kayang dumepensa sa kanya kahit na marunong ako sa martial arts. Ewan ko ba! Naguguluhan din ako sa sarili ko. Bakit kasi kailangan nya pang gawin at sabihin yun sakin. Hindi nya ba alam kung gaano nagulo ang buhay ko simula nung araw na yun I never thought na may lalaki palang gagawa sakin nun. How embarassing. I don't even know kung paano ko haharapin ang mga pinsan nya despite nung ginawa nya sakin like literally I can't face them.

**tok tok**

Dinig kong katok mula sa pinto nang kwarto ko pero hindi ako nagsalita o gumawa nang ingay habang nakatingin sa sedura nang pinto ko. What if sya yung kumatok dba?

**tok tok**

"Hija nakabihis ka na ba?" sigaw ni Manang Julie mula sa labas nang kwarto ko

"Magbibihis pa lang po" saad ko habang nakahiga sa kama ko. Sa totoo lang nakabihis na talaga ako tinatamad lang ako bumaba dahil ayaw kong magtagal sa lugar na alam kong andun sya. Nag-iingat lang ako dahil alam ko naman kung ano yung nararamdaman ko towards him. Hindi naman ako ganun kainosente eh kahit papano may alam ako tungkol sa mga pag-ibig na yan kahit na wala akong karahasan patungkol dyan "Manang magsisimula na po ba?"

"Aba'y magsisimula na daw hija kaya nga ako pinapunta dito para sunduin ka dahil andyan na yung mga pinsan mo at kaibigan nang kuya mo kanina pa. Kanina ka pa rin nila hinihintay na bumaba ka eh anong oras na pero hindi ka pa rin bumababa" paliwanag nito

"Pwede po bang huwag nang umattend manang?" tanong ko pagkatapos buksan ang pinto nang kwarto ko

"Ikaw talagang bata ka. Halika na nga't bumaba para makapagsimula nang kumain ang lahat. Masyado mong ginugutom ang mga bisita mo" sermon nito habang inaakay ako pababa "sya nga pala yung pinsan nang kaibigan nang kuya mo ay palaging pumupunta dito kapag may okasyon at nagtatanong kung kailan ka uuwi" napatigil ako sa paglalakad matapos sabihin ni Manang ang bagay na yun. Sa word pa lang na kaibigan ay alam ko kung sino ang tinutukoy niya "o bakit ka napahinto?"

"wala naman po. Tara na po Manang" sagot ko bago magsimulang akayin sya pababa nang hagdan. Anong kailangan nya sakin? Tinatanong pa ba yan A, alam mo kung anong sagot dyan. Don't deny it A.

"Haggang dito na lang ako sa kusina hija at ako'y may aasikasuhin pa lalo na yung mga pinsan mo na walang ginawa kundi ang manguha nang lumpia sa kusina. Hayy! Mga batang iyon. Sige na't pumunta ka na sa garden para makapagsimula na" pagtataboy sakin ni Manang bago pumasok sa kusina

Napanguso ako habang tinatahak ang daan papuntang pool area. This is it Aphrodite. Wala nang takas magkikita na talaga kayo sa gusto mo't hindi wala ka nang magagawa pa, sabi ko sa sarili ko bago hawiin ang kurtinang nakaharang sa harap ko.

"Welcome Home Aphrodite" sari- sari nilang bati sakin na may ngiti sa labi

"Thank you po!" nakangiting sagot ko sa mga taong nadadaanan ko habang naglalakad papunta sa table nang parents ko nang biglang magsimulang magpapansin ang mga pinsan ko mula sa katabing table nila Dad

"Ang ganda talaga"

"Pinsan ko yan"

"Mala-model maglakad oh"

"Ang hot talaga nang pinsan ko"

"Pa mine na lang po"

"So pretty"

"Gorgeous"

"Thank you so much guys" kaway ko sabay flying kiss sakanila bago umupo sa tabi ni Mommy "...Mom, Dad" saad ko bago humalik sa pisngi nila

"We really really missed you Princess" sabay na wika nila sakin

"A miss ya!" beso nito sakin "...tita pwede na po bang kumain?"

"Hahaha. Oo naman Brenda. Kumain nang madami"

"Yes naman po tita. Lumpia nga lang. Hihi" sahot nito bago kumaripas nang lakad paalis

"Tsk. Tsk. Tsk. Mabuti na lang talaga at hindi mo namana ang kaweirduhan nang pamilya nang mommy mo princess" bulong ni Dad sakin

"Tama ka dyan Dad. Hindi ko yata kakayanin yun. Hahaha" pabulong ko ding sagot bago tumawa

"Anong pinagbubulongan nyo dyan at may patawa tawa pa kayo dyan?" bulong ni Mommy habang nakalapit samin ni Dad ang mukha nya

"Wala naman po Mommy. Natatawa lang kami ni Dad masama po ba?" painosente kong tanong sa kanya

"Tsk..." asik nito bago tumayo at naglakad papunta sa table nang mga kapatid nya

"May matutulog nang mag-isa sa room nila mamaya" asar ko kay Dad habang nagmamasid sa paligid. Umalis na kaya sila?

"Haha. Guess what Princess, hindi na ako natutulog mag-isa sa kwarto simula nang umalis ka nang bansa" pagyayabang sakin ni Dad

"Eh paano ba yan Dad bumalik na ako edi may pag-asa na matulog ka sa room nyo mamaya nang mag-isa" ngisi ko sa kanya habang tinataas baba ang kilay ko para mas maasar pa sya

"Psh. Hindi ako papayag. Akin lang ang mommy mo" nakakunot-noo nitong sagot sakin

"Hahahahahahahahaha" malakas kong tawa dahil sa inasal ni Dad sa harap ko

"Binubully mo na naman si Dad" narinig kong seryosong wika mula sa likod ko kaya napahinto ako sa pagtawa pero bumilis naman ang tibok nang puso ko "...o bat tumahimik ka dyan?" tanong ni Kuya sabay tapik sa balikat ko

"Dumating ka kasi kaya hindi na masaya" sagot ko habang nakatalikod pa rin sa kanya. Kalma lang heart.

"Moody ka na naman" ika nito bago umupo sa tabi ko at uminom nang tubig.

Hindi nya yata kasama yung mga bisita nya ika nya kanina.

"Asan nga pala yung mga kaibigan mo?" tanong ni Dad matapos mapansin na hindi pa rin umaalis si kuya sa tabi ko

"Sila dela Cuesta Dad. Ayon may emergency sa kanila, tinakbo daw sa ospital yung lolo nila kaya napaaga yung alis nila" paliwanag niya

OMG! Sana okay lang yung lolo nila. Mukhang dininig nga ni God yung panalangin ko pero kapalit naman is tinakbo sa ospital yung lolo nila. Nakakakonsenya tuloy.

"Kamusta naman si Mr. dela Cuesta? Okay na ba sya?" nag-aalalang tanong ni Dad

"Okay naman na daw Dad mabuti na lang at mild lang daw ang naging sanhi kaya siguro after 3-5 days eh pwede na syang ilabas"

"Mabuti naman kung ganun. O sya maiwan ko muna kayong dalawa dito at masama na ang tingin sakin nang mommy nyo, ayaw ko namang matulog mamaya nang mag-isa sa kwarto" wika nito bago tumayo at naglakad patungo kay Mommy

"Alam ko na ang totoo A" seryosong saad ni Kuya kaya naman napatingin ako sa kanya nang nakakunot- noo "...yung tungkol sa ginawa sayo ni dela Cuesta 7 years ago" napatulala ako sa kanya matapos nang sinabi nya sakin. Wait! What?

The Untamed Quieano (Ampalaya Series #1) Where stories live. Discover now