Season II: Kabanata XV

12K 127 21
                                    

A very beautiful book cover from EinahG
Thank you so muchhhh :*

°•○●○•°

Nice to see you

NAGISING ako na wala si Kyle sa tabi. Hindi ko alam kung anong oras na. Dapat siya ang natutulog dito ngunit mas naunahan ko pa yata. Gusot ang kabilang gilid ko, patunay na nanatili rin si Kyle dito kanina.

Inayos ko ang bed saka naglakad patungo sa banyo para makapaghilamos. Hindi naman ako nakakarinig ng kung ano sa labas. Asan kaya sila?

Baka naman nag-uusap ang dalawa at inaalaska na naman ang isa't isa. Pa'no na lamang sila magkakasundo kung patuloy sila sa ganun?

Nagbihis na rin ako ng pambahay na damit. Nakatulog pala ako nang ganito ang itsura sa kung ano ang suot ko pagpasok. Kaya pala hindi gaanong kumportable sa pakiramdam.

Lumabas ako para hanapin sila.

Ngunit ang naabutan ko lang ay si Kyle na nasa sala. Nanunuod.

Lumipat mula sa TV ang mata niya patungo sakin. Medyo tumagilid din ang ulo niya na parang ine-eksamin ako. Napakunot naman ang noo ko sa naging akto niya.

"Asan si Leanne?"

Tumayo na siya saka ako hinila papapunta sa kusina. Mas lalo naman kumunot ang noo ko sa kinilos niya. Isa pa, dahil wala rin si Leanne dito.

"I'm so hungry, baby."

Napatawa naman ako. Oo nga pala. Bakit ko nga ba kinalimutan 'yon? Inuna ko pa ang pagtulog.

"Sorry. 'Lika na at ipaghahain kita."

Ginayak ko ang mga plato. Kumuha naman ng malamig na juice si Kyle sa ref habang kumuha din ako ng kanin sa rice cooker. Wala pang bawas ito. Pati ang ulam na niluto ni Leanne. Ibig sabihin?

"Asan ba si Leanne, Kyle?"

Pagkatapos niyang uminom saka siya tumingon sakin. "Outside."

"Outside? Mag-isa? Gabi na ah. Saka bakit di mo ako ginising kanina, gutom ka na pala?"

Kinuha niya ang hawak kong lalagyanan ng kanin at siya na ang nagpatuloy sa pagkuha n'on. Saka ko lang napansin ang lahat, kumuha na rin ako ng ulam. Nakahain at nakaayos na pala lahat.

"She's not alone, Andrea. Don't worry too much. Just sit there. I'm so hungry."

Ha? Sinong kasama niya? At bakit lumabas pa siya?

Inabot ko ang mga kubyertos sakaniya para makapag-umpisa na. Nagawa niya pa akong unahin na salinan ng kanin bago ang kaniya.

"Kumain ka na nga muna."

Ngumisi lang siya sakin habang sumusubo ng malalaki. Gutom nga siya. Ngumisi rin ako at napailing saka kumain na din.

"Anyway, I found a new secretary."

Napaangat ako ng tingin sakaniya.

My Possessive Student Boss [MPSB]Where stories live. Discover now