Kabanata 1: BUHAY.

113 15 12
                                    


SA LABAS ng sinasakyan ni Shen Mariel Ramos na van, maingay, mausok at puno ng kahit ano'ng uri ng sasakyan. Iyan ang karaniwang araw ni Shen pagkatapos niya lumabas sa ospital.

Hindi na niya nag-abala na alisin ang id sa leeg sa pagiging tutok sa pag-kontak niya sa kaniyang ama. Nakailang ring na yung selpon niya di-keypad pero walang sumasagot sa kabilang linya.

Hindi siya nawawalan ng pag-asa kahit maka-ilang beses niya i-dial ang numbero ng tatay niya.

Kahit naka-aircon ang buong van, ramdam niya ang banas sa katawan. Kahit hindi siya dumadais sa katabi, ramdam din niya ang langkit ng katawan niya. Naamoy din niya ang iba't-ibang baho ng katawan ng mga tao sa paligid.

Nakahinga siya ng maluwag nang sinagot na ang tawag niya.

[Hello, ate.] boses lalaki iyon, kapatid niya si Joseph ang sumagot sa selpon.

Inilipat niya ang cellphone sa kabilang tainga para di marinig ng katabi. Mabilis ang pakiramdam niya sa lahat ng bagay kahit sa tao. "Nasaan si tatay?" iyon ang bungad niya sa kapatid, mahina ang boses niya.

Narinig niya ang buntong-hininga ng kapatid. [Nasa kanto na. Iniwan niya ang selpon gawa nang may iniintay si nanay na tawag.]

Tumango si Shen. Kaya pala walang sumasagot sa tawag niya. Nagpaalam muna siya bago patayin ang tawag.

Tuwing lumalabas siya sa trabaho, lagi siya sinusundo ng kanyang ama sa kanto. Malayo ang kanto nila sa bahay. Maputik ang daan at pababa ang daanan papunta sa bahay nila.

Ang bawat bahay, dikit-dikit. Gawa sa bawat bahay, yero at kahoy kapag nagkasunog ay damay-damay ang lahat ng bahay.

Ang kaninang hindi gumagalaw na sasakyan ay umaandar na paunti-unti. Nawala ang ingay ng busina sa paligid naging normal muli at bumalik ulit sa lahat.

Bumaba siya sa kanto kung saan kikitain niya ang kanyang ama. Hindi siya nabigo sapagkat nandoon ang kanyang ama may ka-kwentuhan.

Malakas ang tawanan ng kumpare ng kanyang ama. Labis ang tawa nila sa pinaguusapan. Nang lumapit siya ay nag-mano agad siya.

Nagpaalam na ang kanyang ama sa kumpare at sabay na pumasok sa lumang kotse.

"Kamusta ang byahe, prinsesa ko?" nakatutok ang mata ng kanyang ama sa kalsada.

Masyadong lubak-lubak ang daan kaya kumakapit siya sa seatbelt. "Ganu'n pa rin po, itay. Laging traffic at laging rashhour." kwento niya habang nakabusangot ang mukha.

Sinulyapan nito ng isang beses ang anak bago binalik ang tingin sa kalsada. Biglang natawa si Robin ang pangalan ng kaniyang ama. "Papangit ka n'yan, ngiti ka na." pinapagaan nito ang loob ng anak.

Hindi niya matiis ang ama kaya sa wakas ngumiti din siya.

Ganu'n lagi ang takbo ng kanilang pag-uusap, may nagaganap na asaran, tawanan, kwentuhan, kamustahan at hindi mawawala ang ngiti sa kanilang mukha.

Nakauwi na sila. Sinalubong siya ng kanyang ina na nagwawalis sa harapan ng bahay kakatapos lang niya na magluto ng gabihan. Nag-hain ng pagkain si Aling Rosa, ang ina nina Joseph at Shen. Sabay-sabay silang dumalo sa hapag. Nagkwento at tawanan napuno ang gabi nila.

Ginawa din nila ang gawain bahay bago pumunta sa kanilang kwarto. Nag-aaral si Joseph sa study table samantala si Shen, binabasa ang libro tungkol sa medisina.

Kinabukasan, maagang gumayak si Shen. Nag-almusal siya muna bago magpahatid sa hospital.

Nagbihis muna siya bago pumunta sa nurse station. Inilapitan niya ang nurse desk saka iniisa-isa niya check ang record sa bawat clip.

12:50 half hour, Nurse✅Where stories live. Discover now