Chapter 64

833 23 13
                                    

Third Person p.o.v

"Kailan ba gigising si Alsaha?" Problemadong tanong ni Cara.

Dahil dalawang araw ng tulog si Alsaha simula nang kaniyang misyon. At isang linggo na ang nakalipas sa oras sa Moonlight World.

"Hindi din namin alam, Cara" Sagot ni God Zeus

"Paanong hindi niyo alam? Eh mga diyos at diyosa kayo!" 

"Cara!" Goddess Selene warn.

"Patawad po Gods Goddesses." Nakayukong paumanhin ni Cara.

"Tandaan mo Cara, mas nakakataas pa rin kami sayo. At hindi dahil nandito kayo ay kailangan na namin sabihin at ipaalam lahat sayo/sainyo." Sabi ni God Apollo

"Oo alam namin pero hindi namin dapat paki-alaman iyon dahil iyon ang batas, Cara." Sabi ni Goddess Aphrodite.

"Bawal maki-alam ang mga Diyos at Diyosa sa mga nangyayari sa inyong mga immortal." Sabi naman ni God Aries.

"Patawad po, nag-aalala lang ako dahil malapit na ang digmaan at kailangan niya pang maghanda lalo na't hindi niya pa gaanong kakontrol ang ibang kapangyarihan niya." Sabi ni Cara.

"Naiintindihan namin ang iyong pinupunto, Cara. Pero wala kaming magagawa dahil iyon ang batas, Cara." Sabi  ni God Poseidon.

"Atsaka nag-aalala rin ako baka magtaka ang kambal kung bakit isang linggo na sila doon at wala pa ang kanilang Ina, na ang usapan lang nila ay tatlong araw lan sila doon." Sabi pa ni Cara.

"Siguradong maiintindihan ng kambal iyon. Hintayin nalang natin magising si Alsaha." Sabi ni Goddess Hermes. Napatango nalang si Cara.

"Hmm" Rinig nilang ungol ni  Alsaha kaya't napatingin sila dito.

"Alsaha!" Sabay nilang sigaw lahat at lumaapit sa pinaghihigaan ni Alsaha.

"Gods Godesses." Sabi ni Alsaha at pilit na bumabangon. 

"Huwag mo munang piliting bumangon, Alsaha." Sabi ni Goddess Hera.

"B-bat ako nandito?" Tanong ni Alsaha.

"Dalawang araw kang tulog Alsaha, dahil sa itim na bolang may lason na naitama sayo ni Laurus." Sagot ni God Agni.

"Dalawang araw!?" 

"Oo, Cara. Dalawang araw kang tulog. Dahil na rin sa dami ng sugat at saksak na natamo mo." Sagot ni Goddess Pax.

"E di isang lingo nang nasa Moonlight Academy ang mga anak ko?" Tanong ulit ni Alsaha, tumango naman silang lahat.

"Magpahinga ka muna, Alsaha. Mamaya mo nalang silang sunduin kapag may lakas kana." Sabi ni Goddess Athena na kakadating lahat. 

Tumango nalang si Alsaha at humiga ulit.

"Ang hawla, Goddess Athena?" Tanong niya.

"Nasa isang kwarto, Alsaha." Sagot ni Goddess Athena na nakapagpahinga sa kanya ng maluwag.

"Gusto mo bang kumain, Alsaha?"  Tanong ni God Eros.

"Opo God Eros. Gutom na gutom na ang alaga kong dragon sa tiyan e." Biro ni Alsaha.



Saphira p.o.v

Hello po sainyong lahat! Ako po si Saphira Rale Liezel. Puwede niyo po akong tawaging Saphira basta huwag lang po ang Rale at Liezel dahil sila Mommy and Kuya lang ang puwedeng tumawag sa akin sa pangalan kong iyon. HIHIHI.

THE LONG LOST PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon