SEVEN

302 12 2
                                    

"What's your plan, Alexandra?" tanong kaagad ang bungad sa akin ni Uncle.

Nandito ako sa Mansion niya. Pinatawag nya ako sa pamamagitan ni Seth.  Inimbitahan ako ni Seth na mag-dinner sa bahay nila na hindi ko matatanggihan. At alam kong inutusan siya ni Uncle to summon me.

Ngumiti lang ako.

"Huwag mo akong sagutin ng ngiti mo lang, iha." I sensed anger to my Uncle's voice. Pero nanatili lang akong tahimik.

"Alam mo bang iniiwasan ko nang masangkot ang Costa Nostra sa mga nangyayari ngayon. And then, bigla mong binanggit kanina sa buong organisasyon? Why? Akala ko ba gusto mong protektahan ang tatay mo?" dugtong pa nito.

"Uncle, alam kong alam mo nang hindi na maiiwasang hindi masangkot ang Costa Nostra. Two consecutive crimes committed by the Crucifix, sa tingin mo ba hindi makakarating ang balitang 'yan sa tatay ko? And I received a message from Alexander last night. Hinahanap niya na ako," sagot ko sa kaniya with a serious tone. Trying to change the subject of our discussion.

"What does your twin brother want?"

"Alam niya nang nandito lang ako sa Pilipinas and he was after me. Anytime soon, papasabugin niya na lang ang Resurrection just to make me appear in front of him."

"Hinahanap ka lang naman ni Alexander kapag may kinuha kang pag-aari niya." Ngumisi naman ako sa tinuran ni Uncle. He knows us very well.

"Yes, dala-dala ko ang aso niya," may inis kong saad.

"What? Sino sa aso niya ang dala mo? Huwag mong sabihing si--"

"Hugo. His Tibetan Mastiff dog," sagot ko kaagad kay Uncle. Napabuntonghininga lang siya at napahilamos ng mukha.

"Why oh why, Alexandra? Alam mo namang si Hugo ang pinakapaboritong aso ni Alexander. At alam mo rin naman kung anong kayang gawin ng kuya mo concerning his dogs. Paano mo nabitbit ang asong iyon, eh, ang laki-laki non!" Napasimangot ako sa sinabi ni Uncle.

"Kinidnap ni Alexander si Vixen, Uncle, para lang mapauwi ako sa Switzerland. And it breaks my heart nang mapansin kong nawawala ang pinakamamahal kong pusa!" Na hanggang ngayon ay hindi pa rin binabalik ng demonyo kong kakambal.

"Kaya kinuha mo si Hugo kapalit ni Vixen?" Tumango lang ako bilang sagot.

"Ewan ko sa inyong magkapatid, sumasakit ulo ko sa inyo. Umalis ka na nga sa harapan ko," saad lang ni Uncle at siya na mismo ang sumuko sa pag-interrogate sa akin. Kaya ngumiti lang ako at nagpaalam na sa kaniya bago tuluyang lumabas sa opisina niya.

"Xand!"

Palabas na ako ng Mansion nang tawagin ako ni Seth. Tiningnan ko siya ng masama, naiinis pa rin ako sa isiping nagpauto siya sa tatay niya para lang mapapunta ako rito.

"Huwag ka ng magalit sa akin, pinsan kong mahal," nakangiting saad nito na akala mo isa akong pusa na gusto niyang paamuhin. Inirapan ko lang siya at tatalikod na sana nang...

"May lead na ako tungkol sa pinapahanap mo sa akin," seryoso niyang saad na nagpatibok ng kay bilis sa aking puso.

Mommy...

***

THIRD PERSON'S POV

"Lasing ka na, Venom." Napatingin si Alexandra sa lalaking umagaw ng baso na tutunggain niya pa sana. Mapungay na ang mga mata nitong nakatitig sa gwapong lalaking nakatingin din sa kaniya. Halata na ang kalasingan sa kaniyang mukha.

"W-wait... I know you! E-Eli ?. . ." bulol nang saad ni Alexandra. Habang kinikilala pa rin kung sino ang lalaking kausap niya. Tumayo naman ito pero dahil sa kalasingan ay nawalan siya ng balanse na kaagad naman siyang nasalo ni Elixir.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 12 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wicked InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon