Kabanata XXIX

34.6K 446 17
                                    



Aminin



Nang nag dismiss na ang professor namin sa Laboratory. Tinanggal ko ang laboratory gown ko at lumabas sa locker room. Tinatawag pa ako ng mga kagrupo ko pero hindi ko na pinansin dahil ayoko ng ma-excuse pa sa meeting ni Kyle ngayon. Tinext ko na lamang ang leader namin. Humahangos ako nang makarating sa conference room. Bumati ako sa mga college deans at umupo na sa dulo.



Kinuha ko ang notebook ko para I-jot down lahat ng mapag-uusapan dito sa meeting. Tumayo na ang VPAA (Vice President of Academic and Affairs) na ikinagulat ko dahil nangunguhulugan lamang ito na mag-uumpisa na.



"Since the President, Mr. Kyle Vineon will be gone for today. His secretary, Ms. Flores will be his substitute for taking all the conversations and informations about the said meeting."



Napatanga ako ng mga ilang minuto dahil sa gulat. Wala siya ngayon? Why didn't he tell me? Hindi ko alam na absent siya ngayon. Teka-Eto na ba yung sinasabi ni Colleen na kukunin niya si Kyle? This must be crazy. This IS crazy! Nalilito kong sinilip ang cellphone ko. Nanginginig kong tinawagan ang cellphone.



The number you have dia--





Shit! Nanlalamig ang pawis ko sa kaba. Aaminin ko. Natatakot ako sa maaaring mangyari. Kasi wala akong dapat pagtanungan kung anong nangyayari sakaniya ngayon. They'll judge us. Me, especially. Kapag nalaman nila kung anong mayroon samin. Wala rin akong makakausap kung saan pwedeng mahanap si Kyle.



"Ms. Flores, are you taking notes? Mr. Vineon will be needing that." Napabalik lang ako sa realidad nang marinig ko ang sarili kong pangalan. You're so dumb, Mariz!



"As I was saying- Other recommendations and suggestions from the Deans will be appreciated. The project contract will be given to Miss Flores to personally take it to the President."



Hindi ko yata masyadong naintindihan ang sinabi ni Mr. Gonzales kaya nagtanong ako kung sino ang pupuntahan ko. "His father, Miss Flores. I've received an e-mail from his secretary that you'll personally take it to him."



Mas lalo yatang nanuyo ang lalamunan ko at kaunti na lang ay pupulikatin na ang mga daliri ko sa lamig ng pakiramdam ko. Shit. Kyle's father? Mr. Vineon? Shit- I should act professionally but I'm so nervous. Sabi ni Kyle gusto niya kong ipakausap sa Papa niya. What for? I mean there's no label between us. I don't know it yet. Wala kong lakas ng loob tanungin kay Kyle ang ganung bagay. Ayaw kong masabihan na parang ako ang desperadang magkaroon ng relasyon kami. If it for us. Then, it's for us.





MALALIM na lang akong napabuntong hininga nang makitang hawak hawak ko na ang envelope. The brown envelope has its seal on it. Kaya kung ano man ang nandoon ay di ko makikita o masisilip man lang.



"That was deep." Mahina at malambing ang boses ang narinig ko sa tabi ko. "Would you mind?" Sinilip ko ang nagsalita at nakaturo siya sa sasakyan niya. Tipong inaaya akong sumabay na lang sakaniya.

Tinignan ko ang likod ko para siguraduhing ako ang kinakausap niya. Oh! Shit! She was really talking to me! 

Mabilis akong umiling. "A-Ahh. T-Taxi lang po ako." Nauutal ako nang sinabi ko ang mga 'yon. Hindi ko alam kung gaano kanginig ang tuhod. I never got intimidated with a woman before. Pero ngayon? I doubt that. Kahit mga kapwa kong model na halos mas magaling sakin ay hindi kayang panginigin ang tuhod ko. Pero with this woman? Miss Kaye? I dunno-



Tinignan niya ang envelope na dala dala ko at tumingin muli sa mga mata ko. "You're going to the Vineon's." Hindi 'yon patanong. Siguradong sigurado siya kaya hindi niya 'yon ginawang tanong.

Hindi ko naman magawang magsinungaling dahil parang lawin niya kong sinisilip. Kinagat ko ang labi ko habang di ko namamalayang napatango na ko. Hindi ko alam. May parte saking sumisigaw na sumama ako. Na para bang kailangan kong sumama dahil hindi nagkakamali ang instinct ko pagdating sa mga ganitong bagay na di mapagdesisyunan.



Sumakay ako sa tabi ng driver's seat. Maganda ang sasakyan ni Miss Kaye. Professional. Itim ito pero halos gray ang mga gamit sa loob. Nakakakabang pumasok sa sasakyan niya. Parang siya.



"You can ask, Andrea." Napalingon ako nang marinig ang ikalawa kong pangalan. No one calls me by that name but him. Pa'ano niya nalaman na Andrea ang second name ko? "Oh! That?" Natawang banggit ni Miss Kaye. "Big deal pala sayo ang second name mo. Andrea is for Kyle only, right?"



Humalakhak siya kaya gumaan naman ang pakiramdam ko. "Yan! Dapat at ease ka sakin. You're my future cousin, Mariz!" Bumalik ang normal na tawag sakin. But what caught me off guard is--future cousin?



"Po?" Tanong ko pero hindi niya yata pinansin 'yon dahil nasalita na lang siya tungkol sa sinabi niya.



"Unfortunately, that uptight young man was my cousin. And also, sister of the girl that causes your headache."



Did I hear it right? Kapatid daw siya ni Colleen? Who would have caused my headache now? Malamang yung babaeng may gusto sa taong mahal ko. Pero bakit kilala niya ko? Naikkwento ba ako ni Kyle? Hindi naman siguro diba? Mukhang malayo si Kyle kay Miss Kaye. Mukhang hindi sila malapit sa isa't isa dahil ayaw niya kong palapitin n'on. Malamang sa malamang din ay hindi si Colleen. 

Nahulog na lang ako sa malalim kong pag-iisip. Hindi ko rin naman matanong si Miss Kaye dahil nahihiya ako. Hindi na rin siya nagsalita tungkol sa bagay na 'yon. Na para bang hinahayan niya kong i-organisa muna ang sinabi niya.

"Let's go."



NAKITA ko ang malaking garahe na pinagpark-an ng sasakyan ni Miss Kaye. Maraming nakahilera na sasakyan bukod sakaniya. At alam kong mamahalin ang mga 'yon. Lumabas si Miss Kaye at sumunod naman ako sa kaniya.



Sa gilid ng garahe ay may pintuan, na siya namang pinasukan namin. Sumunod lang ako sakaniya dahil parang sobrang pamilyar niya lang dito. Nang makapasok kami. Kusina ang tumambad sakin.



"Magandang tanghali po, Miss."



Madaming pang bumati kay Miss. Kaye pero nginitian niya lamang ang mga 'yon. Parang tuod lang akong sumunod habang masuring tinitignan ng mga katulong nila.



Mahabang lamesa ang makikita nang makalabas kami ng kusina. May tatlong taong nakaupo sa dulong parte n'on. Agad kong namukhaan ang mga 'yon. Maraming nakahanda sa hapag na para bang may handaan.



"Tito!"



Tawag ni Miss Kaye. Ngumiti lang matanda pero bigla ang paglipat sakin ng tingin niya. Sinuri niya ako na para bang may malaking pagkakamali sa buong pagkatao ko. Lumunok ako at hinawakang mabuti ang envelope sa tapat ng dibdib ko.



Sinilip ko ang dalawang taong magkatabi sa gilid ng lamesa. Nakangisi sakin si Colleen habang hindi ko naman mabasa ang pinapakita ni Kyle. Blangko. Walang emosyon.





Ngayon. Anong gagawin ko? Hindi naman maaring nakatayo lamang ako dito habang pinagmamasdang magkatabi ang dalawa. Now, what will you do Mariz? 



Pero may sumisigaw pa rin sa isang parte ng utak ko na..



Aminin mo, gustong-gusto mo siyang kausapin pero hindi mo alam kung paano sisimulan. Lalo na sa harap ng mga taong 'to. Sa harap ng mga taong pwedeng humusga sayo.





My Possessive Student Boss [MPSB]Where stories live. Discover now