Please... No

39.2K 469 20
                                    

——

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

——


Ilan lang yan sa mga message ni Aiden para kay Natalie, na hindi naman tunay. Ang hindi niya alam ang asawa niya ang nakakabasa ng mga iyon. It has been 2 weeks since nangyari ang pag-amin ni Aiden kay Natalie na minahal na niya ito kahit pa nni ito lubusang kilala. Dalawang linggo na rin ang nakaraan nung last encouter namin ni Aaron. I can still the pain, the pain and the realization he is my one who got away. Pero hindi naman tamang gantihan ko si Aiden ng isa pang kasalanan.


Linggo ngayon at sakto naman na wala akong pasok. Pagkalabas ko ng kwarto ko nakita ko si Aiden sa lamesa na nagbabasa ng dyaryo. Siguro binigay na rin ng pagkakataon na mangyari ito para naman makapag-usap kami.


"Good morning." saka ko siya nginitian, napalingon naman siya sa akin kaya medyo nabigyan ako ng pag-asa na merong pagkakataon na magkakausap kami.


"Good Morning." sinagot niya sa akin, parang hindi ako makapaniwala dahil binati niya ako. Kaya lalong napalaki yung ngiti ko. Napansin ko na tasa lang ng kape ang nasa harapan niya. Kaya naisip ko na ipagluto ko siya, dumiretso agad ako sa kusina para makapaghanda na. Matagal na nung last kaming kumain na magkasama.


May mga binabalatan na akong mga patatas para magawa ako ng hashbrown at nilabas ko na rin yung bacon and mga itlog.


"What are you doing?" Napalingon ako sa may likuran ko at nandun nakatayo si Aiden.


"Ano- Nagluluto ako ng almusal natin. Nagkape ka lang diba?" Bahagya siyang lumapit sa akin at tumingin lang siya sa akin, hindi ko alam pero nahihiya ako sa harap niya.


"Bakit Aiden? Meron bang dumi yung mukha ko?" Medyo pinunaspunasan ko pa yung pisngi ko para kunyari na may tinatanggal ako sa mukha ko.


"Wala naman, it has been a while." Bigla niyang sinabi makalipas ang ilang segundo. Saka siya ngumiti sa akin.


"Huh?" Medyo hindi ko siya naintindihan.


"Wala... Matagal pa ba yan?" He stepped backwards and leaned in sa dining table namin. "Medyo nagugutom na nga ako." DInagdag niya.


"H-hindi. mabilis lang toh. sige na maupo ka na." Saka ko siya tinalikuran para ituloy ko na yung ginagawa ko. Hindi ko alam pero bumilis yung tibok ng puso ko. Medyo natutuwa ako dahil baka ito na yung hinihintay kong pagkakataon na magreconnect kaming dalawa.

I'm my husband's MISTRESS (completed)Where stories live. Discover now