FIVE

380 17 7
                                    

"Stop crying now, Xandra... I know everything will be alright, someday."

"Do you think so, Eli?"

"Hmm..."

"But having and wearing this thing... I can't stop crying, thinking that my mom already left me with just this necklace..." 

"Gusto mo bang itago muna natin saglit ang kwintas mong iyan?"

"Hmm... Do you think, I can do that?"

"Yes naman, itatago lang natin... at kapag kaya mo ng suotin ang kwintas mong iyan na hindi ka na iiyak dahil naaalala mo ang mama mo then I will put it back on your neck."

"But how?"

"Remember about what I have said to you last time... about my secret box na pinagtataguan ko ng mga mahahalagang bagay na pag-aari ko na ibabaon ko rito sa hacienda namin, I  will also put your necklace there..."

"Really? You can do that... for me, Eli?"

"Hmm ... you are a special girl to me, Xandra... I can do everything just for you... and your happiness."

Napamulat ako bigla nang may pumasok na mga alaala sa aking isipan... mga alaala na parte ng 7 years old na Alexandra at 8 years old na Elixir Vergara...

Napahawak ako sa aking kwintas. . .  the necklace that Eli gave to me that day, ang susi ng secret box niya. Damn! Hindi ko maiwasang mapakuyom sa sobrang iritasyong nararamdaman ko ngayon. I badly need him, I need his memories to retrieve mine.

Napapikit na lamang ako at napasandal sa swivel chair.

"Hindi mo ba nabasa diyan sa article na binabasa mo tungkol kay Elixir Vergara? He got into an accident when he was nine years old... and part of his childhood memories are missing... I mean he doesn't remember, iyon ang sabi ni Daddy sa akin."

Naalala ko na naman ang mga katagang sinabi ni Seth kahapon.

Kailangan kong makumpirma kung naaalala niya pa ba ako o hindi na, ang mga pinagsaluhan naming childhood memories noon, at kung saan niya inilagay o ibinaon ang secret box kung saan naroroon ang kwintas ko... I badly want it back, now. Iyon na lang ang tanging alaala ng Mommy ko sa akin and something important is in that thing!

I need to get close to Elixir Vergara, by hook or by crook.

**

Naglalakad ako sa hallway ng Ressurection nang makita ko si Elixir na pasalubong din sa akin... kaya ngumiti ako... a sweet, sweet smile.

Napansin ko kaagad ang pagkunot-noo nito. Lalagpasan ko na sana siya nang hinawakan niya ang braso ko na nagpatigil sa akin.

Tinignan ko siya, "Yes?" sambit ko sa kaniya.

"Who are you?" bulalas nito.

"I am the new forensic toxicologist..." pino at simpleng sagot ko lang din sa kaniya.

"I know... but who really are you?" tanong nitong muli. Problema niya ba?

"Why you keep asking me who I am?" balik-tanong ko sa kaniya.

Mas sumeryoso ang tingin nito sa akin at medyo humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. Kaya hindi ko na napigilang magtaas ng kilay...

Ibubuka na niya sana ang kaniyang bibig to say something nang may bigla namang umakbay sa kaniyang isang lalaki kaya napabitaw ito sa pagkakahawak sa akin.

"Oh... anong meron? Baka mamaya maghalikan na kayo rito ah!" Napatingin naman ako ng sarkastiko sa bagong dating din na nagsalita.

"Nothing... let's go." At tinalikuran niya na kami na parang walang nangyaring tensyon sa pagitan namin kanina.

Napansin ko namang hindi pa umaalis sa harapan ko ang mga kasamahan ni Elixir.

"Yes?" sambit ko sa kanila na ikinangiti naman nilang tatlo.

"Hi, Dra. Versailles, ako nga pala si Edmund Bautista," pakilala ng lalaking umakbay kanina kay Elixir na nginitian ko lang bilang pagtugon.

"Hi Doc, Gregorio Francisco is the name," sambit naman ng isa sabay lahad ng palad niya. Kaya tinanggap ko ito at nakipag-shake hands.

"Saxophone Clemente, the good man," singit na pakilala rin ng kaninang nagsalita sa pagitan namin ni Elixir... kaya ngumiti na lang ako at nagpakilala rin ng pormal sa kanila.

"Hi, I'm Venom Versailles, the new specimen here..." sambit ko sabay yuko bilang pagbigay galang sa kanila.

"Oh siya, una na ako," dugtong ko pa na tinunguan lang din nila at humakbang na rin pasunod sa nauna ng umalis na si Elixir.

So sila yata ang mga taong laging nakapaligid kay Eli... then I need to get close to them first to easily get close to him.

****

"May bago na namang bangkay na natagpuan sa isang exclusive bar sa Metro!" Rinig kong sambit ng isang kasamahan ko sa Lab.

Ibabalik ko na sana sa ginagawa ko ang atensyon ko nang may bigla namang pumasok sa lab at bigla na lamang akong hinila patayo sa upuan ko at palabas ng laboratory.

"Hey, Lt. Vergara!" sigaw ko at pwersahang tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"We need you to come with us," simpleng sagot niya lang.

"Where?"

"Sa Elite," sambit nito. Tumango na lamang ako at pinauna siya sa paglalakad.

"You should have told  me, kaysa hinila mo na lang ako ng basta-basta palabas ng Lab," saad ko pa habang tinatahak namin ang hallway papunta sa parking area ng Resurrection.

"Sorry." I was taken aback there.

Si Elixir Vergara, humihingi ng sorry?

Well. . .

Magsasalita pa sana ako nang tinawag na kami ng mga kasamahan niya pasakay sa armored van.

Umupo ako sa dulong parte ng sasakyan kung saan nakikita ko silang lahat habang katabi ko naman si Elixir.

"Hi, Dra. Versailles!" masayang bati naman ni Lt. Bautista sa akin na nginitian ko.

"Nasaan si Capt. Falcon?" tanong ko nang hindi ko nakita si Tito.

"He's already there," sagot naman ni Elixir na tinanguan ko lang.

Tahimik lang kami nang maya-maya'y nagsalita si Lt. Francisco, isa sa kaibigan ni Elixir.

"Brutal ang pagkakapatay sa biktima."

Napakunot-noo ako habang nag-iisip.

"Paanong brutal?" tanong ko na ikinaseryoso ni Lt. Francisco sabay abot ng hawak niyang Ipad.

Tinanggap ko ito at ganoon na lang ang pagkagulat ko sa aking nakita.

Litrato ng isang bangkay na babae, butas ang bandang dibdib nito kung saan . . .

"T-teka . . ." nakakunot-noo kong sino-zoom in ang screen just to confirm that -

"Wala na ang kaniyang puso." At napatingin ako sa mga kasama ko. Tumango naman sa akin si Lt. Francisco.

"Who in the world would have no soul to do such brutal killing?" tanong naman ni Lt. Bautista habang nakatingin siya sa labas ng bintana ng sasakyan.

Isang grupo lang ang kilala kong walang puso't kaluluwa para gumawa ng ganoong klase ng pagpatay.

"Crucifix." Nagkatinginan kami ni Elixir nang magkasabay kami sa pagsagot.

Kilala niya sila.

Of course, he does. 

Wicked InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon