Chapter Ten

20 0 0
                                    

Vote. Comment. Share
The Untamed Quieano
-ohmydash💕

*****
"Nagawa mo talagang itago sakin yung pangalan ng lalaki mo. Siguro pinagtatawanan mo ako kapag nakikita mong pinagpapantasyahan ko yung lalaki mo at hinahalikhalikan pa yung picture nya sa mismong harap mo noh. Ako nanggigigil sayo ah. Kagabi mo pa hindi sinasagot ang tanong ko tapos tinulugan mo pa talaga ako. Konti na lang talaga at uuwi na ako sa Maynila" litanya nito habang naglalakad kami dito sa taniman ng mga bulaklak. Hindi na kami nangabayo dahil nasa parteng manggahan ang mga kabayo kapag umaga. Kesa naman hintayin namin kaya ayun kami na ang pupunta sa kanila.

"Hindi ko kasalanan lahat dahil hindi ka naman nagtanong kung sino sya eh tsaka hindi kita pinagtatawanan noh. Nakita mo na ba akong tumawa kapag ginagawa mo yun?" sagot ko naman habang patuloy na binabaybay ang kahabaan ng mga pananim.

"Hindi pero dapat nagkusa ka. Kahit hindi ko tinanong dapat sinabi mo kung sino sya dba para naman matagal ko nang pinutol yung pagmamahal ko sa kanya hindi yung ganto biglaan A" nagmamaktol na sagot nito may papadyak padyak pang nalalaman. Akala mo batang inagawan ng kendi.

Hayts. Hindi na naman naka-inom ng gamot si Artemis "Bakit sinabi ko bang itigil mo yang pagmamahal mo sa kanya. Binawal ba kita?" hinto ko sabay tingin sa kanya "...naku! Umayos ka nga Artemis. Nanggigigil na rin ako sayo" irap ko sa kanya sabay talikod para ipagpatuloy ang paglalakad namin habang konti pa lang ang mga manggagawa sa paligid.

"Oh di galit ka na ngayon. Ayaw mo na akong kausap. Sige uuwi na lang ako sa Maynila ngayon din" wika nito sabay tumalikod sakin habang hindi maipinta ang mukha pero hindi naman gumagalaw sa pwesto nya basta nakatayo lang sya habang nakacrossed arm ang mga kamay nito "...hindi mo man lang ako pipigilan umalis. Ang sama mo talaga"

Hay. Sakit sa ulo! "Hindi ka aalis okay tsaka hindi naman kita pinagbabawalan na gustuhin yung first love ko kasi wala akong karapatan na ipagdamot sya dahil hindi nya naman ako girlfriend kaya okay lang talaga na gustuhin mo sya walang kaso sakin yun tsaka hindi kita pinagtawanan ni minsan promise" akbay ko sa kanya sabay lakad papunta sa destinasyon namin "...ang bagal mong maglakad nasa kalahati pa lang tayo mula sa manggahan tsaka mas matatagalan tayo nito kapag naabutan tayo ng mga manggagawa kaya bilisan mo ang paglalakad A"

"Eto na nga eh binibilisan ko na ang paglalakad tsaka ihihinto ko na din talaga yung pagpapantasya sa lalaki mo. Ayaw ko naman na pag-awayan pa ulit natin sya in the near future kaya ako na ang mag-aadjust for you. Yieeehhh!" sagot nito sabay kiliti sa tagiliran ko "...kinilig si A. Aminin" sabay sundot sa tagiliran ko

"Yah! Slight lang. Haha! Edi okay na tayo hindi ka na nagtatampo sakin?"

"Hmm. Wait pag-iisipan ko lang kung bati na tayo" wika nito bago tumahimik para daw mag-isip "...OMG! I just remembered something A. Diba naplano na natin yung mga gagawin natin dito sa probinsya nyo and ang first plan natin is yung pagparty natin sa isang sikat na bar dito. Bakit ba nakalimutan ko yun? Nakakainis ka kasi A may padrama drama ka pa nawala  tuloy yung mga plans natin."

"O sige kasalanan ko na lahat Artemis. Happy? So pwede na? Pwede na ba tayong tumuloy maglakad o gusto mong hintayin na lang nating dumaan yung mga kabayo para hindi naman nakakahiya na pinaglakad pa kita dba" tanong ko

"Mabuti naman at alam mo A. Nakakapagod kaya maglakad ng pagkahaba-habang daan, isang oras na yata tayong naglalakad eh wala pa tayo sa manggahan" sarkistong sagot nito sakin bago ikawit ang kamay nito sa kamay ko "..bakit nga pala ayaw mong makita si  dela Cuesta?"

Biglang tanong nito sakin kaya naman napalingon ako sa kanya pero nakatingin din pala sya sakin kaya naman binawi ko ang tingin ko at nagfocus na lang sa dinadaan namin. Isa lang naman ang sagot dyan eh kung bakit ayaw ko syang makita dahil natatakot ako sa nararamdaman ko at sa mga pwedeng mangyari.

"A! Ano? Bakit ayaw mo syang makita? I'm really curious"

"Uhm. Ayaw ko lang sya makita. That's the reason"

"Pero bakit feeling ko hindi yan yung tamang sagot A. Would you mind if I ask you again the question? Bakit ayaw mo syang makita?" seryosong tanong na nito sakin

"Because I'm scared" buntong hininga kong sagot sa kanya. Hindi naman sa totoong ayaw ko syang makita eh actually I really liked it kapag nandyan sya malapit sakin. Natatakot lang ako na kapag lumapit sya sakin, marinig nya kung paano bumilis ang tibok ng puso ko kapag malapit sya sakin dahil anytime pwede akong maging marupok. You know what I mean right....

"Well I guess it's normal to be scared dba kasi eto pa lang yung una kaya nakakatakot talaga sumugal ng feelings. Sigurado ako na ganyan din mararamdaman ko kapag nagkagusto ako" wika nito "...mana ako sayo eh dba. Hahahahhaha! Wait! Is that Kuya Nathaniel?" tanong nito habang nakatingin sa lalaking naglalakad papalapit samin "...Good Morning po!" magalang na bati nya kay Kuya pagkatapat nito samin

"Good Morning Artemis and good morning to you too A" sagot nito sabay beso sa pisngi namin "...ang aga nyo yata lumabas ngayon"

"Yeah! Wala na kasing topak itong si A kaya mangangabayo kami then maliligo sa falls and then lalabas kami mamayang gabi. Is it okay to you Kuya na magbar kami mamaya?" paliwanag nito sabay kalabit sakin para humingi ng tulong

"Kasama namin yung anak ni Manang mamaya so don't worry we can handle this" sagot ko sabay ngiti sa kanya

"Are you sure? I can go with you wala naman akong gagawin mamaya tsaka kahit magsama pa kayo ng sampung katulong hindi ako mapapanatag"

"Kuya wala ka bang tiwala samin?" di makapaniwalang tanong ko matapos kong marinig sa kanya yun.

"Kuya Nathaniel we got this okay. Hindi na po kami minor tsaka behave lang po kami mamaya iinom lang kami ng konti tsaka sasayaw then uuwi na kami. We just want to experience kung anong feeling kapag nasa bar" segunda naman ni Artemis "...Kuya reward mo na lang samin ito. Kung alam mo lang po kung gaano kalaki yung sinakripisyo namin nung nasa Amerika kami. Araw- araw niyayaya kami pumuntang bar pero hindi kami nagpatukso dahil sa takot namin sayo kaya please Kuya Nathaniel balato mo na samin ito ngayon lang naman eh please!!!!!!!" paliwanag nito na may kasamang pagmamaka-awa at pagpapacute.

"Please Kuya!! Please!! Pretty please!!" segundang wika ko din habang nakanguso at nagpapacute sa kanya.

"Okay pero hanggang 11:30 lang kayo"

"Twelve o'clock" hirit ni Artemis

"12:30" hirit ko naman

"Nope. At exact 11:30 nasa Bahay na kayo. Understand. Okay. See you"pinal na wika nito sabay lakad palayo samin

"So, it's final A. Makakapagbar na tayo mamaya. Hindi na ito panaginip. Oh my gosh! A kailangan na natin tapusin lahat ng plano natin ngayon para may oras pa tayo magbeauty rest. OMO! Let's go!" excited na sigaw nito sabay hila sa kamay ko pagkatapos tumakbo ng mabilis kaya wala naman akong magawa kundi sumabay sa kanyang pagtakbo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 12, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Untamed Quieano (Ampalaya Series #1) Where stories live. Discover now