The Plan to seduce him back

52.2K 620 14
                                    

Nagdaan ang mga aaw at malamig pa sa bangkay ang pakikitungo sa akin ni Aiden. Bakit nga ba hindi ko siya maiwanan?

Patuloy pa din ang buhay ko. Nagduduty, umuuwi ng bahay at pinagsisilbihan si Aiden. Minsan pinipilit kong umiyak kapag hindi siya umuuwi o inuumaga siya ng uwi pero wala nang luhang gustong tumulo sa mata ko.

"Ate bakit kasi hindi mo nalang siya iwan? Kota ka na oh?" Si Joy ang nagsalita nung natutulala na naman ako. Magkasama kami ngayon na kumain sa labas kasama yung isa pa naming bestfriend na si Dimple. Alam nila ang mga nangyayari sa buhay ko lalo na sa problema ko kay Aiden.

"Michaela Fuentes, it's his lost. Kaya iwan mo na. Binigyan mo na siya ng chance tapos hindi ka pa aalis. Ano namang kamarteran yan." Pinandidilatan ako ni Dimple.

"Dimple, hindi ko pwedeng gawin yun. Kasal kami." Nangingilid na naman yung luha sa mata ko.

"Alam mo naman na ikaw lang ang iniisip namin. Diba? Alam na ba ng mga magulang mo ang tungkol sa nangyayari sa inyo?" Hinawakan na ni Dimple yung kamay ko.

"Hindi ko kayang sabihin sa kanila." Natuloy ng pumatak yung mga luha ko. "Ayaw ko ng madagdag pa ako sa iniisip nila. Dahil din ipinangako ko sa kanila na hindi kami maghihiwalay ni Aiden kahit na anong mangyari." Nasalo nalang ng mga kamay ko ang mukha ko pagkatapos kong sabihin yun.

"Tahan kana ate. Wag kana umiyak. Nandito naman kami ni Dimple eh." Inaalo na ako ni Joy at ni Dimple. Pero hindi ko mapaliwanag sa sarili ko kung bakit ganito nalang ako nasasaktan dahil akala ko wala na akong luha.

"Sabihin niyo nga sa akin--- may nagawa ba akong hindi maganda? Naging masama ba akong tao? May natapakan ba akong tao nuon kaya ko nararanasan ang ganito?" Tuloy parin sa pagluha ang mga mata ko.

"Ate, wala kang ginawang mali. Hindi mo kasalanan kung bakit siya nagloko at lalong lalo ng hindi ka masamang tao. Wag mong iisipin na naging masama ka sa kahit na sino. Dahil kung hindi ka mabuting tao, malamang matagal mo na pinutol yang t*ti ng asawa mo saka pinakain sa aso. Pero nagpapakatatag ka pa rin at sinusubukan mo parin na maayos ang relasyon niyo. Kaya tahan kana." Halos yakapin na nila akong dalawa. Kahit papaano natutuwa ako dahil kasama ko silang dalawa ngayon.

"Salamat sa inyong dalawa ah?" Medyo nabawasan na ang pag-iyak ko pero napapahikbi pa rin ako.

"Pero teka lang Mica, tanong ko lang kelan pa ba kayo huling nagsex ng asawa mo?" Tinanong ako ni Dimple.

Napatingin ako sa kanya at inisip ng mabuti kung kelan nga ba?.

"Masyado ng matagal, hindi ko na maalala." Namumugto na ang mga mata ko at namumula na rin ako. Buti nalang medyo nasa gilid kami kaya konti lang ang taong nasa paligid namin.

"Bakit kasi hindi mo itry na iseduce siya? Magoakaputa ka naman kasi. Napakahinhin mo pa rin kasi at wala pa kayong anak manang ka pa sa 40 years old." Sunod na sunod na sabi ni Dimple.

"Pol, alam mo naman si ate hindi naman talaga mahilig magpasexy yan kahit nuon pa, pero tignan mo naman nadadala ng mukha niya." Buti nalang nandito si Joy dahil pinagtatanggol niya ako.

"Joy... hindi yun ang point ko. Baka naman kasi hindi ka na nag-aayos kaya hindi na nalilibugan yung asawa mo sayo." Medyo nangingiting sinabi ni Dimple.

"Alam mo naman siguro ang trabaho natin diba? Hindi fix ang schedule natin at minsan sobrang pagod na para makapag-ayos ng sarili." Pangangatwiran ko sa kanya.

"Abay naks! Hindi naman yun ang point. Ang akin lang hindi ka naman palaging magsusuot ng damit puta diba? Ang sinasabi ko, yung parang paminsan minsan lang. Ones a week. O kaya kahit weekend na andyan siya o kaya kapag off mo. Para naman hindi na maghanap sa iba yang asawa mo."

Halos napapaisip ako sa sinabi ni Dimple. Tama nga naman siya eh. Ano naman nga ang masama kung gawin ko yun. Tutal asawa ko naman siya. Kaya pagkatapos namin kumain tumuloy kami sa mall at sa isang boutique na nagbebenta ng mga lingerie. Pumili ng isa sila Dimple at Joy, isang pink na panty at bra na puro lace. Maganda naman kaya hindi na ako nag-isip na hindi bilhin. Kung para naman sa asawa ko bakit hindi.

Pagkauwi ko, 7:48pm sa relo ko. Alam kong malapit na siyang umuwi kaya mabilis din akong nagshower saka isinuot yung binili naming lingerie. Pagtingin ko sa salamin kitang kita yung maliit kong bewang at medyo malusog kong dibdib. Sexy nga, sana magustuhan ni Aiden toh kahit hindi ako komportable sa suot ko. Kaya pinatungan ko ng medyo maluwang na puting t-shirt.

8:30pm

Nakahiga na ako sa kama nung narinig ko yung pinuan namin sa sala na bumukas. Nandito na siya. Masusubukan ko kung uubra nga itong gagawin ko.

Pagkapasok niya ng kwarto namin nilapitan ko siya. Napatingin lang siya sa akin na parang nagtataka kung anong ginagawa ko.

"Hi honey. Long day?" Ngumiti ako sa kanya sabay hinatak yung nakasuot parin niyang necktie. Niluwagan ko yun habang susubukan ko siyang halikan. Pero umiwas siya.

Medyo nasaktan ang pride ko, pero nandito na ako kaylangan ko ng magcommit. Kaya dahan dahan ko nalang tinanggal ang pagkakabitones ng polo niya. Pero.... hinawakan niya ang kamay ko na parang pinapahinto ako.

"Why?" Halos hangin nalang ang kumawala sa labi ko nung tinanong ko sa kanya yun.

"Pagod ako. Ano ba kasing ginagawa mo?" Napahiya ako, kahit dalawa lang kaming nandito sa kwarto. Tumingin ako sa mukha niya pero hindi niya ako matignan.

"Matulog kana. Diba pang-umaga ka pa bukas? Magbibihis lang ako at matutulog na rin." Naglakad siya papuntang banyo namin at saka sinara ang pintuan.

I've never been so humiliated in my entire life.

Kahit na gusto kong umiyak at magwala sa galit. Kinuha ko nalang ang unan ko at nagdesisyon na sa kabilang kwarto nalang matulog.

--------

╯ 3╰

I'm my husband's MISTRESS (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon