A Moment so Imperfect

36K 464 15
                                    

"Kanina ka pa naghihintay?" Napalingon ako sa taong humawak sa balikat ko.

Nakangiti sa akin si Aaron, mukhang masaya siya.

"Naku! Hindi naman, alam mo naman na malapit lang ako dito kaya medyo napaaga ako." Sa isang restaurant malapit sa bahay ng mommy ko ako nagset makipagkita kay Aaron.

Nakangiti pa rin si Aaron sa akin nung unupo na siya sa upuan sa harap ko.

"Mukhang gutom kana ah?" Biniro niya ako nung nakita yung pagkain sa harap ko.

"Naku! Sorry hindi na kita nahintay. medyo nagugutom na kasi ako." medyo nahiya ako nung sinabi niya yun sa akin. Natawa lang siya ng bahagya nung sinabi niya yun.

"Oh? Ngayon ka pa sa akin nahiya?" -Aaron

"Ha?" Hindi ko kasi agad naintindihan yun sinabi niya, saka siya tumawa ulit ng medyo malakas.

"Nagblush ka kaya. ang cute mo talaga." kumento niya.

"Mag-order ka na nga lang, gutom lang yan." alam na alam ko kung anong ibig niyang sabihin pero kaylangan kong ibaling sa ibang direksyon yung usapan namin.

--

Nagkamustahan kaming dalawa habang hinihintay yung pagkaing inorder niya. Hindi na namin napag-usapan yung nangyari last week. Malamang hinihintay niya na ako ang magsimula tungkol sa bagay na yun. Our conversation was very light, walang pressure between us and I know that is because he is a gentleman. Pero hindi naman yun yung dahilan kung bakit ko siya pinapunta dito ngayon.

Pagkadating nung pagkain na inorder niya, saka na ako kumuha ng lakas ng loob para umpisahan talaga yung dapat naming pag-usapan.

"Uhm... Aaron, kaya kita pinapunta dito kasi...." Tumingin siya sa akin pero nakaramdam na naman ako ng hiya kaya napayuko ako.

"Hey. Come on." when i had the courage to look up at his face, he was smiling at me.

"You can tell me anything." he continued.

"Aaron, salamat sa lahat...."

Then the smile fades away....

"Wait Aaron makinig ka muna.." oh no.. hindi na niya maririnig yung paliwanag ko.

Pero hindi na siya sa akin nakatingin, sa may likuran ko. kaya lumingon ako to check what or who he is looking at. Hindi ako makapaniwala na nandun din si Aiden. at papalapit siya sa table namin sa medyo corner nung restaurant.

"A-aiden? Anong ginagawa mo dito?" Hindi ko rin alam kung bakit ko tinanong sa kanya yun.

"Bakit masama bang nandito rin ako?" He just partially looked at me then back at Aaron's direction.

Walang nagsalita sa aming tatlo, nagtititigan lang silang dalawa dun. Si Aiden na yung unang nagsalita "mukhang masaya dito ah? Pwede bang makijoin?" Sinabi ni Aiden kay Aaron tapos sa akin. Then he grabbed a chair and placed it at our table.

"Aiden, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. he is acting weird.

"Maglunch sana kami ng mga kaibigan ko diyan sa kabilang restaurant kaya lang wala ng pwesto, then somebody point it OUT TO ME, that MY WIFE.." binigyan niya ng diin yung mga salitang yun habang nakaharap kay Aaron. "is here, kaya I came in and checked it out. and low and behold, nandito ka nga. pero hindi ko inaasahan ito." tinuro pa niya si Aaron.

"Pare, naglalunch lang naman kami ni Mica..." bago pa natapos ni Aaron yung sasabihin niya pinutol na siya ni Aiden.

"Pare? Kaibigan ba kita? Tsaka usapang namin toh ng ASAWA ko." Hindi ko alam kung anong meron kay Aiden, hindi ko alam kung nakainum siya o ano.

"Nakainum ka ba? Kaibigan ko si Aaron kaya pwede ba wag kang manggulo dito."

"Asawa pa rin kita. kaya ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Wag kang manlandi ng lalake sa public pa." ibinulyaw sa akin ni Aiden. Nangilid yung luha ko nung narinig ko yun.

"Aiden, please wag mo naman kausapin ng ganyan si Mica-" parang may gusto pang sabihin si Aaron pero pinutol na naman ni Aiden yung sasabihin niya.

"Again, hindi ikaw ang kinakausap ko." Then I saw the anger in his eyes. Hindi na ako nakapagsalita. Nakatingin lang ako sa kanya, bigla siyang tumayo sa pinagkakaupuan niya saka niya hinatak yung kamay ko.

"Aray! Aiden, nasasaktan ako. bitawan mo ko." medyo mahigpit yung pagkakahawak niya sa akin.

"Tara na! Aalis na tayo. Your little date is done!" Halos kaladkarin na niya ako palabas ng restaurant.

"Aiden! Bitawan mo ko!" Sinabi ko sa kanya, pero parang wala siyang narinig.

"Aiden, bitawan mo si Mica! Nasasaktan na siya." halos kasunod lang namin si Aaron papalabas. Hindi ko gusto itong nangyayari na toh. lumingon si Aiden kay Aaron without him removing his hand on mine. Mahigpit yung pagkakahawak niya sa akin kaya talagang ramdam ko yung pagkakahawak niya. Para na silang magsusuntukan dun kaya ako na mismo ang pumagitna sa kanilang dalawa.

"Stop!!! Please stop!!! Aiden sasama ako sayo. Kaya pakiusap wag kang manggulo dito." nakaharap pa din si Aiden kay Aaron habang naglalakad.

"Aaron, sorry." I mouthed to him. kaya lalo akong hinatak ni Aiden.

--

Sa sasakyan walang nagsalita sa aming dalawa, ang buong akala ko ihahatid niya ako sa tinitirhan ko, pero hindi. Tuloy tuloy lang siyang nagdrive papunta sa bahay namin. Pagdating dun, bumaba agad siya ng sasakyan saka binuksan yung side ko at hinatak na naman ako papasok ng bahay. Kaya pakiramdam ko rag doll ako.

"Aiden!!! Bitawan mo nga ako! Kanina pa ako nasasaktan." Para parin siyang walang narinig sa sinabi ko kaya hinahatak ko na rin yung kamay ko pero talagang mahigpit yung pagkakahawak niya. medyo naluluha ako sa nangyayari naman.

Pagkadating sa loob saka lang niya ako binitawan. Inilagay niya yung dalawang kamay niya sa mukha niya.

"Aiden! Ano bang problema mo?!" Halos pasigaw na yung boses ko, saka lang siya huminto sa paglalakad sa sala.

"Ikaw ang problema ko tsaka yang si Aaron na yan!" Pasigaw na rin siyang sumagot. hindi ko siya maintindihan dahil siya naman ang may gusto na magkahiwalay na kami?

"Ikaw ang may gusto nito, remember?!" Hindi ko maiwasang itanong sa kanya.

"Oo, pero ngayon ko napatunayan na may relasyon talaga kayo niyang Aaron na yan. Mahiya ka nga sa ginagawa mo! Nakikipaglandian ka na agad hindi pa tayo legal na hiwalay! Goddamn you!" Pangbubulyaw niya sa akin.

"Sino ba sa atin ang unang nagloko? Ikaw ang nagsabi sa akin na gusto mo ng space dahil sa kung sinong haliparot dyan. tapos sasabihin mo ako ang may nilalandi!" Nagagalit ako ng sobra sa sinabi niya.

"Simula pa nung college tayo palaging sunod ng sunod yang taong yan sayo kahit alam niyang tayo na!!!! Fuck! Mica alam ko kahit noon pa alam ko na may relasyon kayo!!!" I can feel his anger radiating all over the room.

"Hindi ko nga siya kalaguyo! Kaibigan ko si Aaron, halos best friend ko na siya. Aiden--." Umiiyak na ako ngayon dahil sa sobrang galit sa sinasabi niya.

Nakatalikod siya sa akin, pero nung narinig niya yung sinabi ko bigla siya lumingon sa akin and he back lashes at me. Hindi ko agad naramdaman yung sakit sa pisngi ko, pero napaupo ako sa sahig dahil sa lakas ng nangyari. Natulala nalang ako sa harap niya.
"Don't lie to me!!!"

At that moment hindi ko na siya kilala. Namanhid ang mukha ko sa nangyari pero nung hinawakan ko yung pisngi ko ramdam ko na namamaga pero mas masakit yung nararamdaman ko ngayon.

-nyang


I'm my husband's MISTRESS (completed)Where stories live. Discover now