TWO

937 40 12
                                    

ALEXANDRA'S POV

"Dra. Venom Versailles?"

Napalingon ako sa taong tumawag sa akin. I smiled sweetly and reached my hand for a handshake. Inabot naman ito ng may katandaan ng lider ng hukbong sandatahan na siya ring deputy director ng organisasyong aking papasukan.

"Are you ready to enter the chaotic world of crimes and investigation, Doctor?" tanong pa nitong muli na tinanguan ko lang ng bahagya.

"Well then, let's go. At ipapakilala kita sa mga makakasama mo at sa bawat hanay ng gobyerno na makakasalamuha mo," dugtong pa nito.

Humakbang na ito patungo sa direksyon kung saan ang magiging bago kong playground, the laboratory. Tahimik lamang akong nakasunod sa Deputy Director habang tinuturo at ipinapaliwanag ang papel ng bawat silid at taong naroroon.

Nasaan nga ba ako?

Well, nasa isang lugar ako kung saan lahat ay nandirito, lahat ng hanay ng gobyerno ay andito. Isang pribadong organisasyon ngunit pinapatakbo ng national government, a group that was secretly working underground and out of sight of the public.

A place where all kinds of government facilities and agencies are here, working together with one goal and that is to suppress corruption and illegal crimes. And this place is called--

The Resurrection.

At ano nga ba ang magiging papel ko sa organisasyong ito?

Tumigil naman kami sa isang pintuan na kailangan mong i-tap ang kanang hinlalaki mo for the fingerprint identification to open the premises. And of course, being the new forensic toxicologists of Resurrection, my fingerprint was already encoded.

At pagkabukas na pagkabukas ng sliding door nito ay bumungad sa akin ang napakalaking laboratory, kung saan lahat ng kailangan sa pagsisiyasat at eksperimento ay nandirito-- my new playground.

Napalingon at napatingin naman sa gawi namin ang mga ekspertong kanina ay abala sa kanilang ginagawa.

"Meet Dra. Venom Versailles, your new forensic toxicologists. She will join you starting today, so please take good care of this beautiful young lady, gentlemen." Pagpapakilala ng deputy director sa akin. Walang kangiti-ngiti ko silang tinanguan isa-isa, kaya doon ko lang napansin na puro pala lalaki ang nandoroon. Ang iba nakangiting nakatanaw sa akin habang ang iba ay may hindi makapaniwalang reaksyon at nagtatanong na mga mukha katulad na lamang ng kung bakit sila nagkaroon ng bagong kasama at babae pa.

Pero sa pagdako ng aking tingin sa gawi ng lab na may bangkay na ineeksamin ay may nakatayo rin doong isang lalaki, lalaki na kilalang-kilala ko. Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha nito nang mapansin ang presensya ko. Kaya nginisihan ko lang siya at dinako na ang pansin sa ibang taong nandoroon.

***

"What are you doing here, Alexandra!" tanong nito, ay hindi pala ito patanong kundi pagalit na saad ni Lt. Sergio Falcon, my dearest...

"Uncle, I am Dra. Venom Versailles, not Alexandra Estevan from now on. So please don't be a wall for what I wanted to reach this time, dahil kung plano mo akong pigilan, handa kitang banggain at tibagin ng walang pag-aalinlangan." Seryosong pagkakatingin ko sa kaniya habang sinasabi ang mga katagang iyon.

Yes! It's my dearest Uncle Sergio Falcon, my mom's cousin. Hindi ko inaasahang sa unang araw ko rito ay siya agad ang makakasalamuha ko. Well, alam ko namang may posibilidad na magtagpo ang landas namin lalo na at isa na ito sa may mataas na ranggo sa militar. Kaso napaaga naman yata, pero ayos na rin upang mabalaan ko na rin siyang huwag niyang ibubunyag ang tunay kong pagkatao. At alam kong makakaasa ako roon, dahil siya lang naman din ang naging cover ko noon kapag tumatakas ako sa mansion namin sa Switzerland to escape from Dad's commands.

Wicked InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon