Kabanata 8: ORAS.

23 7 1
                                    

TINAGILID ni Shen Mariel Ramos ang ulo. Sinusuri niya ng maigi ang mukha ni Isabela. Ang nasa katawan ni Ava ay si Shen.

“Sana naiintindihan mo ang ibig kong sabihin.” matunog siya tumawa ng mahina. “kapatid. .”

“Sabagay, kapatid kasi lahat ng pinupunto mo may kakaturan din.” ginawa ni Isabela ang tawa ni Shen. “Alam mo ba ang kasabihan na masarap ang bawal.”

Natigilan siya, hindi makapaniwala.

“saka alalahanin mo nagiging maganda ang takbo ng relasyon kapag bawal talaga.”

Hindi pinahalata ni Shen na galit ang mukha sa halip taas-noo siya tinignan ang babae. “Masarap nga. Hindi nasasarapan ang isang tao kung may asawa na talaga. Alam mo ba na ginagamit ng lalaki ang isang babae para makuha nila ang gusto nila. Sayang lamang ay laspag na kapag iniwan na.”

“saka isipin mo na lang na pampalipas ka lamang ng oras kapag hindi binigay ang gusto ng mga asawa katulad ko. Sa huli babalik pa rin ang mga asawa sa tunay na nagmamay-ari.” umiling si Shen.

“Sa sinabi mo kanina parang gugustuhin mo na bumalik ang asawa mo sa kabit niya.”

“Mas gugustuhin ko kapag kailangan nila ang kabit nila. Sa gayong makukuha nila lamang ang gusto ngunit hindi nila mahal ng asawa ko. Alam mo ba kung sino magiging magdudurusa?”

Nanahimik si Isabela habang ngumingiti si Shen. Ngiti na wagi siya. “Ang sumpling. Lagi naman ang sumpling ang maiiwan at gagamitin ng kabit sa asawa ko.”

Pumasok si Donya Imelda na nagpatingin ang dalawang babae. Nasa likod ng donya ang dalawang kasambahay.

“Tila seryoso ang pinag-uusapan ninyo at hindi kayo makangiti. Isabela, binalikan mo na ba ang pinag-aralan mo kanina? Pawang may gana ka pa makipag-usap ngayon.” istriktang puna ng donya habang abot-abot ang taas ng isang kilay.

Yumuko si Isabela. “Ina, natatan-----”

Winagaywag ng donya ang abanico para patapusin ang pagsasalita ni Isabela. “Mas maigi pa ang magpursige na mag-aral kahit natatandaan. Baka hindi mo makakalimutan na makakalimutan ka kahit bata ka pa.”

“Ina. .” lumapit si Shen sa donya. Niyapos niya patalikod ang donya. “Naging maganda ang resulta ng pagsusulit ko kanina.”

Sinulyapan ng donya ang anak gamit ang masungit at supladang mukha. “Tingnan mo ang nagiging resulta kapag nag-aaral ng mabuti.”

“Saka ina, maraming nagkopyahan sa'min tapos nahuli dahil sa maling ginawa kaya ina, samahan mo ako.”

Masama ang tingin ni donya Imelda kay Isabela habang nakayuko pa rin si Isabela. “Sinasabi ko sa'yo k---saan ba kita sasamahan parang madaling-madali ka?”

Pinilit ni Shen na ilayo ang donya kay Isabela. Kahit nakayapos siya sa donya ay nagagawa pa rin nila maglakad ng maayos.

“Maghudos dili ka nga!” saway ng donya ngunit tumatawa na.

Pinapanood ni Isabela na pumasok sa kusina ang dalawa.

“Tikman mo po ang niluto ko.” masayang saad niya.

Tumabi ang isang kasambahay sa lutuan. Ginagawa ang lutuan nila; magkabilang gilid ang kahoy sa gitna ang uling na may apoy na. Pinagdadaluyan ng usok sa bintana tabi ng lutuan lamang.

Kumuha ng malinis na basahan ang donya tapos binuksan ang kaserola. Mainit, Umusok at masarap ang amoy ng ulam nang bumungad sa donya.

“Mukhang may bagong resipe ka naman.” minumundra ng donya ang amoy ng ulam para maigi malanghap ng donya.

12:50 half hour, Nurse✅Onde histórias criam vida. Descubra agora