Season II: Kabanata XII

10.5K 101 8
                                    

Nightmare

HINANAP ng kamay ni Kyle ang batok ko para kabigin palapit sa kaniya. Nahigit ko ang hininga ko sa biglaang ginawa. Bumaba siya para salubungin ako. Napapikit na lamang ako at sinuklian ang mga halik niya.

Inabot niya ang kamay ko para ilagay sa batok rin niya. Kinabig niya pa ako palapit kahit na sobrang lapit na namin. "Kyle."

Hinga ko bago ako huminto at nanghihinang lumayo sakaniya. His kisses landed on the side of my lips.  Hot breaths fanning on my cheeks. He slowly caressed my sides before he stopped.

"Hmm?" Sagot niya habang humihinga at nananatiling nakasandig sa pisngi ko.

"May problema ba?"

Hindi siya sumagot sa tanong ko at nabulabog ang katahimikan namin ng isang tawag. Cellphone ni Kyle. Doon na ako napalingon kay Kyle dahil nakalayo na rin siya saakin. Kinuha niya iyon mula sa kaniayng back pocket at tinignan ang caller bago lumingon saakin at sagutin.

"Pa."

Oo nga pala ang Papa niya! Naalala kong dapat ay pupunta na si Kyle sa opisina at sa hindi ko alam na dahilan ay napapunta siya at napabalik sa apartment. Hindi ko pa nga pala nakakausap si Kyle about doon sa nangyari. At mukhang wala naman siyang balak itanong iyon saakin dahil gaya nga ng sabi niya. Hihintayin niyang ako mismo ang magsabi ng tungkol doon.

"Yes." Aniya. Sagot mula sa tanong siguro ng kausap. "Later."

Tinitigan ko si Kyle. Habang siya rin ay hindi nawawala ang mga mata saakin. Hindi naman siya gaanong nagsasalita dahil pakiramdam ko ay madaming sinasabi ang Papa niya. Wala akong kaide-ideya sa kung saan tungkol d'on. Galit kaya ito dahil hindi pumunta si Kyle sa opisina at inuna pa ako? Nakaramdam ako ng pagkabalisa kaya tinalikuran ko siya at nagsimula muling maghugas ng mga baso.

Hindi ko na alam kung nayari na ba ang tawag dahil hindi man lang nagpaalam si Kyle. Ang alam ko lang ay hindi na siya sumasagot o nagsasalita sa likod ko. Umalis na ba siya?

Sa pagtataka ko ay sinilip ko siya sa aking likod. Andoon pa rin naman siya ngunit natulala siya. Wala na sa tenga ang cellphone ni Kyle. Yari na nga ang tawag.

Niyari ko ang hugasin bago lumapit muli kay Kyle at humawak sa braso niya.

"Kyle?"

Niyugyog ko siya kaya naagaw ko ang atensyon niya. Naabutan kaagad nito ang mga mata ko.

"I think, I should go."

"Huh?"

Nagulat naman ako sa biglaang sabi niya. Kaya natatarantang binawi ko agad ang pagkagulat. "A-ah. I mean. S-sure. Sure! Sige at baka gabihin ka na nga sa pag-uwi."

Hinanap ko agad ang susi niya sa sala. Tamad naman siyang sumunod saakin. Kinuha ko iyon at nakitang dumiretso si Kyle papuntang pintuan at binuksan iyon.

"Thanks." Aniya pagkatapos kong ibigay sakaniya ang susi. "Wag mo na kong ihatid sa labas."

"It's okay. Malapit lang naman."

Tumingin lang siya bago lumingon sa labas na para bang may hinahanap. Bumalik naman ang mata niya sakin. Seryoso niya akong tinignan.

"No. You stay. Lock the doors, okay?"

Tumango na lang ako para sumang-ayon. Bahagyang ngumiti si Kyle saka pinatakan ako ng isang halik sa noo bago nagsalita. "Bye?"

Ngumiti naman ako sakaniya saka kumaway. Tumalikod na si Kyle. Nang makasakay siya sa sasakyan niya at lumayo. Doon ko palang sinarado at ni-lock ang pintuan ko.

My Possessive Student Boss [MPSB]Where stories live. Discover now