Chapter 8

2K 125 31
                                    

Chapter 8

Hans Dawi Redjimo

    "Wow." Namamanghang turan ko habang nakatitig sa damitan ko na inayos ni Xandro.

Grabe, ang ganda tignan. Pare-pareho yung tupi, pati yung mga underwears at socks naka-organize. Wala akong masabi, grabe. Ang galing!

"Ang galing mo naman pala magtupi. Sana nagkatulong ka na lang." Biro ko sa kanya sabay tawa.

"I enjoyed it." Turan niya sa akin na kinatango ko.

"Anong nakaka-enjoy dyan? " Sagot ko.

Tapos na rin naman ako maglinis. Yung mga sapatos nalinis ko na. Yung mga bags, tapos yung iba ko pang damit na nakasabit, nilinis ko na rin habang nagtutupi si Xandro kanina. Pati pala yung mga perfumes na naka-display, napunasan ko na.

"I really like your scent. Anong gamit mong perfume?" Tanong sa akin ni Xandro.

Kinuha ko naman yung perfume na ginagamit ko na naka-display. Sa dami ng perfumes dito, ito lang talaga yung nagustuhan ko. Ito, for display lang tapos yung ginagamit ko, nasa bathroom pa.

"Ito, Strawberry and Champagne." Nakangiti kong turan sa kanya.

"Oh! Kaya pala ang sweet ng amoy mo." Nakangiti niyang turan sabay spray ng perfume sa pulsuhan niya.

"I smells like you na." Natatawa niyang dugtong bago ibalik sa akin yung perfume.

Tinawanan ko na lang siya nang mahina bago ibalik yung perfume sa dati nitong lalagyan. Puro pang babae yung pabango ko. Ayoko ng para sa lalaki. Masyadong matapang.

"Maglilinis pa tayo sa ibaba 'di ba? Tara na?" Rinig kong aya sa akin ni Xandro matapos kong ibalik yung perfume.

"Oo. Lilinisin pa natin yung living room." Natatawang sagot ko.

"That's a piece of cake." Bulong niya bago kunin yung vacuum at dalhin palabas.

"Ang yabang mo naman po." Natatawang sabi ko sa kanya.

"I'm just telling the truth." Balik niya sa akin sabay tawa nang mahina.

"Sige na. Pwede ka na mag-asawa. Ang sipag mo naman kasi." Biro ko bago sumunod sa kanya palabas ng kwarto.

"Sige mag-aasawa ako, kapag ready ka na." Tumatawa niyang turan habang naglalakad kami pababa.

"Bakit? As if naman aasawahin mo ako?" Natatawang tanong ko.

"Maybe?" Mahina niya naman turan sabay tawa.

"Baliw." Sagot ko na lang sa kanya habang natatawa.

Mukhang nasa itaas pa sila Dery. Kami lang yung nandito eh. Hindi pa yata sila tapos maglinis sa itaas. Haha.

Agad akong napatingin sa portrait ng mga magulang ko nang tuluyan na kaming makababa. Gusto ko na talagang alisin yung mga mukha nila dyan. Lalo lang akong nasasaktan sa t'wing nakikita ko yang mga yan. Naaalala ko kung paano nila ako iniwan na parang kuting na akala nila ay may pupulot pa. Sumasakit lang yung puso ko kapag naaalala ko.

"Nasaan yung hagdan mo? Alisin na natin yung mga yan." Turan ni Xandro at binitawan yung vacuum sa tabi ng hagdan.

"Nasa garahe. Kaya mo na ba kunin?" Tanong ko sa kanya.

Inangat naman niya yung braso niya at pinakita yung muscles niya na kinatawa ko.

"Napakayabang mo talaga." Natatawang turan ko.

Accidentally Obsessed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon