Chapter 7

1.7K 112 21
                                    

Chapter 7

Hans Dawi Redjimo

    "Waaaa! Ano 'to? Bakit ang sarap?!" Sunod-sunod na turan ni Dery nang matikman yung kutsinta.

Hindi ko tuloy maiwasang matawa. Para kasi siyang bata. Mag-aalmusal muna kami bago magsimulang maglinis.

"That's kutsinta." Sagot naman ni Xandro sa kanya.

Agad kong binigay yung mga kape nila pagkatapos kong itimpla. Si Dery naman parang gutom na gutom.

"Masarap ba talaga?" Tanong ni Chance sa kanya.

Agad naman siyang tumango at sinubuan si Chance. Hindi naman nag-inarte si Chance at agad din tinanggap yung sinusubo ni Dery.

"Wow, it's good!" Sagot agad ni Chance.

"Told ya!" Sagot naman ni Dery sabay punas sa gilid ng bibig ni Chance. Magkatabi kasi sila. Sobrang close siguro nila.

Medyo nakakainis lang kasi crush ko si Chance. Pero good match naman sila ni Dery. Pero wala naman silang label? Magkakaibigan lang daw sila?

"Hey!" Tawag sa akin ni Xandro kaya napatingin ako sa kanya.

Tinapat niya yung tinidor na may spagetti sa bibig ko. Nagtataka naman ako pero binuksan yung bibig ko at tinanggap. Ito yata yung dala naming take out kagabi tapos ininit niya.

"Para kang si Rapunzel, cutie 'no? Para kang isang prinsesa na naghihintay sa isang prinsepe para iligtas ka." Turan ni Dery na kinatawa naming lahat.

"Prinsesang sinumpa?" Natatawang biro ko sa kanya.

"Masyado kang maganda para isumpa." Sagot niya naman agad na kinangiti ko habang nakatitig kay Dery.

"Hey! Pinapakain kita!" Nagulat naman ako nang sumabat si Xandro.

"Bakit galit ka?" Natatawang tanong ko sa kanya bago agawin yung tinidor at spagetti sa kanya. Tumawa naman yung tatlo.

"May regla." Bulong ni Danny sabay tawa na kinatawa ko rin.

"Stop it, Danny." Sagot ni Xandro sa kanya.

Nagtawanan pa kaming apat pwera lang kay Xandro. Aga-aga highblood.

"Bilhan niyo ng fries, prutas at milktea." Natatawang turan ko bago mapahalakhak si Dery sa kakatawa.

"Ewan ko ba dyan kay kuya Chase, pag sayo laging sinusumpong." Turan ni Chance.

"Hala bakit naman ako?" Natatawang tanong ko habang ngumunguya.

"Kainin mo yan." Sabat ulit ni Xandro at inilagay yung chicken sa plato ko at hindi na ulit nagsalita.

Bigla naman akong nagtaka sa kinikilos niya. Hindi ko alam kung may topak o sinusumpong ng kagaguhan. Hindi ko na lang pinansin kaso tumahimik na din naman siya.

Napatingin naman ako kay Danny nang makita siyang busy sa phone. Inikot ko yung tinidor sa spaghetti bago itutok sa bibig ni Danny. Napatingin naman siya sa akin pero nakita ko yung mga mata niya na agad napatingin kay Xandro kaya hindi ko maiwasang mapatingin kay Xandro.

Nakatitig siya sa amin dalawa ni Danny pero nang tignan ko siya ay nag-iwas ng tingin at saka naman tinanggap ni Danny ang sinusubo ko.

"Hoy, may girlfriend ka na ba?" Hindi ko mapigilang tanong kay Danny.

Accidentally Obsessed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon