Season II: Kabanata XIV

10.7K 125 16
                                    

This one's for you, my dear KasagutanKoSayo. Thank you so much for this beautiful cover.


Enjoy reading.

°•○●○•°

Knowing him

PATULOY na hinahawakan ni Kyle ang kamay ko habang siya ay nagmamaneho. Medyo malayo pa rin ang byahe ngunit di ko rin magawang matulog. Hindi rin naman ako pagod.

Kung iisipin ko ang lahat siguro makakaramdam ako nito. Ayoko na lang dahil sa hindi naman ito nakakatulong sa pagpapagaan ng pakiramdam ko.


The heavy pain inside me will still be here. As long as, I know they are still out there.....Lurking around.

Humalakipkip ako saka lumingon sa gilid ko kung saan tanging mga malalaking gusali ang makikita. Matatayog at magaganda. May mga naglalakad na mga tao sa gilid ng sidewalk habang may kaniya kaniyang ginagawa. Busy people.

Nakaramdam ako ng antok ngunit di ko na rin gaanong pinansin dahil kaunting oras na lang naman ang gugugulin para makauwi kami. Nagugutom na si Kyle. Kaya tanging ang pag-isip na lamang ng iluluto ang pinagbigyan ko ng pansin.

Naghintay siya hanggang sa mayari ako. Malamang talaga magugutom ito. Panigurado ay pagod rin kaya naisipan kong igayak ang higaan mamaya para doon muna siya magpahinga habang naglulito ako.

Hindi naman siguro siya magrereklamo.

Nakakaramdam ako ng awa at konsensya lalo na dahil alam kong busy rin siya. Feeling ko nagiging pabigat ako dahil dumadamay pa ako sa isipin niya.

Ngunit agad kong inaway ang sarili nang maaalala ang sinabi niya kanina...

You have a boyfriend and fiancè now. It takes time before we marry, but soon you'll be my wife. Your well-being is no longer just your own concern....What hurts you, hurts me. Deeply. So, no more unnecessary thoughts, aryt?

Kahit naman ako. Masasaktan sa tuwing nahihirapan siya kaya tama rin talaga ang lahat ng sinabi ni Kyle. Wala akong reklamo doon. Kaso ang ayaw ko lang ay ang maging dahilan ng paghihirap niya.

Arghh. Ayoko ng mag-isip.

Naramdaman ko namang mas lalong humigpit ang hawak niya na nakapagpalingon sakin. Ang mga mata niyang parang nagsasabi na okay lang ang lahat....And that calms me.

Tumaas ng bahagya ang gilid ng labi niya bago mainit na hinaplos ang kamay ko at ginalaw ang singsing na nandoon. Ngumuso ako sa aktong ginawa niya. Something's bothering him, I know. Ngunit ayokong magtanong sakaniya.

He really likes to do that.

Yung tipong gusto niya munang solusyunan bago sabihin sa akin. Hindi ko maialis sakaniya ang ganyan. Ang hirap manghula sa iniisip niya lalo na kung ayaw niya namang ipaalam. I'm not a freaking clairvoyant... Na kahit hindi niya sabihin ay malalaman ko kung ano iyon.

Napabuntong hininga ako at hindi na pinansin ang mga sensyales na pinapakita niya. I'll wait, okay? I'll wait, if that's what you want, Kyle.

NAKARATING kami nang walang kahirap hirap dahil sa walang gaanong traffic. Maaga pa kasi para sa totoong uwian ng mga tao kaya hindi namin nakasabay ang bugso ng mga sasakyan sa daan.

My Possessive Student Boss [MPSB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon