Chapter 4

2.2K 163 24
                                    

Chapter 4

Hans Dawi Redjimo

Sabay-sabay kaming naglalakad papunta sa parking lot. Uuwi na kami dahil halos dalawang oras din yung itinagal namin sa Jollibee dahil sa kwentuhan at anong kaharutan. Lalo na si Dery at Chance. Ang gagaslaw. Parang mga bata pa din kami. Hahahaha.

Nakasabit naman yung kamay ko sa kamay ni Danny habang naglalakad. Kami yung magkasabay. Si Dery, pinanggigitnaan nila Chance at Xandro. Mabilis naman akong tumingin sa phone ni Danny. Kanina niya pa kinakalikot eh! Hindi man lang ako kinakausap.

"Hoy? Sino yan ha?" Turan ko sakanya.

Inis naman siyang tumingin saakin at inilapit yung phone niya sa mukha ko. Hindi lang inilapit, sobrang lapit! Halos maduling ako! Hindi ko naman nakita kung ano yung pinapakita niya. Agad ko naman tinulak yung kamay niya.

"Parang tanga, Dan. Makikita ko ba kung ganyan kalapit?" Bulong ko sabay irap sakanya.

"Sino pa ba ite-text ko, Hans? Si mama lang naman. Nagtatanong ka pa!" Turan niya nama saakin na kinatawa ko ng mahina.

"Okay! Sorry na eh! Teka, tinatanong ko lang naman! Sungit naman!" Agad na bwelta ko.

Inismiran niya lang ako bago niya ilagay sa bulsa niya yung phone. Agad ko naman kinuha yung pagkakataon para mas humawak sakanya ng mahigpit at lumapit. Tinignan niya naman ako habang magkasalubong yung kilay at nagtataka. Nag-puppy eyes pa ako sakanya habang nakatitig. Kita ko naman kung paano siya huminga ng malalim bago ulit nagsalita.

"Ano? Sabihin mo na. Nagpapa-cute ka pa." Pagsuko niya sabay bulong na kinangiti ko.

"Punta ka buka--" Hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko nang agad niya akong sapawan. Wow! Sumasapaw!

"Ayoko." Tipid na bulong niya sabay iwas ng tingin..

Napasimangot naman ako at pilit na magpa-cute sakanya. Hindi ako matitiis nito. Alam ko yon. Maya-maya lang ay tumingin siya ulit at nagbuga ng malalim na hininga.

"Look Hans, nakakapagod linisin yung bahay mo! Ang laki-laki tapos dalawa lang tayo! Mamamatay ako sa pagod!" Agad niyang reklamo.

"Hindi ko pa naman sinabi na tulungan mo akong maglinis ng bahay." Mahinang bulong ko sabay irap sakanya at iwas ng tingin.

"'Yon din naman yung sasabihin mo, Hans!" Bulong niya. "Ang hirap kasi linisin ng bahay mo. Kung sanang marami--" Hindi niya na natuloy yung sasabihin niya nang biglang magsalita si Dery at Chance ng sabay.

"Go kami!" Sabay nilang turan ni Chance.

Tinignan ko naman silang dalawa na parang nagtatanong. Anong ibig nilang sabihin?

"Sama kami bukas. Tutulungan ka namin maglinis ng bahay mo! 'Di ba Chance?" Sagot ni Dery sabay tingin kay Chance na agad naman ngumiti at nag-thumbs up. Shocks. Ang gwapo.

"Okay lang naman saakin." Mahinang bulong ko naman pero narinig ko yung pag-ismid ni Danny.

"Wow ha, Hans?! Okay talaga sayo. Minsan ang sarap mong isilid sa lata ng sardinas." Turan ni Danny na kinatawa ko.

"Hindi ako kakasya tanga! Sana ginawa ko na noon!" Sakay ko nalang sa biro niya.

Agad ko naman napansin si Xandro na tahimik lang simula kanina. Ay! Lagi pala siyang tahimik. Hehe. Kulang nalang maging pipi siya eh!

"Hoy, Xandro?!" Malakas na tawag ko kay Xandro.

Nasa likod na kasi siya nila Chance at Dery. Naiwan na siya. Hindi ko alam kung bakit ang bagal niya maglakad. Agad ko naman inalis yung pagkakasakbit ng kamay ko kay Danny at agad na pinantayan si Xandro sa paglakad. Nakalagay sa bulsa yung dalawang kamay niya pero sinakbit ko pa din yung kamay ko sakanya at agad ngumiti. Siya naman ay hindi nagsasalita at nakatitig lang.

Accidentally Obsessed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon