I need some Answers

36.9K 408 10
                                    

Flashback:

"Hahatid na kita." Hinintay na naman pala ako ni Aaron sa labas ng classroom namin. Wala ngayon si Joy at si Dimple dahil nasa community service sila para sa isa sa mga klase namin.


"Aaron hindi na. Diba sinabi ko sayo may boyfriend na ako." Napakasigasig pa din kasi niyang manligaw kahit last year ko pa sa kanya sinabi na friends nalang kami.


"Alam ko, ihahatid kita as a friend. Ikaw malesyosa ka" sabay tawa niya.


"Brad thank you sa concern, pero siguro ako nalang maghatid sa kanya."


Paglingon ko napangiti ako kasi nandun si Aiden. Lumapit na siya sa akin sabay hinalikan ako sa pisngi, napansin ko rin na tinignan niya ng masama si Aaron.


Hindi na ako nakapagsalita nung mga minuto na yun.


"Ahh!! Ikaw pala si Aiden?!" Tinignan ni Aaron mula ulo hanggang paa si Aiden.


"Yes. THE boyfriend. And you are?" Maangas na sagot ni Aiden sa sinabi ni Aaron. Kilala ko si Aaron, hindi siya paagrabyado kaya sumagot din siya ng maangas.


"Aaron pare, Mica's friend." Inextend ni Aaron ang kamay niya kay Aiden para

makipagkamay pero tinignan niya lang yun kaya parang napahiya si Aaron.


"Aiden, siya yung kinukwento ko sayo. Yung kaibigan namin nila Joy." Parang hinarang ko nalang yung sarili ko para sa testosterone rush na nangyayari sa harapan ko.


"Aahh... siya pala yun." Inakbayan ako ni Aiden sa harap ni Aaron. "Paano ba yan pare, alis na kami ng GIRLFRIEND ko ha?" Sabay lakad ni Aiden na halos hinahatak na ako sa balikat.


"Sige Aaron, alis na kami." Yun nalang nasabi ko sa kanya, pero kitang kita sa mukha ni Aaron ang pagkainis.


-----


His lips are still burried in my lips. A steady stream of tears flows down from my eyes. When he pulled away, he wiped my cheeks with his strong hand and I can't help my self but to tilt my head at his hands.


"Please wag kana umiyak. Sorry kung nagawa ko yun. Hindi ko sinasadya. Pakiramdam ko tuloy ang sama sama ng nagawa ko sayo." He continued to wipe the tears.


Hindi ako nakasagot, parang nakalimutan ko kung nasan kami. Tuloy tuloy lang yung pagpatak ng luha ko.


"Hinding hindi ko na hahayaan na masaktan ka pa niya ulit. I love you Mica, i always have and i always will." Nanlaki yata ang mata ko nung sinabi niya yun, saka niya ako hinalikan sa noo.


"A-aaron.... you know that i am married.." umiiyak pa din ako dahil ito ang isang lalake na handa akong mahalin kahit na sino pa ako. Pero ang asawa ko nakuha akong ipagpalit sa taong hindi naman totoo.

I'm my husband's MISTRESS (completed)Where stories live. Discover now