Chapter Nine

47 1 1
                                    

Vote. Comment. Share
The Untamed Quieano
-ohmydash💕

*****
"A wala ka bang balak lumabas dito sa lungga mo. It's been two weeks mula nung dumating ako at wala na tayong ginawa kundi manuod, magdaldalan, magbasa ng aklat, kumain at matulog. Hayts! Hindi ito ang inaasahan kong gagawin natin pagdating ko dito alam mo naman yun dba? Anong nangyari? Bakit parang araw-araw kang walang gana lumabas? What happened?" talak nito ng may pag-aalala sa mukha habang nakatingin sakin mula sa bintanang kinauupuan nito

Tsk. Yeah! It's been two weeks pero sobra pa rin akong apektado na medyo dissappointed dahil may girlfriend na pala sya. Yah! Don't let your feelings control you Aphrodite, crush mo lang sya pero lilipas din yan. It takes time. Yeah right! Nakakahiya naman kay Artemis na nakikita nya ako sa gantong state pinagmadali ko pa naman syang umuwi dito samin tapos ikukulong ko lang pala sya dito sa kwarto ko. Hayts. One sided love? Is this what it feels like?

"Nangyari? Wala naman. Alam mo naman ako dba kapag nawalan ng gana lumabas dito sa kwarto ko. Mukhang ikaw pa napag-abutan ng pagiging tamad ko nitong nakaraang araw. Sorry A.." paliwanag ko sa kanya ng nakangiti "...don't worry bukas lalabas tayo para mangabayo at mamasyal. You want that?"

"Hmp. Sure ka na wala kang iniisip na iba? I mean wala kang problemang iniisip. I can see that somethings bothering you kasi you know minsan your not in yourself like your always tulala A. I keep talking to you but you never listen to me. It's like I'm talking to a wall. You're keeping secrets from me now. It makes me sad.." wika nito bago humiga sa tabi ko "...I'm good at keeping secrets you know that"

"Tsk. It's not a big deal A but you know that guy 10 years ago?"

"Yeah! That guy who stole your first kiss and later on become your ultimate crush. Wait! What about him? Did you met him already?"

"Yeah!" bangon ko sabay lakad papunta sa bintana para pagmasdan ang papalubog na araw "...he has already somebody else"

"Eeehh? For real?" napabangon ito sa sobrang gulat sabay naglakad para tumabi sakin.

"Hm. I just confirm it two weeks ago" yeah! Just like that. I already confess what he is for me. He's my first love actually. Hindi ko lang matanggap na from that moment nainlove ako agad kaya ayun sinabi ko na lang kay Artemis na ultimate crush ko sya. I don't know where it begin I just found myself falling inlove with him on that day when our eyes met and our lips touch.

"Now I get it why you're acting like that. Kapag nangyari din naman sakin yan I will do the same but you should tell me in the first place para naman alam ko kung paano ako mag-aact towards you hindi yung ganto na dalawang linggo na ang nakaraan bago mo sabihin sakin kung hindi pa ako nag-open sayo hindi mo sasabihin. Kakaiba ka talaga sa lahat Aphrodite pero love pa rin kita kahit ganyan ka" wika nito habang magkasandal ang ulo namin sa isa't isa.

"I'm sorry A. Hindi naman sa gusto kong ilihim sayo yung nangyari it's just that nahihiya ako for myself kasi hindi naman ako ganto dba malayong malayo sa totoong ako that's why medyo naghehesitate akong sabihin sayo 'coz its not me" paliwanag ko. Parang naging ibang tao ako I mean naging iba yung katauhan ko sa tunay na ako. I'm so confused sa totoo lang.

"Anong nakakahiya doon A. Don't you know that I feel honored kasi nakita ko yung other side mo like this. It's still you nagpakita lang yung other side mo 'coz you're in pain. Halika at ipapakita ko sayo na ikaw pa rin yan.." tinulak nya ako papuntang banyo upang iharap sa salamin mula sa lababo "...see! Walang nagbago. Ikaw pa rin yung Aphrodite na nakilala ko kaya please lang stop thinking na ibang tao ka dahil ikaw pa rin yung A na super duper beautiful bestfriend sister ko. Okay! Hayy. I can't believe that you just rediscovered yourself in this state. Hmm"

"Well, it's new to me and I can't still believe it. I felt weak and scared A. Ayaw kong makita nila yung side kong ito that's why hindi ako lumalabas sa kwartong ito. I can't face them. Hayy. I think I don't deserve this. Crush ko lang naman sya pero bakit ang sakit sa pakiramdam. Alam mo yung hindi ko sila kayang tingnang dalawa. Hindi ko kayang makita syang may kayakap o kahalikan man lang so I think more than that ang pagtingin ko sa kanya. Don't you think so?" I think I need to tell her the truth. She's my super bestfriend after all so she has the right to know what I really feel.

"Yeah! You're right. Hindi ka naman magkakaganyan kung crush mo lang sya tsaka ibang iba sa nangyari nung nasa states tayo. I remembered that time na nagkulong ka sa kwarto mo for one day and that's it. Nakamove on ka na for just one day pero etong sa ultimate crush mo two weeks I think it's not normal nga.." sagot nito habang nginingiwi ang pagmumukha na mukhang sa tingin ko napapa-isip na rin talaga sya sa sinabi ko. "...wait! Let me ask you something A. Anong nararamdaman mo kapag nakikita mo sya or napapalapit sya sayo?"

"Well, bumibilis yung tibok ng puso ko tapos humihinto yung paligid na sya lang nakikita ko then biglang nakikiliti yung tyan ko. I think nangyari na sakin yan once, twice or more than that basta ganun. What do you think?" curious kong tanong sa kanya

"I think more than crush nga yang nararamdaman mo para sa kanya. It's dangerous A. Kung magpapatuloy yan I think more than this ang mangyayari in the future. Kaya mo bang burahin yang nararamdaman mo habang hindi pa ganun kalalim?" napatingin ako sa kanya. Mabura? Yung feelings ko?

Alam na alam ko na yung sagot dyan. "No. Sorry A kung naglihim ako sayo hindi ko kasi matanggap na in that short time like 20 minutes biglang first love ko na sya as in it feels like joke pero hindi eh whenever I hear his name it  makes my heart flutter kaya sorry talaga A kung ngayon ko lang sinabi ito sayo kasi natakot talaga ako tsaka akala ko kasi kaya ko syang kalimutan after all this years pero hindi eh mas lalong lumalim.." sagot ko habang diretso pa ring nakatingin sa kanya "...kasi sa simula pa lang alam ko na yung nararamdaman ko towards him. When our eyes met I already knew, he's going to be my first love kahit walang relationship na naganap and I think hindi yun magbabago kahit na may girlfriend sya. But that doesn't mean na I will push myself towards him. No dahil pwede ko naman syang mahalin mula sa malayo dba yung hindi nya nalalaman at nararamdaman. Tingnan nya lang ako sapat na.." ngiti ko sabay patak ng luha ko "...pwede ba akong magmura? Isa lang"

"Hm. Of course" nakangiting sagot nito sakin

"T*ng*n*. Ang sakit! Ang sakit sakit! Gusto kita ay hindi pala Mahal kita pero masakit ka pala magmahal, mapanakit. I know hindi ko na mababago ang nararamdaman ko para sayo pero masaya ako. Masaya ako dahil alam ko masaya ka na. Yah! Ayaw ko na ang sakit mo talaga magmahal Nathaniel Zeyn Fortez dela Cuesta. Huhuhuhu" yakap ko kay A habang humagulgol ng humagulgol sa iyak. I know darating din yung time na hindi na ako iiyak dahil sa pagmamahal na ito but for now I think mas mapapadalas ang pag-iyak ko kesa pagtawa.

"Wait! What?" naguguluhang wika nito bago itulak ang balikat ko mula sa pagkakayakap sa kanya at tiningnan ako ng may pagtataka "...what's his name again?"

"Nathaniel Zeyn Fortez dela Cuesta. And why?" then I remembered something oh sh*t! Paktay! Dali-dali akong nahiga sa kama sabay takip ng kumot sa buong katawan ko

"Aphrodite Zin de Marcos Quieano. Humanda ka talaga sakin!!!!" malakas na sigaw nito

The Untamed Quieano (Ampalaya Series #1) Where stories live. Discover now