Chapter 5

2.7K 173 74
                                    

Chapter 5

Hans Dawi Redjimo

    Nagising ako sa sakit ng likod dahil sa hindi komportableng higaan. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at mabilis na tumingin saakin. Muntik na akong mapasigaw nang bumungad ang isang Xandro na nakatitig sa mga mata ko.

"Sleep more." Bulong niya pa na lalong kinagulat ko bago mag-sink in sa utak ko na hinatid niya pala ako pauwi.

Mabilis kong inalis ang kumot na nakapatong sa katawan ko at sinubukang alisin ang seatbelt ko. Grabe. Nakakahiya! Nakatulog ako. Shit.

"S-sorry, Xandro. Hindi ko sinasadyang makatulog." Mahinang bulong ko at pilit inaalis ang seatbelt ko pero ayaw matanggal.

"It's fine. Don't worry." Nakangiti niyang bulong saakin.

Napatingin ako ng lumapit siya saakin. Akala ko kung anong gagawin niya pero ibinalik niya lang ang upuan ko sa dating ayos. Agad naman akong nagpasalamat at inaalis pa din ang seatbelt pero ayaw talaga. Sumulyap naman ako sa labas at nakita kong nasa harapan na kami ng bahay ko. Siya na siguro yung nagbukas ng gate at pumasok na.

"Anong oras na, Xandro? Sorry talaga. Sobrang pagod ko lang siguro today." Ulit na bulong ko at nagsisimula nang mainis dahil sa letseng seatbelt na 'to.

Narinig ko naman siyang tumawa at mabilis akong lapitan ay hawakan ang seatbelt.

"One in the morning." Tipid na bulong niya at mabilis na naialis ang seatbelt.

Nanlalaki naman ang mga mata kong nakatingin sakanya.

"S-seryoso ka?" Mahina kong bulong sakanya.

Tumawa naman siya ng mahina sabay tango. Agad kong inilabas sa bag ang phone ko at laking gulat ko nang makitang one thirty-two AM na. Shocks. Ilang oras ako natulog? Nakakahiya! Bwiset! Napasandal nalang ako sa upuan at napapikit.

"Bakit hindi mo ako ginising agad? Anong oras na! Umaga ka na makakauwi sainyo." Bulong ko habang nakatakip ang mga mata ko gamit ang palad ko dahil sa inis ko sa sarili ko. Ang antukin mo kasi Hans!

Lalo pa akong nainis dahil tinawanan niya lang ako.

"Sinabi ko naman sayo na, ayos lang. Hahanap nalang ako ng malapit na hotel." Bulong niya pa. Parang kinokensya pa ako ha? Kasalanan mo naman talaga, Hans.

"Dito ka nalang matulog, Xandro. Maraming rooms na available. Ayos lang ba sayo?" Agad kong bulong sakanya.

Agad naman niya akong tinignan at tinitigan ng ilang segundo bago mabilis na ngumiti.

"I'm okay with it." Tipid na bulong niya. Mabilis ko naman siyang nginitian.

"Wait. Bubuksan ko lang yung garahe. I-park na natin 'tong kotse mo." Turan ko sakanya bago mabilis na lumabas at kinuha ang susi ng garahe sa bag.

Mabilis akong lumabas ng kotse pagkatapos kong bitawan ang bag ko sa upuan at mabilis na tumakbo papuntang garahe. Agad kong binuksan yung gate at mabilis naman na ipinasok ni Xandro yung kotse niya. Hinintay ko na siyang makalabas ng kotse dala yung bag niya at yung bag ko.

Agad ko naman siyang sinalubong at kinuha yung bag ko at mabilis na nagpasalamat bago kami lumabas ng garahe at isinara.

"Ang laki talaga ng bahay mo. It's beautiful." Mahinang bulong niya habang naglalakad kami papunta sa main door na kinangiti ko.

Sa mahabang drive way kasi, may bawat pole na may lights kaya maliwanag. Sa harap naman ng bahay, may mga lights din kaya kahit gabi, kita ang design ng bahay ko. And still, automatic yan magbubukas kahit hindi ko buksan. Through solar panels sila kumukuha ng energy kaya hindi kasama sa babayaran ko.

Accidentally Obsessed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon