Chapter 1

3K 146 7
                                    

Chapter 1

Hans Dawi Redjimo

Kasalukuyan kaming nakasakay ngayon ng kaibigan kong si Dan sa taxi. Inaya niya akong mag-bar. Wala naman akong ginagawa sa bahay kaya minabuti ko nang sumama.

"Hans? Ayos lang ba na may kasama tayo sa table?" Rinig ko pang tanong niya habang ako naman nakatulala lang dito sa labas habang tumatakbo yung sasakyan.

Agad ko naman siyang tinanguan at nginitian. "Oo naman, Dan. Sumabit lang naman ako." Natatawa kong sabi sakanya na kinatawa niya lang. Hindi ko na minabuting tanungin kung sino yung kasama namin sa table. Kakilala naman niya eh!





ILANG minuto lang ay nakarating na kami sa bar na sinasabi niya. Hindi ako gaanong pamilyar sa bar na 'to kahit medyo madami na akong napuntahan na bar. Parang bagong gawa lang na bar.

"Ako na yung magbabayad, Hans. Baba ka na." Utos pa saakin ni Dan na tinanguan ko lang bago mabilis na bumaba ng taxi. Ilang segundo lang din ay bumaba na din siya.

"Tara, Hans! Baka naghihintay na sila." Agad niyang aya saakin bago siya maglakad papunta sa entrance nitong bar. Ako naman nakasunod lang sa likod niya.

Agad niyang sinalubong yung dalawang bouncer. Nakipagkamayan pa siya at nakipag-yakapan.

"Mga boss!" Malakas pa na turan ni Dan. "Long time no see, mga boss!"

Nakipagkwentuhan pa siya sa mga bouncer ako naman nasa likod niya lang. Medyo OP ako dito ha. Kailangan ko din yatang makipag-close sa mga bouncer.

"Sino 'tong kasama mo? Bata pa yan." Nagulat naman ako nang tumingin saakin silang lahat.

"Hindi na bata yan boss! Bente-uno na yan boss! Baby face lang!" Natatawang sagot sakanila ni Dan sabay akbay saakin. Nakitawa nalang din ako kasi wala naman nakakatawa.

"Sige sige. Bantayan mo yang kasama mo. Mainit ang mga mata sa ganyang itsura." Huling turan pa nung bouncer na pinagtaka ko.

Nagpaalam na si Dan bago kami pumasok sa loob pero naka-akbay pa din siya saakin.

"Anong mainit ang mata saakin, Dan?" Nagtataka kong tanong sakanya habang pinagmamasdan itong lugar.

Talaga ngang maganda itong lugar. Malaki tapos modern yung design. Hindi din gaanong masakit sa tenga yung music kahit malakas. Hindi siksikan yung mga tao. Mabango din.

"H'wag mo nalang isipin yon, Hans. Wala lang yon." Bulong lang saakin ni Dan bago niya ako hatakin sa second floor.

Yung second floor nila, open lang. Kitang-kita yung ilalim kung nasaan yung dance floor. Tapos may mga mesa lang sa taas kung saan pwede uminom. Goodluck nalang sa malalasing at malalaglag sa ibaba. Haha.

Umupo kami sa isang bakanteng table. Isang malaking table tapos upuan na magkaharap. Malaki din naman. Mga anim siguro yung pwedeng umupo.

"Anong gusto mong drinks, Hans? Kakain ka muna ba?" Tanong saakin ni Dan.

"Hindi pa ako kumakain, Dan. Pero gusto ko na din uminom. Ikaw na bahala." Agad kong sagot sakanya.

Tumango naman siya bago tumawag ng waiter. Ako naman ay tumingin sa ibaba kung saan merong nagsasayaw na grupo. Ang saya nila tapos lasing na lasing na. Hahaha. Hindi ko napigilang matawa doon sa itsura ng isa. Nahuhubad na yung pantalon hindi pa din tumitigil sa pagsayaw.

"Inorder kita ng pagkain, Hans. Gusto mo ba yung chicken fillet?" Tanong saakin ni Dan kaya nawala yung tingin ko doon sa grupo at napatingin sakanya.

Accidentally Obsessed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon