Chapter 70

401 12 3
                                    

"Not so fast Princess, wala pa ang pinakahuli kong pasabog. Kung sa inaakala mo na ako lang ang kalaban mo nagkakamali ka. At nasisiguro kong mananalo ako-kami." Nakangising sabi ni King Laurus at kasabay nito ang paglitaw ng dalawang tao.

"Hindi ito maaari..." 

Bulong ni Al at tulad nito gulat na gulat din ang mga Light Users habang nakatingin a dalwang bagong dating na kailanman ay hindi nila inaakalang makikita. Napaatras sa takot ang mga Light Users.

"Hello Princess Althea Sapahire Hazel." 

"God Hades..." Hindi makapaniwalang sabi ni Stella.

"Ina..." Naluluhang sabi ni Cass habang tanaw tanaw ang kauna-unahang reyna ng mundong ito na si Cassandra o Cara.

"Maligayang pagdating Panginoon." Yumuko si King Laurus at ganon din ang mga Dark Users.

Si God Hades ang siyang dahilan kung bakit nagbalik sa buhay ang matagal nang mga patay at patuloy na nabubuhay dahil siya ang Panginoon ng underworld. At karamihan sa alagad ni King Laurus ay kagagawan ni God Hades. At siya rin ang dahilan kung bakit mas lumakas si King Laurus dahil sa ibinigay nitong maiitim na kapangyarihan.

"Anong ginawa mo sakaniya!?" Galit na sigaw ni Stella habang nakatingin kay Cara na naliligo sa dugo at sa sugat.

"Tinuruan ko lang siya ng leksyon dahil ayaw niya akong sundin." Nakangiting sagot ni God Hades.

"Walang hiya ka!" Iyak na sigaw ni Cass at aakmang susugod nang pigilan siya ni Stella.

"Come on little girl save your mama or else I will kill her." 

"N-no huwag kang l-lalapit anak." Nahihirapang sabi ni Cara. "Thank you, Al, for k-keeping my d-daughter safe."

"Cara..."

"The time is running little girl. Tik tak tik tak."

"Ililigtas kita Ina." Umiiyak na sabi ni Cass, inilingan naman siya ng kaniyang ina.

"M-massaya akong m-makita ka kahit sa h-huling pagkakataon, anak k-ko.  At patawarin mo ako kung iiwan kita agad. L-lagi mong tatandaan na mahal na mahal k-kita." Lumuluhang sabi ni Cara.

"Times up Little girl say bye to mama." God Hades said and drew his sword to the back of Cara and let it go and drew his sword again that made Cara fall down.

"HINDI!" Hagulgol na sigaw ni Cass habang nakatingin sa Inang nakahiga habang naliligo sa dugo.

"I love you, my Cassandra."

Malungkot na ngumiti si Cara at unti-unting pumikit at sa pagpikit nito ang pagtulo ng huling luha ni Cara. Napaluhod si Cass sa kakaiyak at sa panghihina habang nakatingin sa kaniyang ina na wala nang buhay. 

Sa malakas na pag-sabog unti-unting sumugod ang mga Dark Users kaya't hinanda ng mga Light Users ang kanilang mga sarili sa mga atake ng mga ito. Mabilis namang naglaho si Stella at agad agad na binuhat ang katawan ni Cara at ipinunta kay Cass na agad na yinakap ni Cass ang kaniyang Ina at humagulgol.

"Patawarin mo ako Ate Cass kung wala akong ginawa para mailigtas ang iyong Ina. Patawarin mo rin ako kung hindi ko natupad yung pangako ko sayo." Lumuluhang sabi ni Stella agad naman siyang yinakap ni Flame pinatahan.

"Stop crying, love." Ani ni Flame.

"Huwag kang mag-alala gagawin ko ang lahat para ipaghigati ang pagpaslang ni Hades sa iyong Ina Ate Cass. Gagawin ko ang lahat kahit kapalit pa nito ang buhay ko."

THE LONG LOST PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon