Chapter 3

2.1K 155 16
                                    

Chapter 3

Hans Dawi Redjimo

    Nanlulumo kong pinatay yung makina ng kotse bago hugutin yung susi at mabilis na tanggalin yung seat belt ko at mabilis na lumabas. Mabilis akong naglakad palabas ng garahe pero napahinto ako at pumihit muli paharap ng kotse.

"No, please Hans, h'wag mong ibebente yang kotse mo." Mahinang bulong ko sa sarili ko bago sampal-sampalin ng mahina.

Kahit anong mangyari Hans, h'wag yang kotse mo.

Regalo saakin ni dad yung kotse noong sixteen ako. Pumasok ako sa driving lesson for two years bago ko ginamit at hindi ko akalain na pumasok sa isip ko na ibenta siya. No please. H'wag siya.

Binuksan ko na yung pintuan ng bahay at mabilis na tinulak. Mabilis akong naglakad papasok at tanging katahimikan ang sumalubong saakin. Huminto ako sa paglakad nang nasa gitna na ako ng malaking sala. Inikot ko yung paningin ko sa loob ng sala. Malaking mga couch, flat screen TV, hindi mabilang na paintings, ano bang pwede kong ibenta?

Napatingin naman ako sa tatlong pinakamalaking painting sa lahat at pinaka sentro nitong sala. Ang painting ko, ni dad at ni mom na gawa ni Jeorge Williams. Pinagigitnaan nila ako at ako lang yung nakangiti saaming tatlo.

"Why are you doing this to me, mom, dad?" Bulong ko nang may puno ng paghihinakit sa dibdib. "A-anong kasalanan ko?" Dugtong ko pa at pinigilan yung pagtulo ng mga luha ko.

"S-sana hindi niyo nalang ako binuhay sa mundo." Huling bulong ko kasabay ng pagtulo ng luha ko na agad kong pinunasan at mabilis na umakyat sa itaas.

Agad akong pumasok sa kwarto ko at binato yung bag ko sa couch bago mabilis na alisin yung sapatos ko ay tumalon sa kama. Hindi ako iiyak. H'wag kang umiyak Hans. Hindi ko na pinigilan yung sarili ko sa paghagulgol ay pag-iyak. Kung hindi ko iiiyak 'to baka mabaliw ako. Hinayaan ko yung sarili ko sa pag-iyak ng malakas. Wala naman makakarinig saakin. Walang may pakialam saakin.

Ilang minuto akong umiyak hanggang mapatigil nalang ako at mapatitig sa kisame habang nakapatong yung kamay ko sa noo. Magsu-survive ba ako sa buhay na 'to? Kaya ko naman 'di ba? Isang taon na lang naman?

Mabilis kong kinuha yung phone ko at mabilis na tinignan yung pinadala nilang pera saakin. Gusto ko naman sumigaw sa inis at galit. Yung dating hundred thousand per month na ipinapadala nila saakin thirty nalang. Kasama pa dito yung electric bill, water bill, yung plan ko, yung groceries at kakainin ko monthly. Hindi naman ako nag-aalala doon dahil napagkakasya ko naman pero dumagdag pa sa isip ko yung tuition fee ko na hindi pa nababayaran. Hundred fifty thousand yon. Saan ako kukuha non?

Hindi naman ako nagrereklamo kahit buwan-buwan na binabawasan yung pinapadala saakin. Pero hindi yung ganito. Agad akong napaisip kung anong pwede kong ibenta. Agad akong pumasok sa walk in closet at inilabas yung mga alahas pati yung suot kong pearl necklace na 'to na kay mom. Hindi ko pwedeng ibenta 'to. Hindi naman saakin 'to. Agad kong ibinalik yung mga alahas at mabilis na umupo sa couch ko. Agad kong binuksan yung phone ko at pumunta sa Messenger. Agad kong binuksan yung convo namin ni mom.

Gusto kong umiyak dahil halos araw-araw nagse-send ako ng message, pictures ko at voice mail pero wala akong nare-recieve na kahit anong reply. Isang taon simula noong iniwan nila ako hindi na siya nag-reply. Agad ko naman pinindot yung voice record.

"Hey mom, dad, I just want to tell you that I went to registrar office this morning. Yung tuition ko daw last year at half of this year is hindi pa bayad. Please answer me. Hindi kasya yung binibigay niyo saakin." Turan ko sabay send at forward kay dad na ganon din. Walang reply ni haw o how.

Kung magpa-boarders kaya ako? Kaso lalaki yung bayarin sa tubig at kuryente. Atsaka sino ang gustong tumira dito sa bahay ko? Wala naman. Anong ibebenta ko? Katawan ko? Bwiset naman!

Accidentally Obsessed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon