Let's bring the past back

42.3K 482 6
                                    

"Tulala lang teh?" Tinapik ako ni Mina, yung kaduty ko naman ngayon sa Emergency Room. Hindi ko namalayan na natutulala na naman ako. 

"H-ha? Ano yun?" Bigla ko nalang sa kanya sinabi. 

"Kanina ka pa kasi lutang, ito na yung prescription ni doc, ibigay nalang natin dun sa bed 4. oh gusto mo ako na? Parang wala ka kasi sa sarili mo eh." Nag-aalalang sinabi niya. Papasalamat nalang ako dahil siya kasama ko dito  ngayon dahil bukod sa mabait si Mina halos kavibe ko siya.

"Sis, pasensya ka na. May iniisip lang ako. Okay lang ba ikaw na bahala dun? Hindi ko rin kasi naintindihan yung sinabi kanina ni Doc eh." nahihiya man ako sa kanya, kaylangan kong unahin ang kapakanan nung pasyente namin. Baka kung ano pa masabi ko.

"Okay lang sis, basta be attentive naman baka kung anong mangyari sige ka." Kaya ngumiti nalang ako sa kanya at tumango tango habang papunta siya dun sa pasyente. Sabay lapit naman sa akin ni Doc Arthur Dela Cruz, isa sa mga resident doctor dito. Kalog siya at isa sa mga kasundo kong doktor.

"Line na natin yung patient sa bed 2, PNSS 1 liter tapos regulate mo for 8 hours." sabay sulat sa papel na hawak niya.

Narinig ko naman yung sinabi niya pero hindi ako nagsalita, pakiramdam ko lutang pa rin ako.

"Mika! Okay ka lang ba? kanina ka pa tulala." sinabi sa akin ni dok, tumigil na rin siya sa pagsusulat.

"Ha? Dok ok lang naman po ako. sige po start ko na sa bed 2." sinabi ko sa kanya.

"Naku dok kanina pa lutang yan. ayaw lang aminin." sabat naman ni Mina nakabalik na pala siya hindi ko pa namalayan.

"Mika, ano man yan iwan sa bahay yan. wag mo dadalhin dito dahil panigurado maapektuhan pati yung mga patients mo." nagsulat na siya ulit. Kaya napabuntong hininga nalang ako.

"Mina kunin mo na yung gagawin ni Mika, pabababain ko nalang si Sam wala naman silang ginagawa dun sa itaas. Pauuwiin ko na itong si Mika, 1 hour nalang naman. kakausapin ko na rin ang supervisor niyo tungkol dito." sinabi ni dok pagkatapos niyang magsulat.

"Naku dok okay lang ako. tsaka 1 hour nalang naman, magiging ayos lang ako wag kang mag-alala." ngumiti nlang ako sabay kinuha yung mga kaylangan ko para masuweruhan yung pasyente ko. Pero tama nga naman si dok dapat hindi ko dinadala dito yung problema ko sa bahay.

Natapos ko naman yung duty ko na wala akong napapatay na patient sa tulong na rin ni Mina at ni Doc Art. 4pm palang nung nakadating ako sa bahay, wala akong ganang kumain kaya dumiretso nalang ako dun sa kwarto na tinutulugan ko. 

Ilang araw narin kasi akong hindi sumasagot sa kahit anong message sa akin ni Aiden bilang si Natalie. Iniisip ko pa rin kung dapat kong ituloy yun o hindi na eh. Pagtingin ko sa cellphone ni "Natalie" maraming messages at missed calls. Pero hindi ko muna binasa yung mga message.

Iniisip ko pa rin kung paano nagawa sa akin ni Aiden yun. Habang nakahiga ako sa kama, naisip ko yung time na sinagot ko si Aiden:

FLASHBACK: (this is inevitable! haha!!)

Habang naglalakad ako sa corridor papuntang klase ko, kanina pa nagriring ng nagriring yung cellphone ko.

"Alam ko alam ko late na ako!" naglalakad ako ng mabilis habang sinagot yung cellphone ko.

"Ano ka ba? wala naman si Maam. Chill ka lang." sabi ni Dimple. 

"Naku Dimple ikaw lang pala yung tumatawag!" Dahan dahan na akong naglakad dahil wala pa naman pala yung prof namin. 

"Bilisan mo pa rin, asan ka na ba?" Sinabi niya sa akin. 

I'm my husband's MISTRESS (completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang