Kabanata I

151K 1.8K 43
                                    

°•○●●○•°

Panimula



"SIR, Italian Restaurant po, right side of the school. Later, at 2:00 P.M." 

Hindi ako nakarinig ng kahit anong response galing sakaniya. Hindi niya man lang ba tatanungin kung sino ang kakausapin niya? Ayos ah! Biglaan? Surprise? Mahilig pala si Sir sa biglaan at surprises.

"Okay, you can go back to your classes and meet me in the Cafeteria before lunch." Sabi niya sabay diretso na ng lakad. Ako? Huminto na sa pagsunod sakanya at tumalikod na para pumunta sa room namin.

Saan kaya siya pupunta? Ah! Baka sa office niyang parang library na sobrang boring at tahimik. Napabuntong-hininga ako habang nag-iisip. Minsan parang naawa ako kay Sir Kyle, biruin mo naman sa edad  niyang 20 years old, hinahawakan niya na 'tong school na 'to. Sabagay, sakanya naman ito  mauuwi  pagkatapos niyang mag-college. Mabuti na ring umpisahan niya nang asikasuhin ito para masanay na siya at di na siya mahirapan. 

Napabuntong hininga ako. Napahaba na naman ang iniisip ko. Nakalagpas na pala ako sa room namin.

"HOY Mariz! Kanina pa kita hinahanap ah! Saan ka ba nanggaling? Buti na lang pumasok ka, kung hindi late ka na naman! Kita mo 'to?" sabay turo sa kaniyang relo. "10 minutes na lang before ang class natin." Sermon ni Leanne sa akin. Ang bestfriend ko, ate ko, at ang nanay ko. Kulang na nga lang maging lola ko eh.

Lumingon ako sa mga kaklase ko. Nakitang busy sila at may kaniya kaniyang ginagawa. "Eh di kay Sir Kyle, kanino pa nga ba?" sabay upo at labas ng mga librong kailangan para sa subject namin.

"Doon na naman sa Boss mong manhid? Ayos ah! Kailan ka ba titigil jan sa kaka-daydream mo sa Kyle na yan? Mag-resign ka na nga! May pera ka naman ng ipon. Bakit kailangan mo pang mag-tiis sa Boss mong yan?!" sabi niya ng pasigaw na bulong. Mahirap na. Baka malaman pa ng mga kaklase ko ang pagkagusto ko kay Sir Kyle. Nakakahiya iyon at nakakatakot dahil siya ang anak ng may-ari ng school namin. 

"Ano ka ba?" hinila ko siyang paupo sa tabi ko. "Konting hintay na lang, kumukuha lang ako ng tiyempo. Siguro kapag nagka-girlfriend na siya. Ayoko namang iwan ko na lang siya. Kawawa naman diba?" palusot ko sa mga sinasabi niya. Pero sa totoo lang. Ayoko talaga.

Umirap lang siya. "Hala! Ano na bang nangyari sa kaibigan ko? Nababaliw na ba? Masamang espiritong nasa loob ng katawan ng kaibigan ko. Lumayo ka!" sabi niya habang hinahampas hampas at tinataboy yung imagination niyang espirito.

"Tumigil ka nga!" hinawi ko yung kamay niya at umirap na lang. Nakakahiya talaga 'tong babaeng ito. Di ko alam kung matatawa ba ko o maiinis.

Umupo siya ng maayos at binatukan ako. Aangal pa sana ako pero pinanlakihan niya na ako ng mata. "Baliw ka na talaga! Sige. Sabihin na lang nating magka-girlfriend siya. Anong mangyayari sayo? Tatakbo at iiyak sakin? Ang masokista mo din te, ano? Hindi ka bato okay? Nasasaktan ka lang din. Alam mo kung sino yung bato?" tanong niya. 

Sasagot na sana ako pero pinutol niya na naman ako. "Yung Boss mo! Manhid! Super!" umirap siya at padabog na nilagay yung mga libro niya sa desk niya.

Napayuko ako. "Naiintindihan naman kita Leanne. Kaso anong magagawa ko? Mahal ko siya. Wala ng makakabago nun. Kung—" nahinto ang sinasabi ko dahil pumasok na yung Prof namin. Sumenyas na lang siya na mamaya na lang ipagpatuloy.



MAGULO sa Cafeteria kahit before Lunch Break pa lang. Hinahanap ko si Sir Kyle dahil sa usapan namin ngayon. Maisip at mabanggit ko pa lang ang pangalan niya, bumibilis na ang tibok ng puso ko. Paano pa kaya kung matitigan at makausap ko siya? Hindi ko nga malaman kung paano ako nakatagal sa kaniya ng hindi hinihimatay. Okay! Masyado ng OA.

Luminga ako sa mga gilid dahil kadalasan yung ang pwesto namin. Tama nga ako! Hayun siya at nakatingin sa gawi ko.  Ayan na naman yung nakakakilabot niyang tingin.

