Chapter Three

34 2 0
                                    

Vote. Comment. Share
The Untamed Quieano
-ohmydash💕

*****
"A magkakahiwalay na tayo parang kahapon lang kadarating mo pero don't worry makalipas ang dalawang linggo susunod ako sa probinsya nyo. Pupuntahan kita hindi ko yata kayang hindi ka makita, huwag ka na lang kaya umuwi" nakangusong wika nito sakin habang nakakapit sa braso ko

Pauwi na kasi ako sa probinsya dahil nalaman na nila Mama na nakauwi na ako dito sa pilipinas kaya ayan pinasundo na ako kay Manong Roy dito sa bahay nila artemis kailangan ko na daw umuwi dahil kung hindi sila na mismo ang susundo sakin at hindi ko daw magugustuhan kung anong mangyayari kaya naman kahit gusto ko pang matulog dahil alas sais pa lang nang umaga eh hindi ko na magawa dahil nakakakaba kung hindi pa ako makauwi bago ang tanghalian

"Arm kailangan mo nang masanay. Hindi habang buhay magkasama tayo, paano kapag nag-asawa ka na alangan naman isama mo pa ako sa bawat lakad nyong mag-asawa dba. No way!" sagot ko bago tanggalin ang kamay nya sa braso ko "..wala ka bang balak mag-asawa?"

"Yup kaya nga hindi pa ako nagkakaboyfriend dba. Sakit lang sila sa ulo. Please payagan mo na akong pumunta sa inyo" nakapout nitong hiling sakin habang nakadaop ang mga palad sa harap ko

"Alam mo namang hindi kita matiis eh" sagot ko bago sya yakapin "..hihintayin kita" bulong ko bago kumalas sa pagkakayakap naming dalawa para sumakay sa sasakyan "...babye arm, see you in two weeks" sigaw ko na nakasilip sa bintana habang kumakaway papalayo sa kinaroroonan nya

"Welcome home Senyorita" masayang bati ni Mang Roy habang nagmamaneho

"Salamat po Mang Roy. Kamusta nga po pala ang San Agustin?"

"Naku! Ang daming nagbago simula nung umalis ka Senyorita"

"Talaga po. Mukhang umuunlad na ang probinsya natin"

"Ganun na nga po Senyorita"

"Mang Roy pwede po ba akong matulog. Inaantok pa po kasi talaga ako eh. Kadarating ko lang po kahapon kaya wala pa po akong masyadong pahinga. Atat lang po talaga sila mama. Okay lang po ba? Hindi po ba kayo mabobored?" tanong ko habang nakatingin sa salamin na nakikita sya

"Naku okay na okay po Senyorita. Ayos lang po ako kahit walang kausap. Magpahinga na lang po kayo at medyo mahaba- haba pa ang byahe natin" nakangiting sagot nito kaya naman napanatag ang loob ko at umayos na ako nang higa dahil hindi ko na talaga kaya ang antok na nararamdaman ko.

*After 6 hours ***

"Mang Roy asan na si Aprhodite hindi ba sya sumama sayo. Talaga naman yung bata na yun. Dad ihanda mo yung sasakyan at tayo na ang susundo sa batang iyon" naririnig kong galit na sigaw ni Mama mula sa labas nang sasakyan kaya naman bumangon na ako mula sa pagkakahiga bago pa madagdagan ang galit nito

"Nathalia huminahon ka muna. Kasama ko si Aphrodite nakatulog lang sa sasakyan kaya hindi mo pa nakikita"

"Kaya nga Ma, masyado ka namang OA sa reaksyon mo" wika ko pagkatapos buksan ang pinto nang sasakyan para bumaba

"Ang prinsesa ko.." naluluhang saad nito bago humakbang para yakapin ako "...dalagang- dalaga na. Huhuhuhu"

"Dad.." wika ko para humingi nang tulong. Nginitian lang naman ako nito bago sumama sa yakapan namin ni mama

"Ang gaganda talaga nang mga prinsesa ko.." saad nito bago kami halikan sa magkabilang pisngi ni mama "...tama na nga ang iyakan Mi, tara na sa loob at malamang gutom na ang prinsesa natin mula sa byahe" anyaya ni Dad sabay akay samin ni mama papasok sa bahay

"Welcome home Senyorita" masayang wika nang mga manggagawa namin dito sa bahay at talagang nakalinya pa sila dito sa pintuan

"Salamat po" nakangiti kong sagot sa kanila bago tuluyang makapasok sa kusina

"Princess kumain ka nang madami. Mukhang namayat ka, nakikita ko na yang collarbone mo" saad nito bago lagyan nang kanin at iba't ibang putahe ang plato ko

"Ma, hindi ako payat sexy lang dba Dad"

"Oo naman princess. Halos hindi na nga kita makilala kanina eh. Akala ko may naligaw na model dito"

"Binobola mo na naman yang anak mo kaya hindi nagkakanobyo eh"

"Ma, bata pa po ako. Bawal pa akong magnobyo dba Dad. Sabi mo pwede na kapag 40 na ako. Hahahaha" wika ko sabay tawa

"Hay naku! Tama na nga yan. Ubusin mo na muna yang pagkain mo princess at ikaw naman Dad pumunta ka na sa opisina mo dahil madami ka pang tatapusin na mga papeles dba" taboy nito kay Dad

"Eto na po Mi aalis na nga. Welcome home my princess" wika ni Dad habang yakap ako "..mamaya na lang tayo mag-usap at nagseselos na ang mama mo satin. Hahaha" bulong nito bago kumalas sa yakap at lumabas nang kusina

"Ma si kuya po. Hindi nya ba alam na nakauwi ako" tanong ko habang patuloy sa pagsubo

"Alam nang kuya mo princess. May mahalaga lang syang inaasikaso kaya hindi sya nakasama sa pagwelcome sayo" sagot ni Mama. Naku! Kung alam mo lang yung ginawa ko sa kanya Ma baka makurot mo lang ako sa singit sayang naman yung kinis at puti nang singit ko kung kukurutin mo lang. Hahaha

"Ah. Ganun po ba. Kailan po sya uuwi dito" tanong ko bago uminom nang tubig

"Kung hindi bukas baka sa isang araw. Alam mo namang hindi ka matitiis nang kuya mo eh"

Psh. Di kayang tiisin eh mahigit isang linggo na nga nya akong natiis na hindi itext eh "Ah. I miss you Ma" lambing ko bago sya yakapin "..namiss mo ba ako Ma. Mmm"

"Miss na miss princess" ganti nito bago higpitan ang pagkakayakap nito sakin

"Ma panhik na ako sa kwarto ko. Magpapahinga lang po dahil wala pa po akong pahinga simula kahapon" mahinang saad ko bago kumalas sa pagkakayakap nito

"Oo naman princess. Magpahinga ka nang mabuti. Ipapatawag na lang kita sa dinner" sagot nito bago halikan ang sentido ko at umalis para pumunta sa opisina ni Dad.

Pagka-alis ni Mama ay umakyat na rin ako para puntahan ang kwarto ko. Pagkabukas ko pa lang nang pinto ay agad bumungad sakin ang mga librong naka-ayos mula sa shelves. Sinarado ko ang pinto at nilock matapos makita na wala naman silang ginalaw sa gamit ko maliban na lang sa malaking portrait ko sa gitna nang kama mukhang bagong palit yung larawan kasi eto yung kuha mula sa minsang pagbeach namin ni Arm na nakapula akong bra at nakashort- short nang itim. Hindi ko alam kung paano ako inaswang Arm that time at napilit nya akong magsuot nang ganyan at nasa beach pa kami eh hindi ko hilig lumabas.

Napangiti ako matapos balikan ang eksenang yun "Ahh! Namiss ko tuloy si Arm" wika ko bago ibagsak ang katawan sa kama "..pero mas namiss kita kama ko. Hahahaha" tawa ko bago umayos nang higa para magpahinga "...welcome home Aphrodite" bulong ko bago tangayin nang antok

The Untamed Quieano (Ampalaya Series #1) Where stories live. Discover now