Slap in the Face

41K 447 13
                                    

Aiden's POV:

She is pregnant? How could she be pregnant? Sabi ni Dra. Cruz hindi siya mabubuntis? Paano siya nabuntis? And with who? Could Aaron be the father? How could she!

Hindi pa ako nagsalita simula nung umalis yung nurse. I think I amin shock.

"You are pregnant?" Ako na yung naunang nagsalita sa aming dalawa. I don't want to sound as if I am angry but by the look in her face she heard I am angry.

"Oo." Sinabi niya sa akin.

"Ow. Congrats." Bago pa ako may masabi na hindi maganda, I turned around and walk out the door.

Pagkalabas na pagkalabas ko, I looked around to search for HIM! AARON!

"Aaron?!" I called him before ko pa siya nakita.

He stood up and looked at me straight to my face. Gustong gusto ko siyang suntukin but not here.

"So, alam mo na." Sinabi niya sa akin.

"Yes!" Sinagot ko sa kanya.

"Ano ng plano mo?" Tanong niya sa akin.

What? Who does this guy think he is? Asking me for a plan.

"Ikaw? anong plano mo?" Hindi ko siya sinagot but I think I am giving him the coldest look I could give. How could he do this?

"Kaya ko siyang panagutan kung hindi mo kaya, Kaya kong ibigay ang pangalan ko sa kanilang dalawa." Hindi ko alam kung anong dapat ko pang isipin pero nagkatitigan kami. He was serious, but she is my wife.

"Ikaw? Anong gagawin mo?" Tinanong niya ako ulit, but my mouth went dry.

He walked towards her room nung hindi ako sumagot sa tanong niya. Napatingin lang ako sa kanya nung palayo na siya.

What am I suppose to think after niyang sabihin yun? Nainsulto ako but I can't seem to do anything. What should I do?

Napaupo ako sa bakanteng upuan sa gilid.

Napatingin nalang ako sa taong nasa harap ko nung may tumawag sa akin. "Aiden." si Dimple pala.

Ilang minuto na ba akong nakaupo dito hindi ko alam.

"Dimple?" yun lang ang nasabi ko sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka dun sa loob ng kwarto?" Napairap ako ng hindi ko sinasadya.

"Andun kaya si Aaron, anong gagawin ko dun?" Sinabi ko sa kanya.

"Nag-usap na ba kayo ni Mica?" Umupo siya sa katabing upuan sa gilid ko. Napayuko ako dahil hindi ko alam kung anong dapat ko pang sabihin.

"Ano naman ang dapat naming pag-usapan?" Napakunot ang noo niya nung sinabi ko sa kanya yun.

"Yung tungkol sa baby? Hindi naman pwedeng hindi ka involve, baby niyo yun." napabaling ako sa kanya, "Baby niyo?" para akong sinuntok.

Ofcourse, baby namin ni Mica yun. Bakit ko siya kayang isipan ng hindi maganda? Bakit sumagi sa isip ko na baby nila ni Aaron yun? Ang sama ko.

"Aiden, alam kong madami kayong pinagdadaanan ni Mica at may nangyaring hindi maganda sa pagitan niyo. Pero ito na siguro yung sagot para makapagsimula kayong dalawa." Hinawakan niya ako sa balikat saka siya tumayo. Hindi pa rin ako nakapagsalita.

"Aiden, advice lang yun. Nasa sayo pa rin ang desisyon." Sinabi niya ulit saka pumunta sa kwarto ni Mica.

Ako, naiwang parang tanga sa waiting area. Ang tanga tanga ko. Bakit ko siya sinaktan ng ilang beses? at kung ano anong masasakit na salita ang nasabi ko sa kanya.

Hindi ko namalayan na umiiyak na ako sa kinauupuan ko.

Mica's POV:

Umiiyak ako nung pumasok si Aaron ng kwarto ko.

"Mica, what's wrong?" Agad siyang lumapit sa kinakahigaan ko. "May masakit ba sayo?"

Umiling lang ako pero hindi ako makapagsalita dahil sa tuloy tuloy lang ang pagpatak ng luha ko.

Hindi ako makapaniwala na hindi man lang ako kayang kausapin ni Aiden, lalo na tungkol ito sa anak namin.

I balled up, caressing my tummy just to feel that I am not alone.

Nilapitan ako ni Aaron at hindi ko na namalayan na yumakap na ako sa kanya. "Wag mo akong iiwan. Please." Pahikbi hikbi akong nagsalita, para kay peanut yun pero hindi ko alam kung iniisip ni Aaron na siya yun.

Mas masakit pala ito kaysa sa ginawa sa akin dati ni Aiden.

"Tahan na please, Mica." Hinihimas himas niya ang ulo ko. "Nandito lang ako para sayo Mica, para sa inyo ng baby mo." Hinahalikan ako ni Aaron sa ulo pero hindi ko na pinansin dahil hinang hina na ako.

Hindi ko na alam kung sino ang lumabas at pumasok ng hospital room ko. Ang alam ko nadukdok lang ako kay Aaron habang umiiyak.

Si Peanut nalang ang magandang nangyari sa akin. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang gawin ko.

----

-nyang

(A short update po, thank you pa rin sa continuous support. Till the next! :3)

I'm my husband's MISTRESS (completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora