kabanata 13: HALIK

23 2 0
                                    

Nakalipas ang isang taon, naging maganda ang takbo ng relasyon nina Diego at Ava. Malimit lamang makita ni Ava ang asawa ngunit lahat ng ginagawa ni Diego ay sinasabi nito kung kailan mawawala at kung ano ang aayusin.

Hindi man lang nakaramdam ng kaba nang umapak ang paa ni Ava sa lupa ni Isabel. Naisipan lamang ni Ava na bisitahin ang kaniyang kapatid.

Narinig niya ang isang tinig na kumakanta para sa sanggol nasa sinapupunan. Marahan ang paglalakad niya hanggang makarating sa tapat ng pinto.

Nakita ni Ava ang kapatid niya nakatayo sa harap ng bintana habang hinihimas ang tyan at kumakanta.

“Kabuwanan na ng aking anak bukas.” sambit ni Ava sa kawalan.

Napalingon si Isabela sa kapatid. “Ava.” gumuhit ang takot sa mukha.

“Hindi pa natirik ang araw, nandito na si ina at ama upang gabayan ka sa panganganak. Kukuha sila ng magaling na kumandruna. Iluluwas nila ang sanggol at dadalhin sa'kin. Iyan ang kapurusan mo sa pagiging mapusok mo sa aking asawa.”

Hindi pa rin nakakalimutan niya ang lahat ng ginawa ng kanyang kapatid habang nagdudurusa na makapiling ang asawa.

“Baka pwede may ibang paraan pa?” hindi makatingin si Isabel sa kapatid.

Pumasok siya sa loob ng bahay. Pinasadahan niya ang bawat parte at gamit ng bahay.

“Paraan pa? Noong nahihirapan ako makamtan ang kaligayahan ko sa magiging asawa ko, hindi mo ba ako naisip habang nagpapakasarap ka sa kandungan ng asawa mo! Sa tingin mo, gugustuhin ko pa makinig sa iyong kasinungalingan sa lahat ng ginawa mo. Kaya gusto kitang balaan ngayon na ang paghihirap at sakripisyo ay mararamdaman mo habang wala sa piling mo ang iyong anak.”

Tumulo ang luha ni Isabel. “Parang awa mo na. Pinagsisisihan ko ang ginawa ko. Gagawin ko ang lahat upang maging mabuting ina sa aking anak.”

Totoo ang sinabi ni Isabel, walang araw na hindi siya nanalangin at nagdurusa sa tuwing mararamdaman niya ang kanyang anak na sumisipa sa loob ng sinapupunan niya. Gusto man niya ibalik ang panahon noong mapusok siya.

Napatawa lamang si Ava. “Hindi ka magiging mabuting ina kung ang magiging anak mo din ang sisira sa'yo.”

Iniwan ni Ava si Isabel na lumuluha at paulit-ulit na tinatawag ang kanyang pangalan. Nagmamakaawa ni Isabel baguhin ang isip ni Ava.

Naging matigas na ang puso ni Ava simula nang nalaman niya ang pag-traytor.

Dumiretso agad si Ava sa bahay nang makarating sa lugar. Nadatnan niya si Diego na nag-iimpake ng damit at inilalagay sa tampipi.

“Ava, kailan mo ba titigilan ang paghihiganti mo sa kapa---”

“Hanggang mapagod ako at mawalan ng pake sa lahat ng tao. Sa bandang huli, hindi ko iisipin naging matigas ako sa lahat.” aniya. Dinidiinan niya ang bawat pagtagis ng salita.

Damang-dama niya ang bilis ng pintig ng puso.

“Kung ganu'n hindi mo na ako ka---”

Humakbang si Ava, malamlam ang mga mata kung makatingin. “Kailangan kita sa tabi ko. Hindi ka pwede mawala.”

Inabot niya ang kwelyo ng damit ng asawa. Pinapanood ni Diego ang kaniyang asawa sa ginagawa. Walang nakakaligtas sa paningin nito.

“Sapat na nandito ka sa'kin upang tawagin na akin ka umpisa pa lang.”

Inabot niya ang labi ni Diego. Dahan-dahan niya pinagapang ang kamay patungo sa leeg nito para ipulupot.

Sa una, nabigla ang katawan ni Diego hanggang inumpisahan nito pagalawin ang labi. Nanlalaban ang kanilang mga labi. Bumaba ang kamay ni Diego sa bewang ni Ava.

Ramdam na ramdam din ni Diego ang galit na ginagawad ni Ava.

Sa makabagong panahon, hindi maalis ni Shen ang masamang tingin kay Matthew.

“Hold me tightly.” paulit-ulit paalala nito kay Shen pero di pa rin natinag.

Bumaba ang tingin ni Matthew sa babaeng matigas ang ekspresyon at diretso ang tingin sa unahan.

Napatitig si Matthew sa mapula at tikom na tikom na labi ni Shen. Napalunok na lamang si Matthew sa iniisip. Bumaba ang mukha ni Matthew upang magtangka na dampian ng halik si Shen.

Isang sampal ang ginagawad ni Shen sa labi ni Matthew. Naunahan ni Shen ang binabalak ni Matthew.

Mabilis niya inaatras ang siko sa dibdib ni Matthew ginamitan ng pwersa kaya nakawala si Shen sa bisig nito.

Ngumuwi si Matthew sa sakit ng pagsiko niya. “How can you that!?” maktol nito.

“Marami ka pang hindi alam sa'kin.” tinaas niya ang dalawa kamao. Sinadya niya hindi matamaan ang mukha nito. Umikot siya at sinalubong niya ng siko upang gamitin sa panlaban.

Bawat galaw niya may buong pwersa. Rinig na ni Matthew ang paggalaw ni Shen. Mabilis nahagip ni Matthew ang dalawang braso ni Shen. Ganu'n kadali nito pinatalikod si Shen. Nakayakap si Matthew sa likod niya.

“This is your called the upper backspin ellbow strike.” bulong nito.

Naramdaman ng inis si Shen sa inaasta ni Matthew. Sa paggalaw pa lang ni Shen. Nahulaan pa nito ang susunod na gagawin ni Shen.

Inilag ni Matthew ang katawan palayo sa pagsipa ni Shen patalikod ngunit nakahawak pa rin si Matthew kay Shen. Nakayakap naman ngayon si Matthew kay Shen paharap.

Umalpas ang tikwas na buhok ni Shen. Marahan siya bumuga sa hangin, nauubos na ang natitirang pasensya.

Sa isang iglap, inuntog ni Shen ang ulo sa noo ni Matthew. Napaatras si Matthew hanggang nabitawan si Shen.

“This is called trick.” inaayos ni Shen ang damit.

Hawak nito ang ulo at nakangiti pa tila nasisiyahan. Nagmadali siyang umalis sa harapan nito.

“Nice choice practice.” ngumisi si Matthew. Ang ekspresyon nito mukhang naaliw pa.

Marami hindi alam si Matthew sa dating kasintahan ngunit natutuwa si Matthew dahil marunong na lumaban at naging palaban na din.

Lumakad si Matthew kung saan dumaraan si Shen. Baka sakaling maabutan pa nito ang dating kasintahan.

Gustong-gusto nito ipaliwanag ang nagyari ng nakaraan pero hindi nabibigyan si Matthew ng pagkakataon upang mailahad ang katotohanan. Hanggang ngayon gumagawa pa rin ng pagkakataon si Matthew mapalapit kay Shen.

Ramdam ni Matthew ang pagiging mailap kapag kasama nito si Leah. Iisipin nito na nagseselos si Shen pero hindi, e. Iba ang pinapakita ni Shen kay Matthew kaya iba ang iisipin nito.

Nadatnan nito nakatayo sina Moira George Estregan at Leah na seryosong nag-uusap.

Tumigil lamang sila sa palitan ng salita nang dumaan si Matthew sa likod ni Leah.

“Kuya, I saw Shen early in the room of Lim.” sumbong ni Moira sa kapatid.

Tila baliwala lamang kay Matthew ang narinig at nagagawa nito maging kampante sa pag-upo.

“So. . .” nilapag nito ang white gown sa likod sa upuan.

Nagkatinginan ang dalawang babae sabay buntong-hininga.

“He no---” naputol ang gusto sabihin ni Leah nang bumukas ang pinto.

Iniluwal nun si Shen. “Panindigan mo ako.” kaswal ang pagkasabi niya.

Nalaglag ang panga nina Leah at Moira samantala napatayo si Matthew.

Nangingilid ang luha ni Matthew. Malamlam ang pagtingin nito kay Shen. Tutok na tutok ang paningin nito tila walang tao ang kasama tanging si Shen lamang.

Umigting ang panga nito. Binasa ang ibabang labi saka dahan-dahang bumuka ang bibig.

“Araw-araw kita panindigan.” saad nito.

12:50 half hour, Nurse✅Where stories live. Discover now