Chapter 56

786 32 3
                                    

Stella p.o.v

"Stella!" And I saw the four girls, the girls that I locked in our dorm, I smile to them as I feel it's my time.

Third person p.o.v

Habang abala si Stella sa kanyang kausap, sinamantala naman ni Althea ang pagkakataon upang makuha ang kanyang sandata at kasabay ng pagsigaw ng Apat na babae ang pagdaplis ng sandata ni Althea kay Stella, sakanyang likuran.

"Stella!" Sigaw nila at napaiyak!

"Do something Arkin!" Umiiyak na sabi nila

"Fuck! Fuck! Fuck!" Arkin cursed as he tried to break the barrier

"Ahh!" Daing ni Stella ng sugatan nanaman siya ni Althea sa kanyang braso. Napahiyaw din sa sakit si Arkin na para bang nararamdaman niya nag sakit na nararamdaman ni Stella

Marami ng dugo ang nawawala kay Stella, at sa anumang oras ay maaari siyang mahimatay o mamatay.

"Beg and kneel and I'll spare your life, Prinsesa Ash" nakangising sabi ni Althea

"Hinding hindi ako magmamakaawa at luluhod sa katulad mo, Laura" sabi ni Stella at sinubukang tumayo gamit ang kanyang espada.

"Kagaya ng aming mga ninuno, mamamatay akong taas noong lumalaban nang hindi lumuluhod kanino man! Kaya't humanda ka Dahil lalaban ako ng lalaban para sa kabutihan. Ahhh!!" Sabi ni Stella at sumugod kay Althea

Kasabay ng pagliwanag ng paligid ang pag dapo ng bolang itim na may lason sa kanyang tiyan.

"Hindi!!" Sigaw ng mga taong nasa loob ng Combat Area at napasinghap nang makita nilang unti unting kumakalat ang lason na dala ng dark ball sa kanyang tiyan. 

At alam nilang walang nakakaligtas sa tinatawag na darkest poisonous ball. Lalo na't buntis ito. Kahit na siya pa ang pinaka malakas sa mundong ito. 

"No! No! No! I'm begging you Arkin! Please break the barrier please!" Pagmamakaawa ni Flame habang umiiyak at kulang nalang ay halikan na niya ang paa ni Arkin.

"I'm trying! Fuck! Fuck! Damn this barrier!" Sigaw ni Arkin at unti unti ng nababasag ang barrier. At tuluyan na siyang nanghina na para din may sumaksak sakanya kagaya ng kay Stella

"I can't lose her, Arkin. Please" hagulgol ni Flame habang nakaluhod na. Wala siyang magawa kundi ang tignan ang kalagayan ng kanyang pinakamamahal na Stella.

"Tandaan mo, Laura, ako pa rin ang tunay na prinsesa at mahal ng pinakamamahal mo" nakangising sabi ni Stella at hindi iniinda ang sandatang nakatarak sakanya.

"Bitch!" Sigaw ni Althea at hinugot ang kanyang sandata at iwinasiwas ang kanyang sandata sa leeg ni Stella. 

"Hindi!" Sigaw nila ulit at ang mga Royalties at nakaluhod na habang umiiyak. Sabay ng pagtumba ni Stella na siyang pagkabasag ng barrier. Dali daling tumakbo sila Flame.

"No! No! Please stay with me, Love" umiiyak na sabi ni Flame habang hawak hawak si Stella.

"T-tahan n-na, m-mahal k-o. Agghh" nanghihinang daing at sambit ni Stella

"Shhh! Wag ka ng mag salita, ok. Save your voice, love. The triplets are here to heal and save you" sabi ni Flame ngunit umiling lang si Stella na siyang nakapagpaiyak sakanilang lahat

THE LONG LOST PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon