Chapter One

41 4 0
                                    

Vote. Comment. Share
The Untamed Quieano
-ohmydash💕

*****
"A wala ka bang balak umuwi dito sa pilipinas. Grumaduate ka na't lahat- lahat hindi ka pa umuuwi dito. Ano bang ginagawa mo dyan at ayaw mo pang umuwi dito? Siguro may tinatago ka nang lalaki mo dyan kaya ayaw mo talagang umuwi dito" litanya nang magaling kong kuya mula sa video call na galing pilipinas

"Kuya just give me time. Isang buwan pa lang mula nung grumaduate ako akala mo naman 10 years na ako dito naninirahan. Tsaka lalaki? Luh' kilala mo naman ako dba, allergic kaya ako sa lalaki. Tsaka ano bang meron at gustong- gusto mo akong umuwi? Mag-aasawa ka na ba?" mahabang paliwanag ko habang diretsong nakatingin sa screen kung nasaan sya

"Psh. Next year na lang" naiirita nitong sagot

"Hahahahaha! Bilisan mo na kasi manligaw para matuloy na next year"

"Akala mo ba madali manligaw. Psh" umiiling nitong sagot

"Aysus! Edi confirm nga kuya tsaka madali na lang yun. Kaming bahala sayo. Ilalakad ka namin nang bestfriend ko sa ate nya" pang-aasar ko sa kanya

"A-anong a-ate nang be-bestfriend mo. Tigilan mo ako A, hi-hindi naman sya eh" nauutal nitong sagot sakin

"Really? Sa pagkakaalam ko nagsabi sakin si Artemis na manliligaw ka daw sa ate nyaat balak ka naming tulungan pero siguro namali lang ako nang dinig" pagpaparinig ko sa kanya

"Sinabi ni artemis yun" malakas nitong pagkakatanong sakin

"Na ano? Namali pala ako nang dinig. Hindi pala ikaw yon kuya. Magkasintunog kasi pangalan nyo nung nanliligaw kay ate kyllee kaya akala ko ikaw yun kuya. Sorry sa false hope" patay malisya kong sagot bago buklatin ang aklat na bago kong bili kahapon sa NBS

"Aaahhhh!!!!" wika nito bago bumuntong-hininga

Napahinto ako sa pagbuklat matapos marinig ang buntong- hininga nito. Mukhang tinamaan talaga si kuya kay ate kyllee. Hayy. Naalala ko pa yung una nilang pagkikita matapos namin silang ayaing dalawa sa get- away namin ni artemis. Sobrang awkward nilang dalawa. Hahahaha!

"It's a prank!" sigaw ko mula sa screen bago tumawa nang malakas "...your face it's priceless kuya. Hahahahaha"

"Stop it sis. Matulog ka na. Goodnight" seryosong sagot nito bago putulin ang tawag

Luh' mukhang hindi gumana ang 'It's a prank' ko kay Kuya. Lagot! Mahaba- habang suyuan na naman ito.

"Yo!!!" wika ni artemis habang naglalakad patungo sa kinaroroonan ko bitbit ang paborito nitong unan "...bat ganyan mukha mo?"

"Si Kuya kasi ehh! Mukhang nabadtrip ko. Ang hirap pa naman suyuin nun. Kasi naman ikaw eh!" saad ko bago nagmake face sa harap nya

"Luh' baliw ka na naman. Anong ginawa ko? Kadarating ko nga lang dito sa kwarto mo" sagot nito bago humiga sa kama ko

"Idea mo kayang iprank ko si kuya. Ayan tuloy hindi natuwa sakin. Alam mo namang inlove na inlove yung kuya ko sa ate mo eh. Paano na yan?" tanong ko sa kanya. Uuwi pa naman kami next week kasama si ate kyllee. Baka hindi ako pansinin nun. Hindi pa naman ako sanay kapag malamig sakin si kuya

"Idea ko nga pero hindi ko naman sinabing gawin mo? Tsaka sinabi ko lang naman yun sayo kasi nagtatanong ka kung paano mo sasabihin sa kuya mo yung plano natin para sa kanila ni ate eh" litanya nito habang nakapikit ang mga mata

Huwag mong sabihin na tutulugan ako nang babaeng ito "Ihhhhh! Kahit na. Pareho nating kasalanan. Anong gagawin natin?" yugyog ko sa kanya

"A pwedeng bukas na lang natin pag-usapan ang bagay na yan. Antok na antok na ako tsaka anong oras na oh" naiirita nitong sagot bago tumalikod nang higa sakin

"Okay, pero bukas tutulungan mo akong mag-isip kung paano ko suyuin si kuya. Understood?" tango nito kaya naman ibinaba ko ang librong hindi ko pa nasimulang basahin para patayin ang ilaw at matulog na

*Kinabukasan***

"Ugh" ungol ko bago buksan ang mata ko mula sa pagkakatulog. Anong oras na ba? Shit! Ala- una na kaya pala kanina pa kumakalam ang sikmura ko.

"Oh gising ka na?" tanong ni artemis na kapapasok lang sa kwarto ko

"Hmmm.." sagot ko bago tuluyang tumayo sa pagkakahiga ko "...hindi ka ba aalis?" tanong ko habang inaayos ang kama

"Aalis. Hinintay lang kita magising bago ako pumunta sa bahay para samahan si ate mamili nang pasalubong nya" sagot nito habang kampanteng naka-upo sa sofang malapit sa kama

"Aaahh!" sagot ko bago damputin ang cellphone ko para tingnan kung nagchat or text na ba si kuya sakin pero sa kasamaang palad wala. Yan na nga bang sinasabi ko eh "...Arm anong gagawin ko? Hindi pa nagtetext o nagchat si kuya. Mukhang galit nga sakin. Hindi ako sanay" tanong ko bago umupo sa tabi nya

"A, alam mo namang hindi ka matitiis nang kuya mo. Mamaya- maya may chat o text na rin sya sayo. Okay!" tapik nitosa balikat ko bago tumayo "...ang gawin mo maligo ka muna at medyo naaamoy ko na ang kamandag mo. Hahahaha" tawa nito bago tuluyang lumabas nang kwarto ko

"Kamandag? Ulol. Baka ikaw yun" sigaw ko bago tumayo at pumasok sa banyo para maligo

After 30 minutes

"Tagal mo naman" naiinip na wika ni artemis pagkalabas ko nang banyo na nakasuot nang pajama at maluwag na tshirt na may tatak na 'I don' t care'

"Psh. Mabilis na nga yun dahil sa gutom na gutom na ako eh" saad ko bago lumabas nang kwarto para pumuntang kusina. Hindi ko na kasi kaya yung gutom eh

"Aphrodite ikaw ba yan? Luh' anyare sa prim and proper image mo? Patay gutom ka ba lang" nang-aasar nitong tanong matapos makita kung gaano karami ang laman nang plato ko. Mukha na ngang bundok eh!

"Atleast ako hindi mataba" balik asar ko sa kanya.  Ewan ko ba? Parang hindi ko kilala sarili ko ngayon basta ang mahalaga mabusog ako. Period!

"Psh. Kawayan"

"Luh' may nagsasalitang baboy"

"Ugh! I hate you A" wika nito bago nagwalk out

Hahahahaha! Pikon talaga kahit kailan "I love you artemis!" sigaw ko bago tapusin ang kinakain ko

Pagkatapos kong kumain ay napabuntong- hininga na lang ako matapos kong datnan ang lababo na punong- puno nang hugasin. Pasalamat sya at gustong- gusto kong maghugas nang mga plato. Sa kalagitnaan nang paghuhugas ko ay biglang pumasok dito sa kusina si artemis at dumiretso sa ref para kumuha nang tubig. Ako naman ay patuloy sa pagkuskos nang mga kaserola, plato, sandok at kung ano- ano pa. Grabe! Karma ba ito?

"A I love you" malambing na wika ni artemis sa tabi ko. Akalain mong nasa tabi ko na pala sya hindi ko man lang naramdaman

"Psh!" sagot ko habang patuloy pa rin sa ginagawa ko

"Sorry na. Alam mo namang ayaw na ayaw kong tinatawag akong baboy eh"

"Sino bang nag-umpisa?" tanong ko

"Kaya nga humihingi na ako nang sorry eh. Sorry na. Love you A" lambing nito sakin

"Tsk. Baliw" wika ko pagkatapos ilapag ang kahuli-huliang gamit na hinuhugasan ko "..lika nga dito" yakap ko sa kanya "...kaya tayo naging bestfriend eh parehos tayong baliw. Hahahahhaa" sabay naming tawa habang magkayakap.

The Untamed Quieano (Ampalaya Series #1) Where stories live. Discover now