kabanata 18: Kapatawaran

12 2 0
                                    

Tumigil si Shen sa counter, nasa nurse station siya. Hindi niya maipaliwanag ang dahilan kung bakit umikot ang mundo niya. Naramdaman siya ng hilo. Mabibigat ang talukap ng mga mata niya.

Maraming kapwang nurse niya ang umaalalay. Hindi niya kilala ang hinahawakan niyang sumuporta sa nanlalambot niyang tuhod. Nawawalan na din siya ng hangin sa dibdib. Unti-unti niyang kinapa ang dibdib hanggang mahawakan niya.

“Whats happen?” nagaalala tanong ni Lim. Hinawi nito ang mga tao sa paligid. Hinawakan nito ang braso ni Shen.

“Please, tawagin ninyo si Matthew!” saad niya na nahihirapan.

Dumaan ang lungkot at sakit sa mga mata ni Lim. “But I'm here for you.” hindi niya alam kung sino ang papakinggan ang nasasaktan nitong sarili o ang taong mahal niya na kailangan ng iba.

Umiling si Shen. Maya-maya, narinig niya ang bulungan mga tao. Biglang nahawi ang mga tao sa paligid. Dumaan sa gitna si Matthew. Tumabi ng kusa si Lim para padaanin.

Tumulo ang pawis ni Shen nang tuluyang nakahawak si Matthew.

“Shen!”

Sa isang iglap nawalan na siya ng malay. Lahat ng itim ang paningin niya. Bumukas ang mga mata ni Shen nang makita ang papalayong bulto ni Celina kasama ang guwardiya.

Tinitigan ni Shen ang donya na nagpapanggap na umiyak. “Sinira mo ang pamilya ni Celina.” pahayag niya.

Mabilis bumaling ang tingin ng donya, nanlilisik ang mga mata. “Anong sabi mo?” asik ng donya.

Nagmartsa si donya Imelda na magtungo sa pwesto ni Shen. Patalikod hinablot ni donya Imelda ang braso niya.

“Alam mo ang ibig sabihin ko. Kaya pala wala akong naramdaman kahit kaunting pagmamahal at dugo sa tatay ko ngayon sapagka't hindi ko naman siya tatay. Iba-iba ang tatay namin ni ate Rosa.”

Natigilan si Donya Imelda. “Paanong. . .”

“Kaya ka galit na galit kay tatay Basco sapagkat hindi kayo maaring magka-anak dahil. . .” umiling siya. “baog ang tatay ko. Pinalabas mo lamang na anak niya kami para walang masabi ang mga taong-bayan.”

Tumulo ang luha ni doñ basco sa hamba ng pintuan samantala tulala lamang si donya Imelda. Nagsimula na mag-ingay ang mga tao sa paligid.

“Nahuli kita, mama may ibang lalaki. . .”

“Manahimik ka.” mahinahon aniya.

“Mama, kailangan mo ba dumihan ang pamilya--”

“Manahimik ka, sabi ko!” sigaw niya.

Kita sa mukha ni Shen na bigla. Nagkatinginan sila nang umiyak si Phoemela Amari Samillano sa bisig ni Diego.

“Anak. . .” humikbing tawag ni Shen.

“Apo. . .” bumalik ang mahinahon boses ni donya Imelda. Tumingin siya kay Shen. Nagtangka pa siya hawakan si Shen pero umiling siya.

Pinuntahan ni Shen ang sanggol na umiyak. Tahimik na binigay ni Diego ang bata kay Shen.

Nakangiting umiiyak si Shen. “Napatawad ko na ang iyong ina.” magkasabay sambit nina Shen at Ava. Inaalalayan ni Diego ang kaniyang mag-ina na pumasok sa kalesa.

Nabitin ang sasabihin ni donya Imelda nang lumingon si Diego sa kanila. Hindi nila mabasa ang emosyon nito. “Masyado po napagod ang mag-ina ko kaya magpapahinga muna kami.”

Tuluyan na pumasok si Diego sa kalesa. Pinapanood nila umalis ang kalesa.

“Ihanda ninyo ang kalesa.” utos ni Rosa.

Nangingilid ang luha ni donya Imelda. “Pati pa naman ikaw. . .”

“Makipaghiwalay ka sa lalaking iyan. Ipagwalang-bahala bisa mo ang kasal ninyong dalawa kundi maghihiwalay na ang ating landas.”

Kumaripas siya ng lakad at pumasok sa kalesa. Tumalikod ang doñ Basco kay donya Imelda.

“Itigil na natin ang paglalaro natin. Tama ang sinabi ng mga anak mo, maghiwalay na tayo.”

Umiling-iling siya. Gumapang siya sa lupa at niyakap ang isang binti ng don. “Parang awa muna, pakiusap wag mo gawin sa'kin ‘to.”

“Ako din ang nagmamakaawa sa'yo, hindi ko na kaya sikmurain ang lahat ng 'to.” winisik nito ang kanyang binti hanggang matagal sa pagkakahawak niya. Naglakad si doñ Basco papasok sa bahay.

Hinawakan ng mahigpit ang bestida. Bumuga siya ng mariin. Ilang segundo niya pinakalma ang sarili bago sabihin ang katagang iyon. “Mahal kita!”

Tumigil si don Basco. Malungkot na umiling si don Basco. “Mahal mo lang ang kayamanan ko, iyon ang totoo.” malamig aniya. Tuloy-tuloy naglakad paalis hanggang mawala sa paningin niya.

Panay ang pag-iinarte ni donya Imelda habang umiiyak panay ang pagkukumbaba sa sarili na balikan siya. Wala siyang pakielam kung maraming tumitingin na tao.

Binigay ni Shen ang sanggol kay Diego nang nakatulog na si Phoemela Amari Samillano. Sa pagiintay niya ng mahabang byahe, nakatulog siya sa balikat ni Diego.

“Maghihintay kami sa iyong pag-gising muli.” narinig ni Shen ang huling sinabi ni Diego.

Minulat ni Shen ang mga mata. Tumitig siya sa nag-aalala mukha ng tao sa harapan niya hanggang luminaw at makita ng husto kung sino ang lalaking nasa harapan niya.

“Matthew. . .” emosyonal niya tinawag ang pangalan ng dating nobyo. Lahat ng alaala bumalik lahat. Lahat ng pagmamahal sa puso niya ay bumalik muli umpisa. Tumibok na muli para sa isang tao.

Marahan hinawakan ni Matthew ang kamay ni Shen. “Hmm. . .” tugon nito, pinigilan maging emosyonal din. “Alam ko hindi ka pa handa sa lahat ng 'to pero gusto ko lamang malaman mo na. . .”

Dahan-dahan si Matthew lumuhod sa gilid ng hospital bed niya. Napatakip ng bibig si Shen nang nilabas ni Matthew ang makintab na singsing nasa pulang kahon.

“mahal na mahal kita. Handa ako gawin sayo. Kaya ko pagsilbihan ka kahit lumuhod pa.”

Nagtawanan ang mga nanonood sa kanila kaya kahit lumuluha si Shen ay natatawa din siya.

“Anong klaseng luhod iyan?” malaswang tanong ng isang doctor sa kanila.

Kasing pula ng kamatis ang tainga pababa ng leeg nito. “Alam na ninyo iyan. Kaya ko din pasayahin siya kahit saang anumang paraan pa.”

Tumawa muli ang audience na nanood.

Umupo si Shen sa kama. “Matthew. . .”

Napalunok si Matthew kung gaano kaseryoso ang mukha niya.

“Matagal na kita napatawad sa lahat ng ginagawa mo. .”

“Napatuwad ba?” tanong ng isang pasyente na matandang babae.

Nagtawanan silang lahat pati si Shen.

“Mahal kita kahit ang hirap-hirap kong mahalin.” tumulo muli ang luha niya.

“Thank you for giving me the forgiveness even it's too hard.”

“I know the happened behind that night. May nilagay siyang sleeping pills sa inumin mo. Si Lim na ang nagsabi sa'kin n'yan. Dapat nga ako ang patawarin mo sa kawalang tiwala sa'yo.” tumawa siya kahit umiiyak.

“Ikaw lamang ang paghahawakan ko kaya hindi ako mapapagod na magpaliwanag sa'yo. Kaya mas gugustuhin ko samahan ka habang buhay at sa hirap man o ginhawa, sa sakit o sa kalusugan.”

“Pagpakasal na tayo kung ganu'n.” tapos ngumiti siya ng matamis, totoong ngiti ang pinakita niya at walang halong pag-aalinlangan.

Dahan-dahan nito pinadusdos ang singsing sa daliri ni Shen. Tumayo si Matthew. Tumingala si Shen. May pag-iingat na dinampian ng halik ni Matthew ang noo ni Shen na nagpapikit kay Shen.

Ramdam nila ang kasiyahan sa puso. Nawala ang galit niya napalitan ng saya at tuwa.

Nagyakapan silang dalawa habang patuloy na nagpalakpakan ang mga tao.

12:50 half hour, Nurse✅Where stories live. Discover now