Tumingin ako sa likod ko ngunit wala namang tao. Napayuko ako dahil biglang uminit ang mga pisngi ko. Isipin ko pa lang na sa akin siya nakatingin, kinikilig na ako.

Lumapit ako sa kaniya. Umiwas siya ng tingin at tumingin tingin lang sa Magazine na hawak niya. "Sir, what do you want for lunch? Ikukuha ko po ba kayo?"

Tumingin ulit siya kaya nakita ko ang asul niyang mga mata. Binitawan niya ang binabasa niya at tumayo. "Just sit! Ako na."

Nalalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. Bago pa man ako makapag-react ay tumalikod na siya. Parang nanghina ang tuhod ko kaya napaupo ako. Tama ba ang rinig ko? Namamalikmata ba ako? Sinaniban ba ang Boss ko? Parang nahilo ako sa isiping may---

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Yun..Yun..Yung Magazine. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil nandun ako sa Magazine na yun. Madami akong Part-time dahil sa ako ang  nagpapaaral sa sarili ko. Nasakto pang yung Magazine na yun ay model ako. AT Valentines ang theme nun. 

Nanlamig ang mukha at kamay ko dahil sa pumasok sa utak ko. Baka isipin niya na napaka-playgirl ko dahil sa sobrang intimate ng posisyon namin ng partner ko. Nasa gitna ako ng mga hita ng co-model ko habang nakayakap siya sakin mula sa likod. 

Teka-Bakit iniisip kong maapektuhan 'yong bato na 'yon? Samantalang wala lang naman siguro sakaniya kung may trabaho pa kong iba. Tutal naman marangal ito at maayos akong kumikita. Napahilamos ako sa mukha ko. Tss. Kukunin ko na lang. Kinuha ko---

"What are you doing?" napalingon ako sa kaniya at kitang-kita niyang hawak ko yung Magazine niya.

Pinaypay ko sa sarili ko. "Ha-ha-ha-ha-ha S-sir pasensya na po. Mainit po kasi eh. He-he-he-he" kinakabahang sabi ko. Hindi ko malunok ang bara sa lalamunan ko dahil sa kaba. Caught in the act ako.

"You can use it, If I'm done reading it." Kinuha niya sakin yun at binuklat buklat. Okay! Plan failed!

Tumingin ako sa kaniya. "Kakain na po ba kayo Sir?" I brought some topic para di siya tumingin dun sa Magazine. "Mauna ka na." Pero failed na naman dahil di siya lumingon sakin.

Kinuha ko yung isang lasagna. Tumingin ako sa kaniya. Wala pa rin namang nagbabago sa aura niya. Siguro wala lang talaga siyang pakialam sa kung anong gawin ko. Wala talaga akong halaga sa kaniya---

Napatalon ako sa gulat ng padarag niyang ibagsak ang Magazine. Napalingon ang ibang mga tao sa tabi namin. Nagkalansingan din ang mga kutsara at tinidor sa sahig dahil sa nahulog ito. 

Kinakabahang tumingin ako sa kaniya. Iba na ang itsura niya. Nakakunot ang noo niya at nagtatagis ang bagang. Gumuhit lang ng manipis ang labi niya na halatang nagpipigil ng galit.

"Sir, bakit po?"

Kumurap lang siya at masamang-masama ang tingin sakin. "So you had a lot of part-time jobs." puno ng panunuya ang mga sinasabi niya. Hindi yon patanong dahil sigurado siya sa naiisip niya. "What kind, huh?" naguguluhan ako sa sinasabi niya.

Kumunot ang noo ko."P-po?" tanong ko dahil ayokong mag-galit ng hindi manlang niya ipanapaliwanag ng maayos. Ngunit bumaba ang mga mata ko sa lamesa, nakita ko ang Magazine. Nanlaki ang mata ko ng nakabuklat ito sa mismong page ng Valentines' theme.

"You didn't understand? So let me elabo---"

Napalingon ang halos lahat ng mga tao sa Cafeteria pero wala ng kong pakiaalam dahil iniinsulto na ako ngayon ng taong mahal ko, na huling maiisip ko na gagawa sakin iyon. Nakabaling parin ang mukha niya sa kaliwa at hindi pa rin ako tinitignan.

"SIR, liliwanagin ko lang po. Wala po kayong karapatan na pagsalitaan ako ng ganiyan. Wala kayong pakialam sa naging trabaho o magiging trabaho ko dahil BOSS ko lang po kayo. Hindi ko po kayo magulang at lalong-lalo na hindi ko po kayo ka ano-ano. Ihahanda ko na po ang resignation letter ko at bukas na bukas ibibigay ko na sainyo." Kinuha ko na ang gamit ko at umalis na.

Kumikirot ang kamay kong pinansampal sa perpektong mukha niya.

 Pero durog na durog ang puso ko.

My Possessive Student Boss [MPSB]Where stories live. Discover now